Chapter 7

1909 Words
TANYA tiptoed walking to her room when she got home. It was past midnight. She tried to be as silent as possible so her grandmother wouldn't find out that she came home late again. "s**t, s**t!" Nalaglag niya ang susi na hawak upang buksan na sana ang pinto ng kaniyang kuwarto pero nagulat siya sa biglaang pagring ng phone niya. She cursed while she's looking for her phone to cancel the call. She panicked. Kabadong-kabado siya dahil baka maggising ang kaniyang lola at malaman na ngayon pa lang siya umuwi. Baka isumbong pa siya kay Thea. "Tanya?" Bumukas ang katabing silid at sumilip ang lola niya. Kinapa ng lola niya ang switch ng ilaw at binuksan. Bumungad sa kaniyang paningin si Tanya na bitbit ang heels at halatang namumungay ang mga mata dahil sa pag-inom ng alak. Nginitian ni Tanya ang kaniyang lola habang dahan-dahan na bumaba ang kaniyang katawan upang pulutin ang susi na nalaglag kanina. "H-i, lola. N-aggising po kayo?" Maang-maangan pa niya na tanong saka tumuwid nang pagkakatayo. Ang isang kamay niya ay nagsususi na ng door knob upang makapasok na sa kaniyang kuwarto. Ang phone niya ay nagring ulit. She silently cursed when she saw that it was Dave that's calling her in the middle of the night. "Saan ka galing? Aba! Anong oras na, Tanya?! Uwi ba 'to ng matinong babae, huh?!" Nakapameywang na panenermon ng lola niya sa kaniya. She pouted her lips and mentally killed Dave in her mind. Kung hindi ito tumawag sa kaniya, hindi malalaman ng lola niya ang oras nang pag-uwi niya. "M-ay interview ako kanina, lola." "Alas dose ng gabi ang interview mo? Ano'ng klaseng kumpanya ba iyan at bukas pa ng ganitong oras?! Naku! Hindi call center ang in-applyan mo kaya huwag mo akong marason-rason na galing ka sa interview! Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin, mukha kang lasing. Hindi ka na nahiya sa ate mo. Kahit kailan hindi pa umuwi ng ganitong oras si Thea. Samantalang ikaw na bata ka, napakatigas ng ulo mo. Siguro nakipagkita ka na naman diyan sa nobyo mong hilaw." Napaismid si Tanya sa mahabang lintanya ng lola niya sa kaniya. Lalong-lalo na ang huling sinabi nito na nobyong hilaw. Mabuti na lang at tumigil na rin ang pagtunog ng phone niya. "Grabe ka naman, lola. Napasarap lang ang kuwentuhan namin ni Lucky. Sige na, lola, papasok na ako sa kuwarto ko. Goodnight." Ngunit bago pa nakapasok nang tuluyan si Tanya ay naibato na ng lola niya ang suot nitong tsinelas sa kaniya. Tinamaan siya sa ulo. "Aray!" Binalingan niya agad ang lola niya nakapameywang. "Bakit mo naman ako binato ng tsinelas, lola?! Masakit kaya." Reklamo niya saka binaba ang hawak na heels. "Para matauhan ka. Umuwi ka sa oras . Iyong uwi ng dalaga. Noong panahon namin, alas sais pa lang ng gabi nasa bahay na kaming lahat ng mga kapatid ko. Ikaw, hindi ka man lang natatakot na umuwi ng ganitong oras. Tingnan mo pa iyang suot mo, kaunting taas na lang ng kamay mo, kitang-kita na diyan ang perlas mo! Tapos bukas, ni ayaw mong bumangon para kumain ng almusal. Hala, sige! Patayin mo ang sarili mo. Sino ba naman ako para pakinggan mo? Lola mo lang naman ako kaya hindi mo ako pinapakinggan." Nagsimula nang magdram ang lola ni Tanya. Nagpupunas pa ito ng luha sa mata kahit wala namang totoong luha. Kahit naiinis si Tanya ay hindi niya rin matiis ang lola niya lalo na kapag nagdadrama ito. Nilapitan niya ang kaniyang lola at niyakap. "Sorry, lola. H-indi ko na po uulitin." "Ganiyan ka naman, porque ako lang 'to. Hindi mo na ako pinapakinggan. Balewala na talaga ako sa bahay na ito. Noong kabataan ko, kahit ano ang sabihin sa akin nina Nanay, sinusunod ko dahil iyon ang makakabuti sa amin. Pero ngayon, iba na talaga ang mga kabataan. Kung ano ang gusto, iyon ang gagawin." Nagsimula nang umiyak ang lola ni Tanya. "Lola, hindi naman sa ganoon. Ano kasi..." Kagat-kagat ni Tanya ang ibabang labi at hindi makatingin sa kaniyang lola. Kapag nagsimula na magsermon ang lola niya, mahirap na niyang amuin iyon. "Sige na. Matulog ka na at ako'y nakakaabala na sa iyo," saad nito kay Tanya bago pumasok sa loob ng kaniyang silid. Padabog na pumasok din si Tanya kaniyang silid at kinuha ang phone. Dinial niya ang numero ni Dave at tinawagan. Nakailang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. "Where have you been?" Bahagya niyang inilayo ang phone dahil sa malakas na boses ni Dave sa kabilang linya. "Ano bang pakialam mo?" Tumaas na rin ang boses niya at nagsimula na siyang makaramdam nang inis kay Dave dahil sa kanilang sitwasyon. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamalas na tao sa mga oras na iyon. Ang mga pangarap niya ay naglaho na parang bula. "Because I am your husband, wifey." "Huwag mo akong matawag-tawag na wifey. Bakit ka napatawag?" iritado niyang tanong habang naghuhubad ng suot niyang blouse at skirt. Naglakad siya papuntang cabinet na naka-underwear. Maliligo muna siya dahil naiinitan na siya. Hinubad na rin niya ang suot niyang bra dahil init na init na ang kaniyang pakiramdam. "It's our endearment—" Bumukas ang pinto kaya napaharap si Tanya na hindi na nagawang takpan ang sarili. Nanlaki ang mata niya pagkakita kay Dave! Habang si Dave ay bumaba ang paningin sa katamtamang laki na dibdib ni Tanya. "Shocks! Ano ang ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Dali-dali niyang tinakpan ang dibdib ng kaniyang braso. Napamaang ang labi ni Dave sa nakikitang ayos ni Tanya. Para siyang nahipan ng hangin at hindi agad nakapagreact nang makita ang kabuuan ni Tanya na tanging braso lang ang nagtatakip sa hindi niya dapat makita. But damn! He is just a man. Tinatablan din siya sa nakahain sa kaniyang harapan ngayon. She is like prey to him. She has this sexy curve that you can't resist looking at. Tanya cleared her throat to get Dave's attention. "Ang tagal mo kasing sagutin ang tawag ko. Lucky called me and she was drunk. Magkasama raw kayo kanina? The hell, Tanya! Uminom kayo at kakauwi niyo lang na dalawa?Don't hide it from me. Why didn't you called me?" Naningkit ang mata ni Tanya. Bakit naman siya tinawagan ni Lucky? Hindi pa yata makakamove on agad-agad si Lucky. Kay malas niya talaga. "Paano ka nakapasok? Saka bakit kita tatawagan?" "Binigyan ako ni Lola ng spare key noong isang araw, remember? Bakit mo ako tatawagan? Of course I am your husband, baby." She rolled her eyes. "Labas na!" nilapitan niya si Dave at tinulak palabas sa kaniyang kuwarto. She forgot she was exposing her naked body in front of Dave. "Ngayon nakita mo na nandito na ako sa bahay, makakaalis ka na Mr. Martinez." "Yes, I'm looking at you right now—naked, Mrs. Martinez." Pagpapaalala ni Dave sa kaniya. Ngumisi rin siya habang tinitingnan si Tanya na mapupungay na ang mga mata nito. Muling napatakip si Tanya ng kaniyang dibdib habang si Dave ay lumalapit sa kaniya. The next thing Tanya knew, she was cornered by Dave. "A-no ba?! L-umayo ka nga." Nagkandautal-utal niyang wika kay Dave. Ang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa pagkakalapit nila ni Dave. Dave stared at Tanya, amused. Tinukod niya ang isang kamay sa dingding, sa gilid ni Tanya. "I-sa! Layo..." muling pagtataboy ni Tanya kay Dave. Bakit bigla na lang ay parang awkward para sa kaniya na ganoon sila kalapit ni Dave sa isa't isa? Marahil dahil sa nakainom siya o dahil sa ayos niya? Napasinghap siya nang lumapit pa lalo si Dave sa kaniya. Langhap na niya ang mabangong hininga nito. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa pagkakalapit nilang dalawa. Habang si Dave naman, hindi niya maexplain ang nararamdam habang magkalapit ang katawan nilang dalawa ni Tanya. Gusto pa niya lalong ilapit ang katawan kay Tanya at iyon nga ginawa niya. He was tempted to smell her neck and buried his face in her skin. His buddy down there started to move. He should keep his distance from Tanya, ngunit hindi niya magawa. He should've pulled himself away from Tanya before he couldn't control himself. He wished he could taste her lips as if they were the sweetest he had ever tasted. Nagkatitigan silang dalawa. Nagpalipat-lipat tingan nila pareho sa kanilang mga mata at labi. They took a deep breath and exhaled forcefully. Ang mainit na hininga ni Dave na tumatama sa mukha ni Tanya ay siyang dahil kaya unti-unting siyang napapikit, waiting for Dave's kiss. A single second. It takes two seconds. How about three seconds? She waited, but nothing happened. She had never felt his lips on hers. Napadilat siya ng mata. Nakatitig lang si Dave sa kaniya. She bite her lips. Napahiya siya! Para siyang tanga sa isip-isip niya. Bakit nga ba siya napapikit? "Ina-inaantok na kasi a-ko," palusot niya sabay kamot sa kaniyang leeg. She can't even look straight in his eyes. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig na may ice sa sobrang kahihiyan. Dave exhales. Hinubad niya ang suot niyang coat at inabot kay Tanya. Kinuha iyon ni Tanya na hindi makatingin sa kaniya. Gustong-gusto niyang ilapat na talaga ang kaniyang labi sa labi ni Tanya ngunit hindi niya lang magawa. He doesn't like to take advantage of their situation now, lalo na sa ayos ni Tanya. Again, he sighs. Lumayo na rin siya kay Tanya at umupo sa kama. Nagsimula na siyang maghuband ng sapatos. "I need your help, Tanz. Nathalia wants to go out of town this Saturday." Napaikot ng mata si Tanya sa narinig mula kay Dave. Kaya pala hindi siya hinalikan ni Dave dahil kay Nathalia. Asa naman siya na hahalikan siya ni Dave kahit walang Nathalia! Hanggang kailan ba siya magiging tagapagpayo lang kay Dave tungkol sa problema nito kay Nathalia? "Ano naman ang kinalaman ko sa lakad niyong dalawa?" walang gana niyang tanong. Kumuha siya ng damit na pantulog sa cabinet. Ililigo na lang niya ang pagkadismaya sa nangyaring pagkapahiya niya. "May charitable event si mommy at kasama tayo sa Saturday, right?" Ang mga mata ni Tanya ay nagpipiyesta na sa salamin habang naghuhubad si Dave ng damit. Napakagat ng labi si Tanya nang tumambad ang malaking umbok ng puwet nito sa suot nitong puting brief. Nakatalikod sa kaniya si Dave pero ang puwet nito ay kitang-kita niya. "Tanya, are you listening?" tanong ni Dave ng hindi siya sumagot. Humarap na rin si Dave sa kaniya. Napakurap siya bigla ng mata. Galit-galitan siyang humarap din kay Dave. "Problema mo na iyan!" "Hindi ko 'to magiging problema kung hindi naging palpak ang plano mo. At lalong hindi ko magiging problema kung hindi ako sumunod sa plano mo." "So, ako na naman ang sinisisi mo? Okay, sorry kasi kasalanan ko. Tanga ko kasi," napikon niyang sabi kay Dave. "Parehas lang din naman tayo na ayaw sa sitwasiyon na 'to, pero bakit parang ako lang ay may kasalanan, huh?!" Napahilamos ng mukha si Dave. "I'm sorry, but that's not what I mean," he says, irritated. Mas lalong nainis si Tanya sa tono ng boses ni Dave. Pagdating talaga kay Nathalia ay pakiramdam niya ay wala siyang kuwenta kay Dave. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila dahil mukhang wala nang patutunguhan ang pag-uusap nilang dalawa. Mukhang dito pa matutulog si Dave hangga't hindi siya pumapayag sa gusto nito na tulungan niya si Dave kay Nathalia. "Ano bang gusto mong gawin ko?" He sighs. "Come with us."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD