Kabanata 94 NATIGILAN AKO NG MAY KUMATOK sa pintuan ng kwarto ko kaya dali dali akong umalis sa kama. Nanunuod pa ako sa cellphone ko at hindi pa natutulog dahil 'di pa ako inaantok. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko si Kawhi sa labas ng pintuan habang nakatayo at nakatitig sakin. Nakahubad ang pang-itaas niya at mukhang naligo o naglinis ng katawan. " Bakit?" Anang ko sa kanya. Humalukipkip pa ako dahil napansin kung nakatitig siya sa dibdib ko kasi wala akong suot na bra. " Sinusundo ka, ayaw mo ba ako katabi?" Anang pa niya sakin na matiim na nakatitig sakin. " Hindi pa tapos regla ko." Mabilis kung sabi dahilan para matawa ang binata sabay lapit sakin at sinapo ang mukha ko. " Grabe naman. Parang iyon ang tingin mo sakin, baby. Hindi ba pwede na gusto lang kita k

