Kabanata 99 NANDITO KAMI SA HOSPITAL DAHIL dinala namin si Uno. Ang taas kasi ng lagnat niya at hindi nawawala kaya dinala na namin siya dito. Nalaman kung may UTI ang anak ko kaya pala hindi nawawala ang lagnat niya. Ilang araw na siya'ng nilalagnat at hindi na nakakapasok sa school. Hindi kasi nawawala ang lagnat niya kahit anong painum namin na gamot ay bumabalik lang kaya napagpasyahan kona na dalhin na siya sa hospital kahit wala akong pera. Thank god, dahil nasa tabi ko lang ang binata habang nilalagyan ng IV si Uno at kinukuhanan ng dugo para malaman kung anong sakit niya. Tenest 'din ang ihi niya kaya naman nalaman namin ang sakit niya. Panay ang iyak ni Uno kanina dahil masakit ang karayom kaya umiiyak 'din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ayaw ko naman siyang iwan kaya

