Kabanata 136 MATAPOS KUMAIN SA KUSINA AY sa sala's naman sila pumunta para ipagpatuloy ang kwentuhan nila. Hindi na ako sumama dahil umakyat na ako sa taas para ayusin ang magiging kwarto nila. Doon muna sila matutulog sa kwarto nila Ron-ron at Rica pansamantala. Yung dalawa naman ay sa kwarto muna ng mga magulang ko matutulog. Si Kawhi naman ay sa kwarto ko dahil wala na siyang matutulugan. Syempre, tuwang tuwa ang loko. Akala naman niya ay makakaiyot siya sakin hehe. " Pasensya kana kay mama huh? Gano'n lang talaga 'yun eh." Narinig kung sabi ni Kawhi dahil sumama siya sakin sa taas kesa makipag-kwentuhan siya kasama ng mga magulang niya. " Okey lang, sabi nga ni ate gano'n lang daw talaga ang mama mo. Pero mabait naman siya eh." Sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng bagong kubre ka

