Kabanata 135 PAGDATING SA AIRPORT AY BUMABA agad kami sa van nila Kawhi at Uno ng iparada ni kuya ang van sa parking lot. Ayaw mag-paiwan ni Uno sa bahay at gusto sumama kaya sinama na namin. Kasama rin namin si kuya Robert dahil siya ang mag-drive ng sasakyan. " Hindi ka sama sa loob kuya?" Anang ko kay kuya dahil 'di siya bumaba ng van. " Hindi na, kayo na lang." Nakangiting sagot ni kuya kaya naman ay tumango ako saka sinara ang pinto ng van. Nagpaalam na kami kay kuya Robert saka pumunta sa loob ng airport para pumunta sa waiting area ng mga bagong dating. Pagdating doon ay nag-abang na kami habang hawak ni Kawhi si Uno. Maraming tao doon habang inaantay rin nila ang mga mahal nila sa buhay. Ilang beses na ako nakarating dito at nakapasok kapag hinahatid namin si ate sa airport ka

