TANYA
"ARE YOU sure about this?" diskumpiyadong tanong ni Dave sa'kin habang relax na relax ako na nakatingin sa salamin na hawak ko.
Aayusin ko muna ang sarili ko at magre-retouch ako ng lipstick pero biglang inagaw naman ni Dave sa'kin ang hawak kong lipstick.
"You're not listening!" inis nitong saad sa'kin.
Napanguso ako sa ginawa niya at kinuha sa kaniya ang lipstick at sinilid sa pouch ko. Nagsusungit na naman siya.
"Nakikinig ako sa'yo, Manong." Sabay irap ko sa kaniya.
"Tanya," warning niyang tawag sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya ulit.
Huminga ako nang malalim. "Effective 'to, Manong Dave. 'Di ba, gusto mong maikasal kayong dalawa ni Nathalia?" tumango siya sa tanong ko.
"How sure are you that this will work out?"
"Hmmm... 99.9 percent sure!"
"What?! you're not 100% sure? Why not a hundred percent? May natitira pang point one percent."
"Nyemas naman manong, oh! germs lang iyong point one percent," nanggigigil kong saad sa kaniya sabay kamot ng ulo. Pati ba naman iyon ay talagang itatanong pa at pinoproblema.
"Well, there's a possibility that your plan might fail. You need to be a hundred percent sure, Tanya."
Napangiwi ako sa kakulitan nito ni Dave.
"Sure na sure na 'yon! Sa mga commercial 'di ba? laging 99.9 percent lang kaya ginaya ko. Wala nang hahadlang pa sa naisip kong plano, unless may nabuntis ka."
"That will never gonna happen. Si Nathalia lang ang magiging ina ng mga anak ko."
"Iyon naman pala. Manalig ka. Magtiwala ka sa plano ko. Kapag nalasing na natin si Tita Claire at Nathalia, saka natin sila papapirmahin ng marriage contract niyo ni Nathalia. Ang talino ko 'di ba? Sino ba naman ang nakaisip ng magandang plano na iyan." Pumalakpak pa ako habang naiimagine ko ang magiging eksena namin mamaya sa bar ni Dave.
Niyaya namin si Tita Claire na magcelebrate kunwari ng graduation ko pagkatapos ay lalasingin namin siya. Isang judge si Tita Claire at nagkakasal siya. Mahina lang talaga itong dumiskarte si Dave kaya hindi naisip ang magandang plano ko. Syempre, nakausap ko na rin ang assistant niyang si Fe. Sobrang close kami no'n kaya sumang-ayon agad sa plano ko na pipikutin ni Dave si Nathalia. Wala nang kawala pa si Nathalia sa kaibigan ko kapag naikasal na silang dalawa.
Malapit din kasi ako kay Tita Claire at magkasundo kaming dalawa kaya naman hindi na ako nahirapan na imbitahin siya. Mahilig kasi siyang uminom lalo na raw no'ng kabataan niya kaya pumayag agad na makipag-inuman sa'min sa bar ni Dave. Hays, everything is perfect. Nakikita ko na ang itsura ni Nathalia kapag nalaman niyang kinasal na sila ni Dave.
"Okay. Let's get inside then. Bakit ganyan na naman ang suot mo?"
"Naman, Manong! bar ang pupuntahan ko hindi simbahan! Tara na nga." Napansin na naman ang suot-suot kong maikli. Napaka-conservative naman kasi nito pagdating sa'kin. Bakit kay Nathalia hindi naman. Nagsusuot nga ng two piece 'yon na konting hawi na lang ay kita na ang kaluluwa.
Nauna na akong bumaba ng sasakyan niya. Nakasimangot na tumabi sa'kin at sumabay na pumasok sa loob ng bar niya.
Nakaready na ang lahat. Ang bote ng alak na iinumin ko kunwari ay juice lang ang laman no'n para hindi ako malasing.
Si Dave ay nagpaalam na aakyat muna sa office niya. Susunod na lang daw siya sa table namin. Nagtext na rin sa'kin si Fe na malapit na sila ni Tita Claire.
Excited na ako sa plano ko.
"Lucky, ready ka na?" tanong ko sa kaibigan ko.
Namumungay ang mata nitong tumingin sa'kin. Mukhang nakarami na yata ang inom nito.
"Ready!" sagot nito at ngumiti pa sa'kin sabay itinaas pa nito ang hawak na glass.
"Tabi tayo, ah. Diyan sina Tita Claire at Fe, katabi nina Nathalia at Zach. Alam mo na ang gagawin. Punta lang ako rest room. Iyong bote ng alak, dito mo ilagay." Turo ko sa kaniya na ilagay sa harap ng magiging p'westo nina Tita Claire.
"Ano?!" tanong ni Lucky at medyo mataas ang boses niya. May kalakasan na kasi ang music sa baba dahil malalim na ang gabi. Madami na ang tao sa baba.
"Basta, dito mo paupuin sina Tita Claire. Iyong bote ng alak, 'wag mong gagalawin," bilin ko sa kaniya at pumunta na ng rest room.
Natagalan pa ako sa rest room dahil tumawag sa akin si ate. Ang laki din ng problema kay kuya Deuce. Naku, hindi talaga ako tutulad sa kanila ni Dave na tanga sa pag-ibig. Kaya ang goal ko talaga ay makapunta sa ibang bansa para doon makapagtrabaho. Magiging maganda ang buhay ko. Maraming opportunity sa'kin do'n.
Wala akong time sa pag-ibig na iyan. Distraction lang sila sa pangarap ko.
Pagkalabas ko ay nando'n na sina Tita Claire. Mukhang lasing na talaga si Lucky. Kausap niya si Tita Claire at binigyan na ng inumin.
Inawat ko siya. "Wait lang, Lucky."
"Cheers!" taas nito ng glass niya. Nakisabay rin si Tita Claire. Ang cool niya talaga at mabait. Hinayaan ko na lang si Lucky.
Pinaupo na ako ni Dave sa tabi niya. Mayamaya ay dumating na sina kuya Zach at kuya Rouie. Hindi nila kasama si Nathalia dahil maaga raw ang trabaho nito kinabukasan.
Agad na nalungkot si Dave at basta na lamang uminom ng alak. Nalintikan na!
Nagkatinginan na kami nina kuya Zach, kuya Rouie at Fe. Si Lucky ay hindi ko alam kung bakit naglalasing na ito agad. Broken hearted kasi kay Dave at hindi yata niya matanggap na ikakasal na ang ultimate crush niya. Wala na raw siyang pag-asa mapasakanya si Dave. As if naman magkakaroon siya kahit point one percent. Kahit lasing yata itong si Dave ay hindi nito papatulan si Lucky.
"To my future daughter-in-law. Cheers!"
Napamaang ako sa sinabi ni Tita Claire. Ano raw? future daughter-in-law?
"Ano po iyon Tita?"
"Cheers!" ulit ni Fe kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ito sa'kin kaya napataas na rin ako ng glass ko.
Pagkainom ko ay hindi ito iyong bote na dapat sa'kin. Patay! nasaan na kayo iyon? Binilin ko pa naman kay Lucky iyon. Kami lang naman ni Lucky ang nakakaalam ng laman ng bote na iyon.
"Lucky," bulong ko sa kaniya pero nakiyakap na ito kay Rouie.
Tsk. Kaasar! Umiiskor pa kay kuya Rouie.
Tuloy-tuloy lang kami sa pag-inom kaya hindi ko na namalayan kung nakakailang shot na ako. Nakakaramdam na rin ako nang pagkahilo. Nawala na ako sa sarili ko at talagang nag-eenjoy na kami.
Parang gusto kong sumayaw na ewan. Nakakaindak sumayaw kaya tumayo ako at do'n na ako mismo sumayaw. Tumayo rin si Dave at pinapaupo ako pero hindi ko siya sinunod. Sina Tita Claire at Fe ay mukhang lasing na rin.
"Fe!" sigaw ko dahil hindi ko alam kung naririnig ba niya ako.
Naaawa ako kay Dave. Nagpakalunod na ito sa alak. Sunod-sunod ang pag-inom niya. Tutal, hindi na rin naman matutuloy ang plano ko kaya dadamayan ko na lang siya na magpakalasing.
"Oh, Tanya." May inabot sa'kin si Fe pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil maingay ang paligid at lasing na rin kami pareho.
Inabot din ni Fe ang papel kay Dave. Nahihilo na talaga ako. Hindi ko na maintindihan ang ingay ng paligid ko.
"Oh, kayo na lang!" sigaw ni Fe tapos ay nagkatawanan kaming lahat. Tinaas pa ulit namin ang iniinom namin sa ere at nagcheers.
ANG SAKIT ng ulo ko pagkagising ko. Pakiramdam ko ay mabibiyak na ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi.
Nakauwi nga ba ako? Nasaan ako?
Shit! Agad akong bumangon pag-ikot ng mata ko sa kabuuan ng silid. Hindi ito ang silid ko!
Napasigaw ako nang mapansin ko na may lalaking nakadapa sa gilid ko. Hindi naman siya nagising. Nakailang lunok yata ako habang nakatitig sa kabuuan ng lalaking katabi ko.
Hindi ito maaari!
Hindi maaari ang naiisip ko na katabi ko ngayon. Ang lakas nang kalabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya.
No! It's not him. It's not him.
Biglang gumalaw ang lalaking katabi ko at humarap sa'kin habang nakapikit pa.
Halos mahimatay ako sa nakita.
"Dave..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
Napamaang ang labi ko. Ni hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na ito. Ano'ng nangyari? Bakit kami magkatabi sa higaan? Bakit kami nakahubad?!
Napasigaw ulit ako. Gumalaw si Dave dahil naingayan yata sa pagsigaw ko. Bahagya niyang tinaas ang ulo kahit pikit pa ang mata niya at dahan-dahan na nagmulat ng mata, tapos ay muling pinikit. Parang napabangon lang pero ang diwa mukhang tulog na tulog pa. Hindi niya ako napansin. Hindi niya napansin na may katabi siya.
Hawak-hawak ko ang kumot na binalot ko sa hubad kong katawan.
"Fvck!" mura niya habang bumabangon at sapo ang ulo na masakit din panigurado.
Na-estatwa ako sa kinauupuan ko at hindi na ako nakagalaw lalo na no'ng tumambad ang hubad niyang katawan. Natameme rin ako. Mas lalo akong napahawak nang mahigpit sa kumot. Napalunok ulit ako habang titig na titig sa kaniyang kahubdan. My gosh!
Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Nasilip ko iyong tayong-tayo niyang pagka*alaki dahil siguro umaga kaya nakatayo? Parang balde na yata ng laway ang nalunok ko habang nakatingin sa kaniya na tumayo at pikit-pikit pa ang mata. Dumiretso siya ng banyo na parang zombie na naglalakad na nakahubad.
Hawak-hawak ko ang puso ko na kabadong-kabado. Iyong sakit ng ulo ko kanina na naramdaman parang nawala. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako, tatayo, tatakbo, sisigaw, magagalit. Basta, hindi ko alam ang gagawin.
Wala na ang pinakaiingatan ko. Ang masama, ni hindi ko man lang natandaan. Ni hindi ko man lang naenjoy ang first ko. Sa dami ng lalaki, kay Dave pa! Kay Dave pa na patay na patay sa ibang babae. B'wisit!
Tumayo ako para hanapin ang damit ko habang hawak ko pa rin sa isang kamay ko ang puting kumot na binalot ko sa katawan ko. Natataranta na ako lalo na nang marinig ang pagflush ng toilet bowl. Palabas na siya.
"s**t, s**t!" natataranta kong bulalas. Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng kama o kaya lumabas na lamang para hindi niya ako makita.
Nagmamadali kong dinampot ang gamit ko at lalabas na lang ng silid niya. Ngunit bago pa ako makalabas, bumukas na ang pinto ng banyo. Napatigil ako sa paghakbang at naestatwa sa kinatatayuan ko.
"Tanya?" tawag niya sa akin na parang naninigurado. Namamaos pa ang boses niya.
Mariin akong napapikit. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Nanlaki ang mata ko na napatingin sa kaniyang malaking ano na nakasaludo pa sa akin.
"G-ood m-orning," bati ko pero do'n ako sa nakasaludo nakatingin. Para kasing binabati niya ako kaya siya nakatayo. Saka ako dahan-dahan nag-angat ng tingin sa mukha niya.
Nasundan niya ng tingin ang tinitingnan ko kanina. Napalunok siya at napatakip sa kaniyang harapan nang marealize na nakahubad siya.
"W-hat, what are you doing here?" kahit tinatakpan ng kamay niya ay nakasilip ang ulo nito. Ang laki ba naman at namumula pa. Nahiya ata dahil tiningnan ko.
"H-indi ko rin alam?" patanong kong sagot sa kaniya dahil talagang hindi ko alam.
Ang natatandaan ko ay uminom kami pagkatapos no'n ay wala na akong matandaan. Ni hindi ko nga alam paano kami napunta rito sa silid na 'to.
"s**t! Damn it!" naiinis niyang sapo sa ulo niya kaya sumilip lalo ang alaga niya. Napakagat ako ng labi. Ngayon lang ako nakakita nang ganyan. Ganyan pala ang hitsura niya. Parang mushroom na namumula ang ulo, mataba at mahaba. Napapalibutan pa nang makapal niyang buhok.
Nginuso ko ang harapan niya kaya nagmamadali siyang pumasok sa banyo. Paglabas niya ay nakausot na siya ng boxer short.
Ako naman ang sunod na pumasok ng banyo para makapagbihis. Nag-iinit ang magkabila kong pisngi sa sitwasyon naming dalawa ngayon ni Dave. Tinagalan ko sa loob ng banyo dahil hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kayang lumabas ng banyo.
Nagpalakad-lakad ako sa loob ng banyo niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. Ang aga-aga, bakit ganito agad ang bumungad sa akin?
Huminga ako nang malalim nang kinatok na niya ako.
Lumabas ako at hindi makatingin sa kaniya. Gano'n din naman siya.
Umupo ako sa edge ng kama. Nanatili siyang nakatayo. Nakasuot na siya ng t-shirt na puti. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Gusto ko siyang batuhin ng unan dahil sa ginawa niya. Nahihiya na nga ako, kailangan titingnan pa niya ako nang gano'n.
Pumasok siya sa banyo. Paglabas niya ay inabot niya sa akin ang t-shirt niya.
Napakunot ang noo ko na napatingala sa kaniya.
"Wear this," malamig niyang utos sa akin. Iyong suot ko kasi ang dress na hapit na hapit sa katawan ko at kulay pula pa.
Tinanggap ko ang inabot niyang damit at saka sinuot. Magkasing haba na lang sila ng t-shirt ni Dave. Wala naman akong magagawa dahil nahihiya rin naman ako sa suot ko pagkatapos nang eksena kanina. At saka para wala na rin mahabang diskusyunan pa kay Dave.
Umupo siya sa single couch na naroon sa kaniyang silid. Ngayon ko lang actually napansin na malaki ang silid niya. Napakalinis at napaka-organize.
Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Tanya, I'm sorry. Wala talaga akong matandaan sa nangyari kagabi," panimula ni Dave.
Nahihiya akong tumango sa kaniya. Ako rin naman walang matandaan.
"Please don't think I took you for granted," dagdag niyang saad.
"H-indi ko rin matandaan ang nangyari, Manong," nahihiya kong pag-amin.
Napapikit siya at napasuklay ng buhok gamit ang daliri.
"Look, uhm..." hirap na hirap itong sabihin ang nais niyang sabihin.
Napaigtad ako nang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa. Siya ang tumayo at pinagbuksan ang kumatok. Napatayo rin ako.
"Sir Dave, pinapatawag na po kayo sa baba para kumain ng almusal," saad ng kasambahay ni Dave.
"Sige, susunod na lamang kami," sagot nito sa kasambahay kaya umalis na ito.
Sinara niya ang pinto at muling humarap sa akin. Narinig ko pa ang pagbuga niya nang malalim na hininga.
Awkward. Sobrang awkward talaga. Sana panaginip lang talaga ang lahat.
Ako na ang bumasag sa katahimikan namin. "T-ara na. Kain na raw tayo."
"Are you okay?" halos panabay naming tanong na dalawa.
Napakamot siya ng batok. Okay? Mukha ba akong okay? Syempre hindi pero hindi ko masabi.
"I'll get you pain reliever."
"H-uh? Hindi na. Kaya ko naman," saad ko. Masakit ang ulo ko dahil sa nainom pero kaya ko pa naman.
"I know it's painful kapag... uhm..."
"Kaya ko. Ayos lang talaga ako," nahihiya kong sagot. I know what he's thinking. Hindi ko pa kayang pag-usapan namin na dalawa ang bagay na iyon. Gusto ko na lang talaga umuwi.
Tumango siya at binuksan ang pintuan. Pinauna niya akong lumabas. Tahimik lamang kami habang bumababa sa hagdanan at naglalakad. Hindi katulad noon na sumasakay pa ako sa likuran niya kapag may hagdanan. Bigla kasing ibang sakay na ang naiisip ko na ginawa namin kagabi. Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa.
"How was your honeymoon, newlyweds?" nakangiting tanong sa amin ni Tita Claire pagkapasok namin sa dining.
"W-hat?!"
"Po?!" Magkasabay na tanong namin ni Dave kay Tita Claire. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas na nakakunot ang noo namin.
Ano'ng ibig sabihin ni Tita Claire?