"LUCKY, ANO ba ang sinisilip mo riyan?" curious na tanong ni Tanya sa kaibigan niya. Ang haba na ng leeg nito kakasilip sa dalawang taong naghahalikan sa kabilang round couch. Sinundan niya rin iyon ng tingin.
"Sshh. Huwag kang maingay," sita nito sa kaniya at nagsenyas pa na tumahimik.
Napangiti si Tanya sa ginawa ng kaibigan dahil seryoso ito sa panunuod. "Duh? Hindi naman tayo maririnig. Umayos ka nga na riyan."
"Kahit na. Tingnan mo na lang silang dalawa, may live show," sabay hagikgik nito. "Ang g'wapo ng lalaki Tanya. 'Yong babae, naku! Hipon." Umikot pa ang mata nito pagkasabi sa kaniya. Palibhasa ay first time nila na makapasok sa gano'ng klaseng bar.
Sa mga tamang inuman lang sila na lugar nagpupunta. Iyong kaya ng budget nila bilang estudyante. Galante lang talaga ang kaibigan ni Thea na si Dave. Ininvite siya nito pagkatapos nilang kumain noong nakaraang araw, kasama ang ate niya.
Nakaluhod na siya sa couch at tinukod ang braso para mas makita niya. Para silang bata na nanunuod sa ginagawa ng dalawa sa kabilang couch.
Napakunot ang noo niya at nanliit ang mga mata upang maaninag kung tama ba ang nakikita niya. Si Dave ang lalaking may kahalikan sa kabilang couch. Kasalukuyan silang nasa D&M bar sa BGC na pagmamay-ari ni Dave Martinez. Kanina pa niya tinext si Dave na naroon na sila ng kaibigan niya. Kaya pala hindi ito nagrereply sa messages niya ay dahil busy ito sa ibang bagay.
Sabay silang nagulat ni Lucky nang tumunog ang kaniyang cellphone. Ang ringtone pa naman ng phone niya ay ang chorus ng Check Yes Juliet ng paborito niyang banda. Sa itaas sila nakapuwesto kung saan hindi masiyadong maingay at kaunti lang ang tao. Parang nakasadya kung gusto mo lang talaga makipagkuwentuhan at inuman sa mga kaibigan mo. Maaga pa naman kaya hindi pa malakas ang music sa ibaba.
Napatigil sa paghahalikan sina Dave at napatingin sa gawi nila. Nakaluhod pa naman siya dahil gusto niyang masiguro kung si Dave talaga iyong lalaki. Nagkatinginan silang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Akward siyang napangiti sa binata dahil nahuli silang nakatingin sa kanila.
"Paktay! run baby run nga talaga tayo, Tanya," mahinang saad sa kaniya ni Lucky. Yumuko na ito at siniksik ang katawan nito sa couch upang magtago sa kabilang table na sinisilip nito.
Nainis si Tanya dahil nadamay pa siya sa kalokohan na ginawa ni Lucky kaya kinurot niya ito at pinaupo nang maayos. Hindi naman nila kailangan magtago dahil nahuli na nga sila. P'wede naman niya ideny kung tatanungin siya nito kung bakit sila sumisilip. "Umayos ka nang upo. Masyado kang nagpa-obvious," madiin niyang saad sa mahinang boses dahil nakatingin sa kaniya si Dave.
Napalunok siya. Ngumisi si Dave sa kaniya nang nakakaloko. Lumabas ang dimple nito. Ang babaeng kahalikan nito ay nakabusangot na nakatingin sa kanila. May binulong ang babae kay Dave pero hindi yata nagustuhan ng babae ang sinabi nito kaya padabog itong tumayo at matalim silang tiningnan ni Lucky.
Hindi naman nagpatinag si Tanya at nginitian ang babae. Kinalabit niya ulit si Lucky para paupuin nang maayos. Umiling ito. Nakayuko pa rin si Lucky at nagtatago pa rink ay Dave.
"Nakatingin pa ba?" tanong nito sa kaniya.
"Hindi na. Hindi na nakatingin. Umalis na nga, eh, kaya tumayo ka na riyan." Pagsisinungaling nito sa kaibigan para tumayo na, habang nakatingin siya kay Dave na tumayo at papunta sa kanilang kinauupuan.
"Wew! muntik-" Hindi na natapos ni Lucky ang sasabihin nang biglang sumulpot sa harapan nila si Dave pagka-ahon niya mula sa pagkakasiksik sa couch.
Hindi maipinta ang mukha ni Lucky dahil natatakot siya at nahihiya kay Dave. Kumapit pa siya sa braso ni Tanya.
"Sabi mo hindi na nakatingin," halos pabulong na sambit ni Lucky kay Tanya at hindi makatingin kay Dave. Nahihiya siya kasi guilty siya na sinilip niya ang ginawa nito kanina. Natatakot din siya kay Dave baka galit ito dahil nabitin sila sa ginawa ng kasamang babae kanina. "Ikaw talaga. Rest room nga lang muna ako, Tanz," agad na paalam ni Lucky sa kaibigan. Kinabahan siya at nahihiya. Agad siyang tumayo at kumaripas nang lakad palayo kina Tanya.
Pipigilan pa sana ni Tanya si Lucky kaso mabilis ang lakad na ginawa ng kaibigan, makalayo lang sa kanila. Wala siyang choice kun'di ang harapin si Dave.
"Hello, Altanya!" Bati sa kaniya ni Dave. Pinatong nito ang braso sa taas ng sandalan ng couch dahil medyo mataas naman iyon. Sa harapan pa niya mismo kaya sobrang lapit ng kanilang mukha.
Parang wala lang kay Dave ang pagkakalapit nilang dalawa. Kinindatan pa siya nito. Bahagya siyang napalayo dahil nakaramdam siya nang hiya.
"Hi, manong!" ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. Hindi niya pinakita na apektado siya sa pagkakalapit nilang dalawa.
Lumabas lalo ang dimple ni Dave sa kan'yang sagot. Lumabas din mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Pinisil ni Dave nang may panggigil ang kaniyang ilong. "You're so cute." Natawa pa ito sa ginawa sa kaniya.
Medyo nabigla siya sa ginawa ni Dave kaya ang ginawa niya para pagtakpan ang nararamdaman sa binata ay sinabunutan niyaito. Nasaktan din kasi siya sa ginawa nitong pagpisil sa ilong niya.
"A-aray!" reklamo ni Dave sa pagsabunot niya sa buhok nito.
Binitawan na rin naman agad ni Tanya ang buhok ni Dave at mataray niyang tiningnan si Dave. "Bakit, may reklamo ka? Masakit kaya ang ginawa mo, manong!" reklamo niya rin pabalik. Siguradong namumula na ang kaniyang ilong sa ginawang pagpisil ni Dave, lalo na at maputi siya.
"Next time kapag ginawa mo ulit 'yon, I'll make sure na sasabunutan mo ako dahil masasarapan ka sa ginagawa ko. Kahit ipagduduldulan mo pa ako sa pagsabunot. I'll gladly—"
Sinabunutan niya ulit si Dave. Ang bastos niya! Alam niyang may ibang ibig sabihin ito. Pilyo rin kasi itong si Dave. Pagkabitaw niya sa buhok ni Dave ay naawa rin naman siya dahil napangiwi ito sa ginawa niya. Alam niyang nasaktan nga ito.
"Magkapatid nga kayo," saad ni Dave habang hinahaplos ang buhok na hinila ni Tanya at napapailing. "Babae ba talaga kayo?"
She crossed her arms. "Sino 'yon, manong? Sorry, naudlot pa ang landian niyong dalawa," saad niya at hindi na pinansin ang pang-aasar sa kaniya ni Dave.
"Oh, 'yon ba? wala lang 'yon," kaswal lang nitong sagot sa kaniya na parang balewala lang sa kaniya na iniwan siya ng babaeng kasama pagkatapos ng kanilang naputol na halikan.
Napakunot siya ng noo. "H-uh? wala lang iyon? Kahalikan mo, tapos wala lang?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.
Umayos nang pagkakatayo si Dave. Mukhang galing pa ito ng opisina dahil nakasuot pa ito ng puting long sleeves at nakatupi lang hanggang siko.
"Why? Kailangan ba girlfriend ko na siya para halikan?" pilyo itong ngumisi sa kaniya.
"Hindi ba?"
Iyong ngisi nito ay naging halakhak na. Bumalik na rin si Lucky kaya napatigil nang sasabihin si Tanya. Dahan-dahan pa itong tumabi kay Tanya. Akala niya ay umalis na si Dave.
"Lucky, si Dave. Dave si Lucky. Siya 'yong sinasabi kong kaibigan ko na isasama rito." Pagpapakilala ni Tanya sa dalawa.
Naiilang na ngumiti si Lucky dahil sa kalokohan na ginawa niya kanina. Isa pa, talagang nagaguwapuhan siya kay Dave. Naconscious siya rito.
"H-ello," tipid na bati ni Lucky. Inipit pa niya ang buhok sa kaniyang tainga. Naging mahinhin na binibini ito bigla sa harap ni Dave. Sino nga naman ang hindi mapapanganga sa isang Dave Martinez? Bukod sa taglay nitong kaguwapuhan ay malinis at mabango itong tingnan.
Nakamasid lang si Tanya sa reaksyon ng kaniyang kaibigan. Naging pabebe ito sa harap ni Dave. Hindi rin naman niya masisisi.
"Hi, Lucky." Nilahad din ni Dave ang kamay sa kaibigan ni Tanya.
Sinundan nang tingin ni Tanya at Lucky ang nilahad na kamay ni Dave. Malaki iyon. Sabay silang napalunok. Ang dumi ng kanilang iniisip sa mga oras na iyon. Nagkatinginan din silang dalawa. Tinanggap ni Lucky ang pakikipagkamay ni Dave at napasinghap. Ang lambot kasi ng kamay ni Dave.
"Dave!" Nilingon nila nang sabay-sabay ang tumawag sa binata.
Lumapit ang isa rin na g'wpong lalaki sa kanila na may pagkatsinito at maputi rin. Mukha ring mabango tingnan.
"Nasaan sina Zach?" tanong ni Dave pagkalapit ng g'wapong lalaki sa kanila.
"Papunta na." Napatingin sa kanila ang kaibigan ni Dave.
Napansin iyon ni Dave na nakatingin si Tyrone kay Tanya. Hindi niya maintindihan pero naiinis siya. Gusto niyang itago sa likuran niya si Tanya para hindi iyon matitigan ni Tyrone. Buti na lang, at alam ni Dave na mas matanda sa kanila ang type nitong babae. Sa katanuyan ay may ka-date itong limang taon ang tanda sa kanila ngayon. "Si Altanya nga pala, kapatid ni Thea," seryoso nitong pakilala sa kaibigan.
Tumango-tango lang si Tyrone at nginitian si Tanya. " Hi Tanya! Maganda ka rin like Thea."
Inakbayan ni Dave si Tyrone at hinila na palayo kina Tanya. Nagpaalam ito na bababa lang sila sandali dahil naroon sina Cadence. Babalikan na lang daw sila ni Lucky. Sinasama nga sila sa ibaba, kaso si Lucky kasi ay hindi yata nakamove-on sa pakikipagkamay ni Dave sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi.
Pagkaalis na pagkaalis ni Dave ay inamoy-amoy ni Lucky ang palad dahil naiwan doon ang pabango ni Dave. Para siyang baliw sa ginagawa.
"Ang bango, Tanz, tapos ang laki pa!" kinikilig nitong saad.
"Tsss..." Napaisip din si Tanya. Ano kaya ang itsura no'n? Gaano kaya kalaki iyon? Napalunok siya sa naisip at napangisi sa kapilyuhan na naimagine. "Uminom na lang tayo."
Hinila na niya na umupo si Lucky sa couch at nagsimula na silang uminom.