TAHIMIK ANG buong silid kung saan nailipat na si Thea. Hindi pa rin ito gumigising. Si Deuce ay nasa labas at may kausap. Tanging tunog lang na maririnig ay ang buga ng aircon. Si Tanya ay nakaupo sa mahabang couch at nakasandal sa headrest ang ulo habang nakatingin kay Thea. Malalim ang iniisip. Si Dave ay nakatayo sa paanan ng hospital bed ni Thea. His attention is drawn to Tanya. Lumapit siya sa asawa niya at tumabi nang upo. "Hindi kita masasamahan bukas sa pagbabantay dito kay Thea. I have a meeting tomorrow. By the way, si Lola ay nakatulog na sabi ni mommy." Basag ni Dave sa katahimikan nilang dalawa. Hinubad ni Dave ang suot na jacket at pinatong sa katawan ni Tanya. Alam niyang nilalamig na ito ngunit hindi lang nagsasalita. Nakalimutan niyang kumuha ng jacket sa bahay nina Tan

