Vian Flora's P.O.V. Nabalitaan ko from Briane na nasa ibang bansa pala ngayon si Viernuen. Kaya naman pala hindi naka uwi. Doon daw nakatira ang grandpa nito na siyang nakasama niya hanngang sa paglaki. Sinugod daw kasi ito sa hospital kaya naman hindi nagdalawang isip na lumipad papunta roon ang lalaki. Bigla tuloy akong nakonsensya. Masyado akong naging judgemental. Ni hindi naman pala dapat ako nagkulong sa condo ko at nagmukmok. Gumaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nalaman. Well actually kaya sinabi ni Briane sa akin ang alam niya ay dahil kinulit ko si Xena. "Akala ko bang hindi mo siya bet?" pang aasar pa ni Xe. Nandito ako ngayon sa kanila. Wala na naman kasi akong gagawin sa condo. Bukod doon sa pipagawa ni Brent. Malapit ko naman ng matapos iyon. Kaya medyo papetiks

