NAABUTAN NI DAVE na masayang nag-uusap ang parents niya sa living room pagkadating niya galing sa Ospital. Hindi niya naabutan doon si Tanya dahil nagsimula na itong magtrabaho. Hindi agad nagsalita si Dave at pinagmasdan lang ang kaniyang mga magulang na akala mo ay bagong kasal pa lamang kung maglambingan. He's happy to see his parents talking like this. Kahit busy ang mga ito sa kanilang mga trabaho ay nagagawa pa rin nilang bigyan ng oras ang isa't isa. May kung anong kurot sa puso niya nang maalala si Tanya, ang kaniyang asawa. Hindi man nila kagustuhan na maikasal ngunit wala na silang magagawa dahil kasal na sila. Napansin ni Claire si Dave na nakahalukipkip at nakatingin sa kanila. She extended her arms to Dave. "Come here, son," tawag ni Claire sa anak. Ngumiti si Dave at lu

