Kabanata 98 NAPANSIN KUNG PARANG MATAMLAY si Uno kaya mabilis ko siyang nilapitan ng lumabas siya ng room nila. " Okey ka lang, baby?" Anang ko sa kanya sabay sapo sa leeg niya at nagulat dahil ang init niya. Hindi naman siya mainit kanina ng pumasok siya. Bakit bigla siya nilagnat? Bumaling ako kay Kawhi at sinabi ko sa kanya na nilalagnat si Uno. " Nilalagnat si Uno. Umuwe na tayo." Sabi ko sa binata. Balak sana namin kumain sa labas ngunit nilalagnat ang anak ko kaya need na namin umuwe para makainum siya ng gamot. " May gamot kaba sa bahay?" Anang sakin ng binata. " Hindi ako sigurado. Bili na lang tayo sa pharmacy." Wika ko sa binata kaya pumunta kami sa malapit na pharmacy habang karga karga niya ang anak ko. Nang makarating sa pharmacy ay bumili agad ako ng mga kailangan ko p

