KINABUKASAN ay pinuntahan nina Tanya ang kaibigan na Lawyer ni Dave na si Mr. Peralta sa opisina nito para magpatulong sa problema nilang dalawa.
"Jake, I hope you could help us. We're desperate. Ano ang kailangan namin gawin para mapawalang bisa ang kasal namin ni Tanya?" tanong agad ni Dave pagkaupong-pagkaupo nilang dalawa.
"Hindi naman namin alam ang ginawa namin ni Dave ng mga oras na iyon. Lasing na lasing kami. Puwede ba iyon gamitin para mapabilis ang proseso ng annulment namin or mavoid ang kasal namin?" segunda rin agad ni Tanya.
"Yes, puwede iyon. Dapat iyong pumirma ng marriage certificate niyo ay magpapatunay na wala nga kayo sa tamang kundisyon ng araw na iyon."
Sabay silang napalunok ng laway na dalawa at nagkatinginan. Nanlamig ang pawis nilang parehas.
"Sino ba ang nagkasal sa inyo? We can use your mom's connection para mapadali ang proseso."
"P-aano kung ayaw pumirma or makipagcooperate ng taong nagkasal sa'min ni Dave?" kinakabahan na tanong ni Tanya.
"Is there any other options bukod do'n?" singit ni Dave dahil alam niyang malabong mangyari iyon na pumayag ang kaniyang mommy. Hindi kasi nito nagustuhan ang ginawa nila ni Tanya na plano.
Pero kahit gano'n ay mabait pa rin ang mommy niya sa kanila.
"Hahanap tayo ng grounds para mapawalang bisa ang kasal niyo. Pero iyon ang madaling paraan kung gusto niyo talagang mapa-annul agad ang kasal niyo, kausapin niyo kung sino ang nagkasal sa inyo. Sino nga ba ang nagkasal sa inyo?"
"Si Mom."
"What?!" Nanlaki ang mata ni Jake sa sinabi ni Dave. "Woah. Malaking problema iyan, pare. Judge ang mommy mo tapos siya pa ang nagkasal sa inyo. Puwedeng matengga sa korte ang annulment process niyong dalawa. The best you can do is talk to her, convince her. Kumbaga pare, kahit makahanap ka ng magaling na abogado, tagilid na agad ang kaso niyo. Kakalabanin niyo ang mommy mo."
"Iyon nga ang problema namin. Ayaw niyang pumayag. Kahit anong pagkumbinsi namin sa kaniya ayaw niya talaga." Dave heavily sighed in frustration.
"I can't do anything about it, Dave. Si Ninang ang nagkasal sa inyo. As much as I want to help you, but knowing Ninang. Hindi iyon papayag na sasalungat ka sa desisyon niya. Mabait si Ninang pero iba kung magalit."
Nagkatinginan sina Tanya at Dave. Nanlulumo at laglag ang balikat. Napahugot na lamang silang dalawa ng isang mahabang buntong hininga.
PINUNTAHAN NINA Tanya at Dave sunod ang mommy ni Dave para pakiusapan.
"What brings you here newly weds?"
Binaba ni Claire ang binabasa na file pagkakita sa dalawang pumasok sa kaniyang library.
Naunang pumasok si Dave. Si Tanya ay kasunod ni Dave at tila nahihiya pa ngunit hinintay naman siya ni Dave makapasok at pinaunang pinaupo sa visitors chairs.
Lumapit si Dave sa kaniyang mommy at humalik sa pisngi nito.
"Hi, Tita Claire," bati ni Tanya. Humalik din siya sa pisngi nito saka muling bumalik sa kinauupuan. Si Dave ay umupo na rin sa katapat na upuan ni Tanya.
"Mom, please? Help us. Walang mangyayari sa amin ni Tanya kung ipagpipilitan niyo na manatili kaming kasal. We might hurt each other in the future. Tanya is still young."
Sumandal si Claire sa kaniyang upuan at napangiti lang sa sinabi ng anak.
"Ngayon niyo lang naisip kung ano ang magiging resulta ng ginawa niyo? I just want the both of you to understand and face the consequences of what you did. Who the hell thought of that genius idea, huh?" May diin nitong saad sa dalawa. Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa kanila.
"I'm sorry po, Tita. Kasalanan ko po talaga." Pag-amin ni Tanya. Narealize nga niya na mali ang plano niya. Dahil sa kanila nangyari ang plano niya ay naiintindihan na niya na hindi nila dapat ginawa iyon.
"I'm sorry, mom. It was a desperate plan."
"And it's too late, son. Ayaw ko masira ang relasyon ng pamilya natin sa mga De Silva. What you did was truly a disgrace to our family. Paano kung natuloy ang kasal ninyo ni Nathalia? Ano na lang sasabihin ng pamilya nila sa atin, huh?! Naisip niyo bang dalawa iyon? I guess hindi dahil kung oo, hindi niyo sana ito ginawa. But now, wala na tayong magagawa pa sa bagay na iyan. You two are married now."
"But how about us, mom?"
"Naisip niyo rin ba ang mararamdaman ni Nathalia sa plano niyo? I am very disappointed with you, Dave, pati sa iyo Tanya. Nakapaka-selfish nang naisip niyo para makuha si Nathalia. It was a trapped marriage."
"Sorry, Tita Claire." Mangiyak-ngiyak na paghingi nang tawad ni Tanya.
"Babae ka rin, Tanya. How could you this to Nathalia? Kahit pa sabihing mahal siya ng anak ko, it doesn't mean she is required to love him back. Hindi gano'n ang pag-ibig. Hindi natuturuan at lalong hindi napipilit. Let destiny handle it. Kung para talaga sa isa't isa sina Nathalia at Dave, darating sila sa bagay na iyon. Hindi niyo dapat minadali at pinangunahan ang magiging desisyon ni Nathalia. Look what happened, hindi niyo nagustuhan,right?" Sabay silang tumango.
"That's why we wanted to make it right this time, mom."
"Face the consequences of your actions. Ginawa niyo ito, panindigan niyong dalawa! Bahala kayo na magpa-annul ng kasal niyo. I will not help you."
"Mom-"
"Stop it, Dave Mathew! Hindi kita pinalaki at pinag-aral para lang gawin mo ang bagay na ito. If you truly love her, you should learn to respect her feelings. Kung gusto niyong maghiwalay na dalawa, go on. Pero hindi ko kayo tutulungan para mapabilis ang process ng annulment niyo. Lasing man kayo nang kinasal ko kayo, I don't care!"
Tuluyan nang nawala ang pag-asa ng dalawa. Tumayo si Dave at hinawakan sa kamay si Tanya para patayuin din.
"Aalis na kami, mom. I'm sorry for disappointing you. I'll fix this." He sighed. "But please, wala sana muna makakaalam. We'll let everyone know when we are ready, just not now. I hope you understand. Kahit ito na lang ang itutulong niyo sa amin, mom."
Matagal na tinitigan ni Claire ang anak bago tumango. Kahit hindi siya sang-ayon ay hindi rin niya gusto na pabayaan ang anak. She loves him pero hindi lang niya gustong i-tolerate ang maling ginawa nito.
"Okay, Dave. I'll do that. I will not interfere with your marriage and your decision. But Tanya is your wife now. She is your responsibility. Sa ayaw at gusto niyo ay kasal na kayo. Never forget that."
Dave approached Claire and hugged her tightly. There is sadness in his eyes, but he is still happy that he has a good mom like her mother.
"TANYA, bakit ba lagi kayong magkasama ni Dave?" tanong ni Thea sa kapatid. "Ayaw lang kitang masaktan. May mahal na iyon na iba."
Iyong kakagatin sana na burger ni Tanya ay hindi niya natuloy na kagatin sa sinabi ni Thea. Binaba niya ang hawak na burger. Pangatlong araw na nilang mag-asawa ni Dave. Hindi pa naman siya nagsisimula sa company nito. Wala pang alam si Thea na doon siya sa kumpanya ni Dave magtatrabaho.
"Uhm... wala lang. Nagpapatulong lang sa'kin si Dave kay Nathalia. Ilang beses mo na natanong sa'kin iyan kung bakit kami palaging magkasama ni Dave. Hindi ko naman nakakalimutan na may... uhm... N-athalia na siya." Biglang pakiramdam ni Tanya ay pinagpawisan siya nang malamig. Nakukunsensiya siya.
Naningkit ang mata ni mata ni Thea. "Aba, himala. Hindi na kuya or manong," tudyo pa nito sa kapatid saka napangiti dahil palagi niyang naririnig ang gano'ng tawag ni Tanya kay Dave.
Parati rin nakabusangot si Dave sa tuwing inaasar siya ni Tanya nang gano'n. Pero hindi naman mapaghiwalay ang dalawa dahil close sina Tanya at Dave. Nagkakasundo silang dalawa sa maraming bagay. Overprotective rin si Dave kay Tanya.
Kabadong-kabado si Tanya baka madulas siya sa ate niya. Uminom muna siya ng juice para tanggalin ang bara sa lalamunan kahit wala namang nakabara doon.
"Okay ka lang?" puna ni Thea dahil mukhang tensiyonado si Tanya.
"Oo naman. Okay na okay na okay! Ako pa ba?" She even crossed her arms and smiled at Thea. Pero ang ngiti na iyon ay hindi umabot sa mata niya.
Hindi kumbinsido si Thea sa sinabi ng kapatid. Pakiramdam niya ay may mali. May gusto na kaya si Tanya kay Dave? tanong ni Thea sa isip.
"Whatever. Siya nga pala, 'di muna ako makakauwi sa Sabado. May lakad kami ni Deuce. Sa Linggo naman uuwi ako."
"S-ige lang, Ate. Uhm... May itatanong ako sa'yo."
"Sige. Basta huwag lang love life. Wala akong mapapayo sa 'yo."
"May isang milyon ka ba diyan?"
Napataas ng kilay si Thea. "Wow?! Ano naman palagay mo sa'kin? Milyonarya?"
"Sabi mo kasi huwag lang love life. Dalawa lang naman iyan, eh. Pera o love life ang itatanong."
Napakamot sa ulo si Thea at uminom muna ng juice. "Dami mong alam. Ano ba iyon?"
"Paano kapag naunahan kita na ikasal?"
"Ni boyfriend nga wala ka, asawa pa. Asa ka naman Tanya. Si Dave na nga lang ang nagtitiyaga diyan sa kakulitan mo, inaaway mo pa madalas."
"Eh, ikaw nga. Si kuya Deuce na nga lang din nagtitiyaga sa'yo, tinatarayan mo rin palagi. Mana lang ako sa iyo, Ate."
"Ewan ko sa'yo! kumain na nga lang tayo."
Naging seryoso si Tanya at pinapakiramdaman si Thea. "Ate, paano nga kung gano'n? Paano kung may nagawa ako na pagkakamali, mapapatawad mo ba ako?"
Thea smiled a little. "Oo naman. Wala namang tao na hindi nakakagawa ng mali. Kahit gaano pa natin pag-aralan para 'di tayo makagawa nang pagkakamali- magkakamali at magkakamali tayo kasi walang taong perpekto. At syempre mapapatawad kita lalo dahil kapatid kita."
May kung anong bagay na mainit na humaplos sa puso ni Tanya sa sinabi ni Thea. Kaya mahal na mahal niya ang ate niya. Hindi niya kayang madisappoint ito sa kaniya dahil malaki ang sakrispisyo na ate niya sa kanila. Pero ang isang parte ng puso niya ay nasasaktan at nakukunsensiya dahil sa sinapit nila ni Dave. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa pamilya niya ang ginawa niya. Kahit narinig niya ang sagot ng ate niya ay hindi pa rin niya magawang ipagtapat dito ang totoo. Hindi pa siya handa. Hindi pa sila handa ni Dave sa gulong pinasok nila. At hindi nila alam paano sila makakalabas sa problemang kinakaharap nilang dalawa.
Pero tama ang sinabi ng mommy ni Dave. Kailangan nilang harapin ang consequence ng ginawa nila. Wala naman silang choice dahil nangyari na nga.
"Salamat, Ate!"