Kabanata 137 AFTER MAMANHIKAN AY SAKA NAMAN namin inasikaso ni Kawhi ang kasal namin dalawa. Sa bahay namin ako sinukatan dahil malayo 'yung tailor na magtatahi ng gown ko kaya sa bahay na lang. Pati ang mga susuotin ng mga bisita at groom. Ang mahihirap na part ay si Kawhi ang gumawa dahil bawal ako magpagod kaya siya nag-asikaso sa simbahan, pagkain at iba pa. Nagpa-catering na lang kami pero sa bahay parin ang venue. Gusto sana ng mama ni Kawhi ay sa restaurant kami mag-receiption para daw mas kumportable at maluwang pero hindi ako pumayag dahil gusto ko sa bahay ang venue ng receiption namin. Sumang-ayun na rin naman ang mama niya at humingi ng pasensya dahil sa pagiging pakialamera niya. Pero wala naman akong sama ng loob sa mama ni Kawhi dahil naiintindihan ko naman siya. Invited

