Kabanata 97 PAG-UWE SA BAHAY AY TULOG NA ANG mga tao at kami na lang ang gising dahil galing kami sa birthday. Nagtext sakin si Rica kanina na iniwan niya ang susi sa ilalim ng paso sa labas ng bahay kaya doon ko daw kunin kapag dumating na kami para makapasok kami sa loob. Patay na ang ilaw sa labas ng balkonahe kaya madilim. Mabilis ko naman kinuha ang cellphone sa binata dahil nasa kanya ang cellphone ko. Baka kasi mawala kapag nalasing na ako. Atsaka wala akong dala na bag kaya sakanya ko muna binagay at naka-dress ako ng mga oras na iyon. " Here." Aniya sabay yapos sakin patalikod at tila sabik na sabik na. Natawa naman ako dahil 'di ako makalakad dahil sa mga yakap niya. " Baby paano ko mahahanap 'yung susi kung nakayapos ka diyan?" " Hmmm.. gusto ko. Hanapin muna para makaaky

