Kabanata 134 ALIGAGA KAMING LAHAT sa loob ng bahay dahil darating ang mga magulang ni Kawhi ngayun araw. Hindi pa umalis ang bagong kasal ng malaman na darating ang mga magulang ni Kawhi. Namimiss na daw ni ate ang mga magulang ni Kawhi kaya hindi muna sila bumalik sa america ng asawa niya. Nakaramdam naman ako ng selos pero wala naman ako magagawa dahil si ate ang nauna na naging manugang. Atsaka ang importante ay kami na ngayun ni Kawhi. Busy sa pagluluto ang mamang ko sa kusina habang katulong ako at Rica. Si Kawhi at Ron-ron naman ay nagleletchon naman sa labas. Mauubos na ang mga baboy namin dahil sa kaka-luto. Pero ayus naman sa mga magulang ko dahil 'di pwedeng walang letchon sa hapagkainan kapag may handaan. Lumabas ako sa labas habang dala dala ang isang pitchel na tubig at b

