Vian Flora Ignacio's P.O.V. Umuwi na rin kami pagkatapos mamili ni Gia. Hinatid na niya ako sa condo ko dahil napansin na niya ang pagiging matamlay ko. Naglakad na ako papuntang elevator. Pumasok na ako roon at pinindot ang palapag ng unit ko. Pagkalabas ay matamlay pa rin ako. Walang gana sa paglalakad. Nasa tapat na ako ng pintuan ng marinig ko ang ingay mula sa loob. Kinabahan ako bigla. Sinong nasa loob? Hindi ko alam kung delikado ba ang ginawa ko o hindi. Basta ko nalang na binuksan iyon dahil na rin sa pagkakataranta. Mabilis ang t***k ng puso ko lalo na kung iisipin na magnanakaw iyon. Nawala ang pagiging matamlay ko at biglang naging alerto ang aking katawan. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay sabay kaming napaharap sa isa't isa ng taong nasa loob ng aking unit. Napah

