Prologue
“Manang umuwi na ho 'ba si Keiv?”
”Ay kabayo!” Gulat na Sigaw ni manang ng marinig Ang boses ko mula sa likuran Niya.
Kasalukuyan itong nakatalikod sa 'kin dahil nag huhugas ito ng Plato.
”Jusko Santa Maria! Aatakihin ako sayo 'ng bata ka!” Usal nito ng makabawi sa gulat.
Humingi Naman agad ako ng paumanhin dahil Wala Naman ako'ng intension na gulatin ito. Akala ko alam nito na naroon ako sa kanyang likuran.
”Nakauwi na 'ho ba si Keiv?” Pagtatanong ko ulit.
”Ang Asawa mo 'ba?” Tanong nito at tumalikod pa para hugasan Ang natitirang Plato sa lababo.
Mapakla Naman ako'ng napangiti ng marinig ko ang sinabing Iyon ni Manang. Oo Asawa ko Siya pero hindi ko kailan man naramdaman na ganon din Ang tingin nito sa'kin.
Alam ko naman na labag sa loob nito Ang pakasalan ako pero wala siyang magawa dahil kailangan niyang sunurin Ang utos ng kanyang magulang.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na gusto ko ang kasal na Iyon dahil alam rin nito na may nararamdaman ako sa kanya pero kahit ako'ng pakita ko roon ay Hindi niya Iyon nakikita at pilit na binabaliwala.
”Opo.” Mahina Kong sagot.
”Hindi pa ito umuuwi iha' Simula kagabi.” Sagot Naman agad nito sa tanong ko.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpasalamat Kay manang Bago umalis sa Kusina at nag tungo sa Hardin ng bahay.
I love watching the sky kaya mas napapanatag Ang loob ko tuwing nasa Hardin ako at maaliwalas Ang panahon sa ganong bagay ay panandaliian ko munang nakakalimutan Ang problema ko.
Pero Hindi ko alam kung bakit kahit napapanood ko na Ang pag galaw ng mga ulap at nakikita ko na Ang payapang langit Hindi ko parin makalimutan Ang problemang Meron ako.
Problemang kahit kailan yata ay dadalhin ko na. Napapagod narin Naman ako. Napapagod na rin kakahintay sa Isang tao. Napapagod na mag hintay na masuklian din Ang nararamdaman ko. Napapagod na mag hintay na Sana kahit Isang beses tanggapin ako nito bilang Asawa niya Hindi bilang Isang desperadang babae.
Naka upo lang ako sa mga bench sa Hardin at malungkot na naka tingala sa langit pinapanood Ang pag galaw ng mga ulap at pag daan ng mga munting ibon.
Kailangan nga ba ako susuko? Hindi ko rin alam kung kailan pero alam ko sa sarili ko na malapit na. Sa loob ng Isang taon na Puno ng sakit ay alam Kong Hindi mag tatagal ay susuko ako.
Susuko ako dahil sa pagod na ako. Hindi naman habang buhay ako'ng ganito. Hindi naman habang buhay ay Narito lang ako sa ganitong position ng buhay ko.
Yes, I'm married to the man that I love the most. I married to the man who never love me back and know me as a desperate and Slut Woman.
I Kheylin Kassandra San Diego or should I say Kheylin Kassandra San Diego Talavero The Desperate Wife of Keivan Jhiano Talavero.
|Unknown_Gourgues|
isy♡