TANYA WAITED patiently for her turn in her interview at Ford Modeling and Talent Agencies. Hindi na niya kasama si Lucky dahil umuwi muna ito ng kanilang probinsiya kasama ang kaniyang pamilya. Magpapahinga lang daw muna si Lucky bago siya mag-apply ng trabaho. Kaya ngayon ay mag-isa nag-apply si Tanya dahil desidido siyang magtrabaho doon. Habang naghihintay si Tanya ay paulit-ulit niyang iniisip ang huling pinag-usapan nilang dalawa ni Dave.
Gusto ni Dave na isama si Tanya sa Palawan, sa out of town nilang dalawa ni Nathalia. Ayaw ni Dave malaman ng mommy niya na si Nathalia ang dahilan kaya hindi siya makakasama sa pupuntahan nilang Foundation sa Sabado. Although sinabi ni Claire na hindi siya magsasalita na kasal na ang dalawa ay hindi niya gusto na patuloy niyang makita na naghahabol si Dave kay Nathalia dahil may asawa na ito.
Kaya pinipilit ni Dave si Tanya para makasama siya dahil nangako na siya kay Nathalia na aalis sila ngunit ayaw pumayag ni Tanya. Hindi maunawaan ni Tanya ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya nang inis at lungkot na siya ang asawa pero iba ang kasama ni Dave sa Palawan.
Pinilig niya ang ulo at huminga nang malalim. Bakit nga ba siya naaapektuhan kung aalis sina Dave at Nathalia? Unang-una ay alam niya kung saan siya nakalugar sa buhay ni Dave. Kung hindi naman naging palpak ang plano niya ay sina Nathalia at Dave ang kasal ngayon at hindi sila. The truth, however, hurts her a little. She can't explain it, but she can't stand it.
Tumunog ang phone ni Tanya. Kinuha niya ito sa bag. It's Dave calling her again. She waited for him to call again, but she ended up not answering. She is torn between wanting to talk to him and ignoring him to let him know that she doesn't like to come with them. Nawalan siya bigla nang gana na tulungan ito kay Nathalia. She sighs.
Lumabas ng opisina ang magandang babae at may dala itong folder. Iilan na lamang sina Tanya ang naroon at naghihintay.
“Miss Ortalla.” Tawag ng secretary kay Tanya kaya napabalik ang diwa niya mula sa malalim nap ag-iisip. “You can come in now,” sabi nito sa kaniya. Taas noo siyang tumayo at confident na naglakad papunta sa office ni Mrs. Harper Manalang.
Nginitian muna ni Tanya ang secretary ni Mrs. Manalang at nagpasalamat. “Thank you.” Mabait ito dahil nginitian din siya at mukhang makakasundo naman niya kung sakaling matanggap siya rito.
Tanya was taken aback by how elegant and spacious Mrs. Manalang's office was when she entered inside. Expected naman niyang maganda at malaki ang opisina nito ngunit hindi pa rin niya maiwasan na mamangha pagkapasok niya sa loob. “Good afternoon, Ma’am,” masiglang bati niya.
Mrs. Manalang smiled at her. “Good afternoon. Have a seat, Miss Ortalla,” she said as Tanya looked around.
Naging maganda ang takbo ng interview ni Mrs. Manalang kay Tanya. Siya nga yata ang matagal na kinausap nito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Tanya pagkatapos ng kaniyang interview. She had a feeling na siya ang matatangap. Excited na tatawagan ni Tanya si Lucky at ibalita sa kaibigan na mukhang matatanggap siya.
Bago pa nasagot ni Lucky ang tawag niya ay may nakabangga si Tanya habang naglalakad siya. Hindi niya napansin na may paparating dahil nakatuon ang atensiyon niya sa phone na nagda-dial ng number ng kaibigan niya. Nalaglag ni Tanya ang hawak niyang phone nang naramdaman niyang bumangga siya sa matigas na dibdib ng binata.
Her eyes were surprised when she realized who she had bumped into—Axel Monterverde!
Hindi siya makapaniwala. Napamaang ang labi ni Tanya at laglag ang panga niya habang nakatitig kay Axel, ang kaniyang crush na modelo!
“I’m sorry, Miss.” Hinging paumanhin ni Axel sa kaniya. His tone is strong. Para siyang dinuduyan sa alapaap pagkarinig sa boses ni Axel. “Are you okay, Miss?” pukaw nitong tanong sa kaniya nang hindi pa rin siya kumukurap man lang at nakanganga na nakangiti. Kinikilig siya! Gusto niyang sumigaw sa labis na kasiyahan.
“H-i... uhm, ayos lang ako. Sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nasaktan ka ba?”
Axel couldn't help but smile when he saw Tanya was still smiling at him. Umiling agad siya sa tanong ni Tanya. “No, no. I'm okay.” Dinampot ni Axel ang phone ni Tanya nang mapansin na nasa sahig ito. "Here," sabay abot niya sa dalaga.
Namula yata ang pakiramdam ni Tanya dahil sa kahihiyan sa harap ng kaniyang crush. "T-hank you. I'm really sorry."
"It's fault, too. Hindi rin ako nakatingin sa dinadaan ko. You're working here also?"
"Ah, hindi. Kakatapos lang ng interview ko. Nag-apply ako as Marketing Specialist."
"Congrats! I know you'll get the job. I need to go. By the way, I'm Axel, and you are?" Nakangitining nilahad ni Axel ang isang kamay kay Tanya at nagpakilala.
Mas lalong naglulundag ang puso ni Tanya sa labis na kasiyahan. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Axel sa kaniya. "Tanya. You're future girlfriend este girl na friend."
"You're funny. I like you. Nice meeting you, Tanya." Nagpaalam na rin si Axel at nagtuloy-tuloy na pumasok sa isang opisina na malapit sa opisina ni Mrs. Manalang.
Masayang-masaya siya at tila nawala sa sarili habang nakatingin pa rin sa pinasukan na opisina ni Axel kaya naman nang tumunog ang phone niya ay napasagot siya na hindi napansin kung sino ang tumawag.
"I'm sorry. Let's talk," ani Dave sa kabilang linya. Biglang napatingin si Tanya sa screen pagkarinig sa boses ni Dave. Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala. "Where are you? Susunduin kita."
Huminga siya nang malalim. Hindi rin naman niya matitiis nang matagal na hindi kausapin si Dave. "Nandito ako sa BGC, sa Ford Modeling Agency. Kakatapos lang ng interview ko."
"Hintayin mo ako diyan. I'll be there in twenty minutes."
Naghintay si Tanya sa lobby sa ibaba kay Dave. Katulad ng sinabi nito ay twenty minutes nga ay naroon na siya. Wala silang imikan sa loob ng sasakyan. Naiinis pa rin kasi siya kung ipipilit na naman nito na sumama siya.
"Let's eat first," basag ni Dave sa katahimikan nilang dalawa. Ngunit hindi katulad ng dati, tumango lang si Tanya sa sinabi ni Dave.
Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Dave na dadaan muna siya sa bar niya dahil may kailangan siyang asikasuhin doon. Pagdating doon ay naging abala si Dave na kausap ang Manager ng bar. Naiwan siya sa loob ng opisina nito.
"I'm sorry, madami akong inasikaso," saad ni Dave pagkapabalik.
Kakatawag lang din ni Thea kay Tanya at susunduin daw siya dahil gabing-gabi na. Hindi na niya naawat ang ate niya sa gusto nito.
Umupo si Dave sa tabi ni Tanya at sumandal sa couch. He exhales. "Alam ko na mahirap ang sitwasyon natin. I already filed an annulment. But we need to find grounds to annul our marriage. Hindi natin maaasahan sina mommy at Fe na tumulong para mavoid ang kasal natin."
Napasandal din si Tanya at napabuga nang ng hangin. Dave is right. Noong nakita nila ni Dave na nakafile rin ang marriage certificate na pinirmahan nila gusto niyang magwala. Totoo ang kanilang kasal. Gusto niyang pagmumurahin sa mga oras na iyon si Fe kung bakit tinotoo ang kasal nila ngunit hindi na niya magawa. Mabilis ang pangyayari. Puwede pa sana mavoid ang kasal nila dahil wala sila sa tamang katinuan ng araw na iyon kaya lang ayaw nang pumayag ng mommy ni Dave na tulungan sila. Gusto nito na silang dalawa ni Dave ang umayos sa ginawa nilang gusot.
"Makikipagtulungan ako Dave. Hindi naman tayo puwede manatili na kasal. May mga pangarap tayo," malungkot na sabi ni Tanya. Nawala bigla ang inis na naramdaman niya kay Dave. Naaawa na naman siya kay Dave dahil matagal na nitong mahal si Nathalia pero ngayon, nagkaproblema pa.
"I'm sorry for what I've said. Naisip ko lang na puwede natin gamitin si Nathalia kaya tayo magpapa-annul ng kasal. Third party. Cheating. We fall out of love."
Mabilis na tiningan ni Tanya si Dave. Tama! Puwede nga na grounds iyon tulad ng sinabi ni Jake. Pero ang ibig sabihin ay magkikita palagi sina Dave at Nathalia. Nakaramdam na naman si Tanya nang lungkot. Hindi na siya ang kasama nito palagi kapag magkikita silang dalawa ni Nathalia.
"Bahala ka," iritado niyang sabi bigla. Hindi niya nakontrol ang sarili na masabi iyon.
"Why are you still mad at me?"
Mayamaya ay pumasok sina Thea at Deuce kaya naputol ang pag-uusap nila Tanya at Dave.
"Uuwi na kami." Tumayo agad si Tanya at lumapit kay Thea. Napakunot ang noo ng ate niya sa kaniya lalo na noong lumabas na si Tanya sa opisina ni Dave na hindi man lang hinintay ang sagot ng binata. Bigla kasing nawala ulit sa mood si Tanya.