Kabanata 93 DITO KAMI KUMAIN SA DATI NAMING kina-kainan nila Kawhi kapag hinahatid ko ang anak ko sa school. Masarap kasi ang burger dito, fries at kung ano ano pang pagkain. Merun 'din silang milktea saka shake kaya doon na kami kumain. Ang kapal nga ng mukha ng dalawa kung kapatid dahil inorder nila ang lahat ng nasa menu ng sabihin ni Kawhi na orderin nila ang mga gusto nila. Aba! inorder nga lahat dahil paborito daw nila ang nasa menu. Kaloka. Pati nga anak ko ay nakisali na rin at omoder 'din ng marami kagaya ng mga kapatid ko. Napailing at napabuntong hininga na lang ako habang si Kawhi ay nakangiti lang dahil wala naman daw siyang kapatid kaya ayus lang. " Salamat kuya ah? Nilibre mo ulet kami." Maya-maya'y sabi ni Ron-ron sa binata habang inaantay namin ang mga order namin.

