Fritz II: Start Up

2117 Words
Paradise Resort — there was nothing particularly special about the name, but the place itself was more than paradise. It was both classic and vintage, a place that symbolized new beginnings, hope, and healing. A true testament to the beauty that can emerge after disaster. Famous for its crescent-shaped beach with grayish volcanic sand and sky-blue waters, the landscape owes its unique charm to the last eruption of Mt. Pinatubo. Paradise Resort is a haven for those seeking pleasure and an escape from the hustle and bustle of city life. The surrounding mountain rocks provide a one-of-a-kind, picturesque view. Well, it was almost at the farthest tip of the province. Pero hindi yun sapat na dahilan para hindi mo puntahan. Ang dalawang matataas na gusali na siyang kinaroroonan ng mga kwarto para sa mga bisita ay matayog na nakatayo mga isaandaang metro ang layo. Marahil ay para malayo sa pagbaha sakaling abutin ng kalamidad ang lugar. Palm trees naman ang nagkalat sa harapan na halos ang ilan ay nasa loob ng private cottages ang mismong puno. The sand isn't white and powdered like the one in Boracay, but comfortable enough to soak between your toes. A hidden paradise a few hours from the city. Wala siyang mahanap na kapintasan. Ang hindi niya lang marahil gusto ay ang pagiging exclusibo nito. But then again, hindi rin siguro magiging espesyal ang lugar kung dadayuhin ito ng kung sino-sino lang. Nang una niyang malaman ang presyo ng bawat kwarto sa resort ay gusto niyang tawagan ang kaibigan na si Carrine at pasalamatan. Naranasan nila noon ng libre ang mamalagi sa lugar na kahit kailan marahil ay hindi niya magagawa kung hindi dahil sa kaibigan. And now, she will have the privilege to work in this place. She murmured a silent thanks. Pwede siyang mag-umpisang muli ng hindi inuungkat ang nakaraan. Marahil ay dadalhin niya hanggang sa kamatayan ang naging karanasan sa lugar na yun. She will never recognize you again, bulong sa sarili. Isang beses ka lang niyang nakita. You've changed a lot these past few years. Pwede kang magtrabaho sa lugar na ito ng hindi nila nalalaman ang sekreto mo. Nilanghap niya ang sariwang pang-umagang hangin. Bukod sa kanya ay may mangilan-ngilang guest ang naglalakad sa dalampasigan. Weekdays ang off na labis na pinagpapasalamat at nagkakaroon siya ng ganitong pribilihiyo na mapag-isa. Hinayaan niyang mabasa ang paa ng tubig dagat at dinama ang pinong buhangin sa balat. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang nakatumbang niyog na ang tuktok ay halos nakasayad sa tubig. It was one of unique scene in the resort. Ang ilang mga puno ay parang sinadyang patubuin ng nakatagilid na siyang gustong-gustong kunan ng larawan ng mga guest. "Admiring the place?" Nagtaas siya ng mukha at nang makita si Michael ay agad gumuhit ang ngiti sa labi. Na agad ding binura bago inikot ang mata sa paligid. Ilang linggo palang siya sa resort ay nag-uumpisa na siyang mapag-initan ng ibang mga kasamahan. All because of him- Michael. Ang kasalukuyang kaharap. Pero hindi niya magawang tarayan ito. Itinaas niya ang hawak na notebook. "I bet the quietness of the morning helps you clear up your mind." "It does." Tipid siyang ngumiti at pasimpleng tinitigan ang kaharap. So good-looking! Natitiyak niyang hindi sila titigil magkakapatid sa paghagikgik kapag nakaharap nila ng sabay-sabay ang binata. The Dela Vegas are into Michael's looks — the boy-next-door type: clean, charming, and wholesome. He reminds them of a member of their favorite Irish boyband from their younger days. "Tell me, saang part kapa nahihirapan." Untag ni Michael sa sandaling pagkahulog ng dalaga sa malalim na pag-iisip. "Oh, I'm okay now." She admitted sheepishly. She couldn't ask for more. Masyado ng malaking tulong ang naibigay ng binata sa kanya mula ng dumating siya sa resort. Hindi niya matiyak kung talagang likas na matulungin at mabait ito sa mga staff nang mag-boluntaryo itong turuan siya sa lahat ng aspeto ng tungkol sa posisyong kasalukuyang inaaral. She couldn't find a single flaw in him. Kahit sa ibang staff ay magiliw ito. Kaya hindi maintindihan kung bakit minamasama ng ilan ang pagiging malapit nila. "Are you sure?" Isang tango ang pinakawalan. "I think I can keep up with others now. Magaling ka kasing teacher." Pagbibiro niya. Sa tingin niya ay okay namang makipag-biruan dito ngayon. Michael is one gentleman whom she thinks doesn't have any malice in his body. Kung paano ito makipag-usap sa iba ay ganun din ito sa kanya. Medyo mas considerate nga lang sa kanya dahil nga alam nitong kaibigan niya si Carrine. "You're naturally intelligent. Tama ang kaibigan mo. Kawalan ng resort kapag hindi ka kukunin bilang empleyado." She blushed. Sa tagal ng ipinamalagi sa sariling bahay, sa mga puna ng ama sa bawat kilos at sa kawalan ng experience ay hindi niya halos kayang tanggapin ang ganuong papuri. Sa katunayan ay pinaliit ng pinagdaanan sa mga nakaraang taon ang confidence niya. "You blushed a lot with simple compliments. That's very rare nowadays." "I should blame it to my lack of experience." Pasimple niyang hinawi ang lampas balikat na buhok na malayang nililipad ng pang-umagang hangin. Bigla siyang nailang sa tinging ipinupukol ng kaharap. Naglakad si Michael palapit sa kinauupuan at naupo sa tabi. Gusto niyang umusog pero hindi niya alam kung paano ng hindi ito nao-offend. Relax! Hindi mo pwedeng bigyan ng malisya ang pagiging mabait ng ibang tao. Totoong medyo bothered na siya sa kung anong chismis na unti-unting kumakalat sa resort. Kahapon ay hindi na nakapagpigil ang kapareho niyang trainee na si Anne at tinanong siya tungkol sa sinasabing special treatment sa kanya ni Michael. Pinabulaan niya yun at ipinaliwanag na kaklase niya nung college si Carrine na family friend ng mga Jereza. Hindi nga niya mapagdesisyunan kung tama bang sinabi pa niya yun. Pero wala siyang mahanap na dahilan kung paano nga ba ipapaliwanag ang pagiging magiliw ni Michael sa kanya. "By the way, I won't be seeing you for the next few days or weeks. Mayroon akong conference sa Singapore." "Oh!" Tanging nasabi niya. Totoong hindi niya alam ang magiging reaksyon. Medyo nalungkot siya dahil talagang malaking tulong ito sa kanya. Pero nagpapaalam ba ito? Hindi niya gustong isipin na ganun nga ang sitwasyon. Ni sa pangarap ay hindi pwedeng mangyari ang bagay na yun. She cringed at the unexpected thought that came to her. "I will miss the resort..." dagdag nito. "Na parang dito ka namamalagi." Awkward na biro niya para sana iiwas ang usapan. Hindi niya gusto kung saan man papunta yun kung sakali. "I wouldn't see you guys for weeks. Who knows kung ano pang naghihintay sa akin pagbalik ko galing sa conference. The expansion is giving me a headache." Sabay hilot sa sintido. Napangiti siya na nakikitang pagkayamot sa gwapo nitong mukha. "Yeah, I can see that. Pero sa lahat ng taong lalo pang yumayaman ay ikaw lang ang nakita kong nagko-complain ng ganyan." Sumeryoso ito at matabang na sinabi, "Don’t get me wrong—I’m grateful for what I have, but I was never bothered by wealth. It wasn’t even mine in the first place.|" So humble. At some point, kapareho ito ng isang taong kilala niya. Someone who was never bothered by his wealth. He was just enjoying his life. Sa isip ay biglang lumitaw ang isang mukha ng partikular na indibidwal na nakasakay sa helicopter na sumasabay lang sa hangin. The scene always lingers in her mind. Kahit na nga ba hindi pa niya yun nakikita mismo sa sariling mga mata. He used to mention a phrase in a magazine interview. Until now, I still wonder how he managed to pilot a helicopter. Isang matamis na ngiti ang hindi inaasahang gumuhit sa labi. "You don't believe me." Bigla siyang sumeryoso. Hindi niya gustong pag-isipan nito ng iba ang nahuling reaksyon sa mukha. "O-Of course I do. You're a good person. Nakikita ko kung paano ka sa aming mga staff ninyo." "You know that you are an exemption, right?" Bigla siyang na-pressure. Hindi sa binibigyan niya ng malisya ang kabaitan nito, pero hindi siya komportable sa ganung klase ng usapan. "O-Of course! And I am overly grateful. Alam ko ang consideration na binibigay mo, ninyo sa akin dahil lang kaibigan ako ni Carrine. But I promise, I can take it from here. Mas pagbubutihin ko pa ang training ko." I will prove to everyone that I deserve the position. Naging malikot ang mata. Nahiling na sana ay hindi na ito magbigay ng iba pang motibo. She really does like him. Kung walang malisya sa pagitan nila ay natitiyak niyang pwede itong maging kaibigan. Kaibigan! Don't even dream about it! "Sophia-" Bumaba siya sa kinauupuan. "I think I better go." "Wait-" Nag-umpisa siyang maglakad at pumihit paharap rito habang patuloy sa paglalakad ang paa. "Have a safe trip sir Michael. Pagbalik mo ay susurprisahin kita sa magiging performance ko. I will make sure na hindi mapupunta sa wala ang matyaga mong pagtuturo sa akin ng mga basics." Kumaway bago humarap at naglakad patungo sa staff room. Mula sa may verandah ng Diners, ang official restaurant ng resort ay nakita niyang nakatanaw si Aileen sa direksyon nila. Ang general manager ng resort. Hindi niya gustong magbintang pero ito ang pinaghihinalaan niyang nagkakalat ng chismis tungkol sa kanya at kay Michael. Bukod kay Carrine ay si Michael lang ang nakakalaam ng tungkol sa profile niya. At syempre kasama sa trabaho ng siyang pinakamataas na namamahala ng lugar ang alamin ang tungkol sa iha-hire sa trabaho. She may be innocent in some aspects, but she isn't a fool. Alam niyang binabantayan nito ang bawat kilos niya. And she has to take care. Kung gusto niyang mag-umpisang muli ay kailangan niyang mag-lie low. Hindi niya kailangan ng anumang distractions mula kanino. Peaceful life- yun ang balak niya. At yun ang gagawin niya. Sa panandaliang pag-alis ni Michael ay napunta sa general manager ang pagsubaybay sa kanilang training. Tiniyak ni Sophia na walang mahahanap na dahilan ang ginang sa pagiging walang exeperience. Pero mukhang natatakan na siya nito. Gusto niyang pumalag sa pagtutok sa bawat kilos pero hindi siya makaalma. "You aren't that inexperienced, Sophie. At wala kang hindi kayang aralin." Turan ni Sunshine habang kausap ito sa videocall. Malungkot siyang naglabas ng malalim na buntong-hininga at sinulyapan si Pipoy sa background. If it weren't for him, minsan ay parang gusto na niyang i-give up na lang ang opportunity. But she has to stay. For him. And also, nandun na rin siya sa part na may gusto pa siyang malaman tungkol sa ama ng anak. "I don't like such complications." "Wala kang dapat i-explain sa mga tao sa paligid mo. You haven’t done anything wrong.." Pero ayoko ng pinag-iisipan ako ng masama. It's uncomfortable. "I’ll get through this, right?" Natawa ang nasa kabilang linya. "Are you asking me, or you're convincing yourself?" Nahawa siya dito ng wala sa oras. She felt a little lighter talking to her sister. How's everyone?" Kumislap ang mata ng panganay. "Guess what happened. Ate Yolly did not come to work yesterday." "Oh no! What about Pipoy?" Talagang kinabahan siya. "Ano paba, di inalagan ni Daddy. Kailangan kasi lumabas ni Mommy." Sabay hagikgik. "Is everything o-okay?" "Come on Sophie, strict si Dad. Pero apo pa rin niya si Pipoy. I bet he softened up a little. He usually does. Minsan ay hindi lang talaga niya ma-express ang sarili niya. Given his responsibility as church leader." Nagkaroon ng gatla ang noo. Marahil ay tama ito. Kung hindi ay tiyak na nakatanggap siya ng sermon sa ama. It's all right. Baka oras na para matanggap ng ama ang pagkakaroon ng apo ng wala sa oras. "Everything heals in time." Patuloy ni Sunshine. "We are all happy to have Pipoy. Hindi man sa tamang paraan para kay Dad, but he is a family. He brought special happiness to every one of us." Bahagyang nabawasan ang pangamba sa dibdib sa binigay na reassurance ng kapatid. "Let me talk to Pipoy for a while..." Mahabang sandaling nag-usap ang mag-ina. Ikinatuwa ni Sophie ang narinig sa anak ng tanungin ito tungkol sa nangyari kahapon. "I love Lolo..." Her heart melted. Sunshine was right. Their father has his way of showing his emotions. Pagkuway ay binilinan ang anak at nangakong kikitain ito as soon as magkaroon ng pagkakataon. Nang makabalik si Michael mula sa conference ay bumalik ang pag-ako nito ng responsibilidad sa pagsubabay sa training ng mga bago sa kabila ng nagpapabalik-pabalik ito sa resort at sa main office ng Jereza Corp sa Taguig. Hindi sana mababahala si Sophia kung hindi lang nakarating ang bali-balitang uuwi ang mag-asawang Jereza. Relax, hindi ka niya makikilala. Kumbinsi sa sarili habang sapo ang tapat ng dibdib. Talaga namang knakabahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD