Chapter 9

1348 Words
"TANYA, MAGPAHINGA ka muna," saad ni Dave kay Tanya na bakas na bakas sa mukha nito ang pagod at puyat. Ang mga mata nito ay mapupungay na habang nakatingin kay Thea na wala pa ring malay. Simula kagabi ay wala pang maayos na tulog si Tanya kaya naman awang-awa na si Dave sa asawa niya. Kahit man lang idlip ay hindi nito ginawa. Hinawakan ni Dave si Tanya sa balikat at inabot naman ni Tanya ang kamay ni Dave para hawakan din. Doon siya huhugot ng lakas pansamantala. Nanghihina ang kaniyang pakiramdam at parang bibigay na rin kaniyang katawan sa pinaghalong pagod at antok. "Baka ikaw naman ang magkasakit. Ako na ang sasama kay Deuce magbantay kay Thea dito. Ihahatid muna kita sa bahay para makapagpahinga ka nang maayos." Hindi nagsalita si Tanya. Tahimik lang siyang nakatingin sa kaniyang kapatid. Nagsisimula na naman manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Walang mapagsidlan ang kalungkutan na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. She lets out a long sigh. "Kung hindi dahil sa akin, hindi naaksidente si ate, Dave," she began to cry again. Wala siyang ibang sinisisi kun'di ang sarili niya sa nangyari sa kapatid niya. Dave hugged her from behind. Mas lalong napaiyak si Tanya sa ginawang pagyakap sa kaniya ni Dave. "Sshh... stop crying, Tanya. Stop blaming yourself. It was an accident. Hindi matutuwa si Thea na ganito ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon." "Kung hindi niya ako —" Pinaharap na si Tanya ni Dave. He wiped her tears using his thumb. "Let's go home. You need to take a rest." Malakas na umiling si Tanya sa hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Dave. Hindi niya magawang iwan kahit saglit ang kapatid niya lalo na sa kalagayan niya ngayon. Her tears kept streaming down her face. Niyakap ni Dave si Tanya at doon lalong napaiyak ang kaniyang asawa sa kaniyang dibdib. Awang-awa siya sa nakikitang kalagayan ng kaniyang asawa at kaibigan. Kung puwede niya lang akuin ang lahat nang nararamdaman na bigat ni Tanya ay ginawa na niya. Ayaw niyang nakikitang umiiyak at nasasaktan si Tanya. "Hindi ako aalis dito. Hindi ko iiwan si ate." "If you don't want me to carry you, let's go home and rest." Ma-awtoridad na saad ni Dave kay Tanya dahil talagang nagmamatigas ito sa kaniya. Tiningala ni Tanya si Dave. Magkasalubong ang kilay nito. Bahagya siyang dumistansiya nang yakap kay Dave ngunit nanatili pa rin na nakahawak sa baywang si Dave. Doon siya nahimasmasan. Muli siyang hinapit ni Dave palapit sa katawan nito habang hindi napuputol ang tinginan nilang dalawa. Lumayo na nang tuluyan si Tanya kay Dave dahil sa nakikitang kaseryosohan sa mga mata nito. She composed herself. Inaayos niya ang kaniyang buhok kahit hindi naman iyon gulo-gulo. Nagpunas din siya ng luha gamit ang likod ng kamay niya. "Umuwi ka na nga. Kaya ko na ang sarili ko," inis-inisan niyang sabi upang pagtakpan ang sarili. Dave let out a loud huff. Lumapit siya ulit kay Tanya na umiiwas na sa kaniya. Umupo si Tanya sa bench at pinikit ang mata. "I'm serious, wifey. Bubuhatin talaga kita kapag hindi ka pa rin sasama sa akin na umuwi," saad niya rito sa nakikitang gagawin ni Tanya. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito. He crossed his arms in front of her, waiting for Tanya to be serious. Alam niya ang gagawin nito na magtutulog-tulugan. And he'a right! Nilakasan pa ni Tanya ang kunwaring paghihilik niya. "Tulog na ako..." panggagaya ni Tanya sa inaantok na boses na medyo namamaos. Nagpipigil nang ngiti si Dave habang nakikinig sa sinasabi ni Tanya at habang tinitingnan niya kung paano itong magpanggap na tulog. May pabagsak-bagsak pa ng ulo kunwari. Hindi na niya naiwasan at napatawa na siya nang mahina. "Tulog na pala ang asawa ko. Kawawa naman. Mukhang pagod na pagod pa si wifey." Sakay naman ni Dave sa kalokohan ni Tanya. "Oo kaya —" Napatili si Tanya nang maramdaman niya ang kamay ni Dave na pumulupot sa dalawa niyang binti at bigla siyang binuhat na pang bridal style. Napadilat siya bigla ng mata. "Ano ba? Ibaba mo nga ako! Nakakahiya." Nagpumilit siyang pumiglas sa pagkakabuhat ni Dave ngunit malaking lalaki si Dave at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya. Hindi man lang ito natinag sa sinabi niya. Sumipol-sipol si Dave habang buhat-buhat si Tanya palabas ng hospital. Tatawagan na lang niya si Deuce na umuwi na silang dalawang ni Tanya pero babalik naman siya pagkahatid lang nito sa asawa niya sa bahay nila. Naroon naman ang mommy ni Deuce na kausap lang ang assistant nito. Napapalunok ng laway si Tanya habang nakakapit sa leeg ni Dave. Langhap niya ang mabangong amoy ng binata lalo na ang hininga nito. Hindi na rin niya alintana ang mga nakakasalubong nila sa hallway hanggang sa elevator. Talagang hindi siya binaba ni Dave. Dahil sa nakakaramdam na rin ng antok si Tanya ay sumiksik siya sa leeg ni Dave at pinikit saglit ang mata. Bahagya namang nanigas si Dave sa ginawa ni Tanya. Ramdam niya ang mainit na hininga ni Tanya na tumatama sa balat ng kaniyang leeg. Napapangiti na lang siya. "Sige na, matulog ka na," saad ni Dave. Para namang dinuduyan si Tanya at nalalasing na sa sobrang antok. Halos mahigit 24 hours na siyang gising. KINABUKASAN AY mabigat ang ulo ni Tanya na bumangon. Parang ang tagal niyang nakatulog sa kaniyang pakiramdam. Nilibot niya ang kabuuan ng silid. Nasa loob siya ng kuwarto ni Dave ngunit mag-isa na lang siya. Sinulyapan niya ang orasan sa bedside table. Kaya pala masakit na ang ulo niya dahil alas siete na ng gabi. Matagal nga siyang nakatulog. Tinanggal niya ang comforter na nagtatakip sa kaniyang katawan. Her eyes widened in surprise when she realized na nakasuot siya ng damit ni Dave at nakasuot lamang siya ng panty at wala siyang suot na bra! Hindi pa iyon ang natatandaan niyang suot na underwear bago siya nakatulog. Oh my gosh! Napatakip siya ng mukha gamit ang dalawang palad. Nag-iinit ang magkabila niyang pisngi sa kahihiyaan. Iniisip pa lang niya na si Dave ang nagpalit sa kaniya ng panty, nagtanggal ng kaniyang bra at damit — gusto na niyang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Bumukas ang pinto at pumasok si Dave. Napatingin si Tanya sa pintuan. Nakasuot lang si Dave ng pajama na checkered at nakahubad ang pang-itaas. Napalunok siya sa nakikitang abs ni Dave pababa sa mabalahibong parte ng puson nito. Bababa pa sana ang tingin niya sa pagitan ng hita nito ng tumikhim si Dave nang malakas. Automatikong nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. "Ikaw ang nagpalit ng damit ko?" inis niyang tanong. "Yes. Hindi ko naman natiis na patulugin ka na nakasuot pa ng corporate attire." Nanliit bigla ang mata ni Tanya. Totoo nga na si Dave ang nagpalit ng damit niya. Hindi man lang nagdeny si Dave at sinabi sana na kasambahay nila ang nagpalit sa kaniya. "I'm your husband. It's normal. Wala naman akong nakita diyan kun'di ang maliit mong boobs. Ang shaved mong —" Naghisterikal bigla si Tanya at pinagbabato si Dave ng unan. Panay ang ilag nito. "Bastos ka!" "Hey, hey, hey, stop!" Hindi pa nakuntento si Tanya at hinagis na rin ang orasan na nasa bedside table. Napangiwi si Dave nang tumama iyon sa balikat niya. "I mean shaved legs. You're guilty, Tanya. Hindi mo kasi ako pinatapos na magsalita. But now I know..." Nagpipigil ito nang malakas na tawa. Walang imik si Tanya at nakasimangot lang. Wala na talaga siyang maitatago kay Dave. Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga. Dapat pa nga ay magpasalamat siya kay Dave dahil inaalagaan siya nito lalo na ngayon. Bigla niyang naaalala si Thea. "Babalik na ako sa hospital, Dave. Salamat sa pag-alaga sa akin." "Magdadala ako pagkain dito. Magpahinga ka muna. Sasamahan kita na pumunta sa hospital. Just wait for me here." Nasundan na lang ng tingin ni Tanya si Dave na lumabas ng silid. Masaya siya gesture na iyon ni Dave, sa pagiging maaalalahanin at pagiging maaalaga. Napakamalas ni Nathalia at pinakawalan niya ang isang tulad ni Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD