"TANYA, bakit dito tayo pumunta? 'Di ba, mag-aapply tayo nang trabaho ngayon?" tanong ni Lucky sa kaibigan. Nanatili siyang nakatayo at pinagmamasdan lang si Tanya habang nagsisimula nang uminom ng alak.
"One week pa lang tayo nakagraduate, gusto mo magtrabaho agad? Mag-enjoy muna tayo."
Tiningnan lang ni Lucky si Tanya habang umiinom sa paborito nilang tambayan malapit sa University na pinapasukan nila noon. Maaga pa kaya wala pa masiyadong tao. Tumayo si Tanya at hinila siya na makaupo na rin. Nagpatianod naman si Lucky.
Nakacorporate attire pa naman silang pareho dahil ang usapan nilang dalawa ay mag-apply sila ng trabaho sa Ford Modeling and Talent Agencies, isang sikat na Modeling Agency sa Pilipinas. Malaking kumpanya iyon na kung saan madaming mga sikat na model at talent ang hawak nila. Mag-aapply sila as Marketing Specialist dahil bukod sa mahilig sila sa pagmomodelo ay Marketing graduate sila. Doon talaga nila pangarap na magtrabaho dahil nais nilang maging modelo rin balang araw. Si Nathalia ay kasalukuyan na hawak ng Ford Modeling Agencies.
Pero heto sila ngayon, sa dating University sila pumunta dahil doon nagyaya si Tanya.
"Ano ba ang problema mo? Hindi ka naman lasengga noon? Ako pa ang nangdedemonyo sa'yo para uminom tayo. Kapag nasa bar nga tayo ni fafa D, hindi ka nga masiyadong umiinom."
Uminom pa ulit si Tanya. "Celebrating my birthday in advance. Malapit na akong magtwenty one. Ang aga kong nakagraduate, 'no? Ang aga ko kasing nagsimulang nag-aral dahil matalino raw ako sabi ni mommy noon. Hindi yata magandang idea 'yon. Hindi ko man lang ma-eenjoy ngayon ang buhay dalaga na may trabaho na."
Lalong nag-iba ang hitsura ni Lucky. Tila hindi maintindihan ang sinabi ni Tanya. "Huh? Ano ba ang drama mo? Ano ba ang problema? Mag-iinom ka lang pala, dito pa talaga. Sana sinabi mo man lang na maglalasing ka lang. Nakatodo attire pa ako at make-up. Alam mo bang nagmask pa ako kagabi para maganda ang skin ko ngayon? Tapos dito lang tayo mag-iinom?"
"Kasal na kami ni Dave," malungkot niyang imporma kay Lucky pagkatapos ay ininom nito ulit ang alak. Sa haba ng sinabi ng kaibigan niya ay iyon lang ang sagot niya.
"Lasing ka na agad. Sabi sa'yo, masama ang humihithit ng katol. Ako kaya ang asawa ni fafa D." Hindi naman sineryoso ni Lucky ang sinabi ni Tanya sa kaniya.
"Gusto mo ba?"
"Syempre. Yummy kaya niya. Iyong amoy pa lang niya, alam mong masarap." Kinilig pa ito pagkasabi.
"Matabil din talaga ang dila mo, 'no? Sige sa iyo na si Dave. Isupot mo at iuwi mo na sa bahay niyo."
"Bakit kasi maliwanag pa lang ay naglalasing ka na? Ayan tuloy, kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa isipan mo. Huwag kang mag-alala, kikidnapin ko iyan si Dave para 'di na maagaw ng Nathalia na iyon sa akin. Sasayawan ko siya habang unti-unti kong tinatanggal isa-isa ang damit ko para lumuwa ang mata niya sa katawan ko." Talagang in-akto pa ni Lucky kung paano sumayaw ng daring at feel na feel niya. May paghagod pa siya sa leeg at kagat labi.
Hindi pa siya nakuntento at tumayo saka gumiling-giling. "Tapos gigilingan ko siya hanggang sa tumirik ang mata niya. Tapos ang kaniyang mga kamay ay hahagod sa katawan ko. Tapos uungol na lang ako ng, oohh... Dave ganiyan nga." Mabuti na lang at wala pa masiyadong tao dahil bakasyon na.
Napaisip si Tanya. Naisip niya ang ginagawa at sinabi ni Lucky. Gano'n din kaya ang ginawa niya? Umungol din kaya siya habang gumigiling sa ibabaw ni Dave? Napalunok siya at napainom ulit ng alak nang maisip niya iyon. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Pasimple niyang tiningnan ang kaniyang katawan at naisip na nahawakan na iyon ni Dave. Ang malaking kamay ni Dave ay humagod na sa kaniyang katawan.
Mas lalo siyang napalunok sa naiisip na may nangyari na sa kanila ni Dave. Pero ang pinagtataka niya ay hindi naman sumakit ang ibabang parte ng katawan niya o kaya ay nilagnat siya. Sabi kasi ng iba, kapag first time ay masakit at ang iba ay nilalagnat.
"Umupo ka na nga. Ang laswa mo! Pero Lucky... 'Di ba, kapag first time, nilalagnat o kaya masakit iyong parte ng ibaba?"
Napabaling si Tanya kay Lucky na patuloy pa rin sa ginagawang pagdemo ng sayaw. Muli siyang uminom ng alak. Gusto niyang makalimutan ang problema niya. Hindi niya alam kung paano lulusutan ngayon ang pinasok niya. Mas mahirap pa sa pinasok na problema ng ate Thea niya.
Muling umupo si Lucky at kinuha sa kaniya ang alak at nilayo. Naging seryoso na ang hitsura nito.
"Aba! malay ko. Wala pa naman ako karanasan, 'no? Pero sabi nila, oo. Bakit?"
"Huh? ah, wala. Naisip ko lang." Bigla siyang nahiya.
"Mag-apply na tayo ng trabaho. Iyon ang plano natin bago ang graduation. 'Di ba nga, kailangan natin ng pera para pambili ng bagong damit, make-up at sapatos. Mars, pera ang goal natin, hindi ang alak. Pera, pera, pera." Pagpapaalala ni Lucky sa kaniya.
High maintenance kasi sina Tanya at Lucky. Talagang inaalagaan nila ang sarili at pinagkakagastuhan ang mga pagpapaganda nila. Gano'n sila kaeffort.
"Sana gano'n na lang problema ko. Mars, hindi ko man lang naenjoy ang buhay single ko kung kailan magkakatrabaho na ako, e. Tapos, iyong bataan ko, binatuta na niya. Ni hindi ko man lang naramdaman. Pinakaiingatan ko iyon." Biglang pumalahaw si Tanya nang iyak. Nagpadyak pa siya ng paa.
"Hala, Tanya! Totoo ba kasi ang problema mo?"
Napatigil si Tanya ng pag-iyak at bumaling kay Lucky. "Gaga! Mukha ba akong nagbibiro? Totoo iyon. Kami iyong naikasal imbes na para kay Nathalia. Kung bakit kasi si Fe tinuloy pa rin ang kasal na iyon! alam na nga niya na wala si Nathalia."
"Ohh!" Tanging nasambit lang ni Lucky sabay kuha ng juice na inorder niya at sinipsip iyon. "Malaking problema nga iyan. Bakit hindi na lang ako ang pinapirma ni Fe? Lucky naman ang pangalan ko pero malas naman sa malas. Sa iyo pa talaga napunta si Dave. Wala na! wala na akong pag-asa, Tanya! Saka... binatuta ka na niya?" pumalahaw din bigla nang iyak si Lucky. "Bakit hindi na lang ako?"
Sabay silang pumalahaw nang iyak na dalawa.
"Para tayong mga baliw." Naiiyak na natatawang saad ni Tanya kay Lucky. Sumang-ayon din si Lucky. Natatawa rin siya habang naiiyak. "Cheers!" Kumuha rin ng alak si Lucky at nakipagcheers din sa kaniya.
"Mars... malaki ba?"
Napalunok si Tanya. Naisip niya iyong sumaludo sa kaniya nang tumayo si Dave na nakahubad at dahan-dahan na tumango upang kumpirmahin kay Lucky. Mataba iyon at malaki na mamula-mula.
"Sana ako na lang. Sana ako na lang at hindi ikaw ang minahal niya. Mas kaya ko siyang mahalin na higit pa sa buhay ko!"
Napatigil bigla si Tanya at napangiwi. Seryosong-seryoso kasi si Lucky na akala mo ay artista sa pagiging best actress. May paduro-duro pa itong nalalaman sa kaniya pero malayong-malayo naman ang sinasabi nito sa pinag-uusapan nila.
Nilapit ni Tanya sa bibig ni Lucky iyong baso na may alak. "Uminom ka na lang. Kulang ka pa sa alak, mars."
SI DAVE NAMAN ay palakad-lakad sa kaniyang opisina. Muli siyang napaupo sa kaniyang swivel chair at hinilot ang kaniyang sintido. Napatingala siya pagkatapos at humugot nang malalim na buntong hininga. Napahilamos na rin siya ng mukha gamit ang palad.
"Damn it!" mahinang pagmumura niya sa sarili. Mariin siyang napapikit. Nagsisisi siya kung bakit nagpakalasing siya ng araw na iyon nang sobra. Hindi sana nangyari ang bagay na iyon.
Kumatok ang secretary niya tapos ay sumilip sa pintuan. Maliit lang ang pagbukas ng pintuan. "Sir Dave, si Ma'am Nathalia po nasa labas. Magsisimula na po ang meeting niyo in ten minutes. Nasa conference room na po ang daddy niyo pati na sina sir Marco."
Agad na napatayo si Dave pagkarinig sa pangalan ni Nathalia. "Let her come in. Pakisabi kay dad, malelate lang ako. They can start the meeting without me. Just don't tell dad that Nathalia is here."
"Noted, sir!"
Mayamaya ay pumasok na si Nathalia. Malapad na ngumiti ito sa kaniya. Mabilis niya itong nilapitan. She kissed him on his cheeks. Tila nahihiya siyang napangiti sa ginawa ng dalaga.
"H-i. What brings you here? Akala ko nasa Singapore ka ngayong week?"
"Kararating ko lang. Dumiretso na ako dito. Hindi mo ako sinundo kanina sa airport. Sorry nga pala dahil hindi ako nakapunta noong nakaraang araw sa bar mo. Nagkaroon kasi nang maagang photoshoot no'n. Akala ko nga ay pupuntahan mo ako sa condo no'n dahil hindi ako nakapunta." May himig na pagtatampo ang boses na iyon ni Nathalia.
Napamura siya sa kaniyang isipan dahil nakaligtaan niya iyon. Sinabi ng assistant ni Nathalia na ngayon ang dating niya pero dahil madami siyang iniisip, unang-una na iyong problema nila ni Tanya kaya nawala sa isip niya.
"Oh, I'm sorry. Madami lang akong ginagawa kaya hindi kita nasundo ngayon. And sorry kasi hindi ko rin maiwan sina mommy no'ng time na iyon."
Pero biglang sumaya ang puso ni Dave dahil hinintay pala siya ni Nathalia nang gabing iyon.
"Akala ko kasama mo naman si Tanya."
Napatawa nang mahina si Dave at napakamot sa batok. "Busy rin kasi siya."
Napatango-tango si Nathalia sa sinabi ni Dave. Naglakad siya papunta sa glass window. Nakasuot si Nathalia ng hapit na dress at kita ang likod. Wala itong suot na bra, n****e tape lang ang pangtakip sa kaniyang didbib. Kitang-kita ang ganda ng kurba at kaseksihan ng dalaga. Mataman na tinitigan ni Dave si Nathalia habang nakatingin sa labas. Nakapony tail ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng heels. Sophistakadang-sophistakada ang dating ni Nathalia sa kaniyang kausotan. Nababagay kahit ano pa ang isusuot nito dahil confident din talaga itong magdamit.
"By the way, I'm free this weekend. Out of town tayo?" Bumaling paharap sa kaniya si Nathalia at ngumiti habang naghihintay ng kaniyang sagot.
May lakad sila ni Tanya. Inimbitahan sila ng mommy niya sa isang charitable event this coming Saturday. Hindi siya puwedeng hindi pumunta dahil ang mommy niya ang nagset ng lakad nila ni Tanya. Hindi rin naman niya puwedeng isama si Nathalia dahil nando'n ang mommy niya at si Tanya.
"Well..." Hindi siya makapagsalita.
"Well? Palawan or Boracay?" Lumapit sa kaniya si Nathalia. Matamis na ngumiti sa kaniya. Napatingin siya sa labi nito. Pinatong ni Nathalia ang isang kamay sa kaniyang dibdib. "Pambawi ko iyon dahil hindi ako nakapunta."
He wrapped his arms around her waist. Mas ngumiti nang malapad si Nathalia sa ginawa niya. Ang lapit nila sa isa't isa. "Magtatampo ako kung hindi mo ako pagbibigyan."
Muling napakamot ng batok si Dave. Paano ba ang gagawin niya? Nag-aalinlangan siyang napatango na lang.