Kabanata 96 PATULOY KAMI SA MASAYANG INUMAN habang lumilipas ang oras. Lasing na ako ng mga sandaling iyon dahil makulet at panay na ang sayaw ko habang may tugtog kapag gusto ko ang sound. Hindi naman ako nag-alala sa anak ko dahil aalagaan siya ng pamilya ko habang wala ako sa bahay at nakikipag-kasiyahan kasama ni Kawhi saka sa mga kaibigan ko. " Halika sayaw tayo." Aya ko sa binata dahil gusto ko ang tugtog na tumutunog sa speaker habang nakatayo sa harapan ni Kawhi. Napangiti naman ang binata habang nakatingin sakin at umiiling. " Lasing kana. Upo kana dito." Sabi pa niya sakin habang nakahawak sa kamay ko ngunit umiling ako dahil gusto ko sumayaw. " Lasing na 'to oh?" Narinig kung sabi ni Mona kaya ngumiti lang ako sa kanya. " Dali na sayaw na tayo." Ungot ko sa binata. Pero ay

