bc

Black Eagle V: Loving Sophia dela Vega

book_age18+
1.0K
FOLLOW
7.4K
READ
billionaire
forbidden
possessive
sex
escape while being pregnant
age gap
pregnant
badboy
single mother
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Sophia dela Vega had always been an obedient pastor’s daughter. Isang mabuting anak at ulirang mag-aaral. But one incident changed her life permanently. Having a son at the age of twenty, tila nawala ang lahat ng mga plinano para sa sarili dahil kulang na lang ay itakwil siya ng sariling pamilya sa kadahilanang hindi gustong umamin kung sino ang ama ng anak.

How can she admit that the child she was bearing was the result of a one night stand with a man she had loved secretly, a famous womaniser and heir to a million-dollar worth of resort property. Ipinangako sa sariling hinding-hindi ipapakita ang anak sa tatay nito dahil sa maraming sirkumstansya na nakapagitan sa kanila. Tama ng minsan ay nag-krus ang mga landas nila.

Pero isang trabaho ang hindi inaasahang maglalapit muli sa kanila. And as much as she wanted to avoid him, si Fritz mismo ang kusang lumalapit sa kanya.

Paano itatago ang isang lihim ng kahapon at ang dahilan kung bakit itinago ang anak? At paano niya paniniwalaan ang motibo ni Fritz kung ang dahilan nito sa paglapit ay upang ilayo ang umusbong na damdamin ng kapatid nito para sa kanya? At paano rin niya tatakasan ang isang ligaw na damdamin na pilit tinitikis mula ng muling mag-krus ang landas nilang dalawa ng binata.

chap-preview
Free preview
Fritz I: Mother and Son
2016 Nagising si Sophia dahil parang may kumikiskis sa pisngi. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at nabungaran ang magta-tatlong taon na anak na si Pipoy. Anak? Hindi mo siya anak Sophia, pinsan mo siya! Paalala sa sarili. Her heart tightened at the thought. "Ta... M-Mommy!" She felt another sharp pang of pain. Kung sana ay kinamulatan ng anak na tawagin siyang ina. But he can't. They can't be a mother and a son to each other. Kapalit ng pagiging magkasama nila dito sa Pilipinas ay hindi pwedeng ipakilalang sariling anak si Pipoy kung tawagin niya sa malalapit na kakilala o maging sa ibang kamag-anak. "Izzz morning!" Malakas na sigaw ng bata sabay hagikgik. "Pipoy, you should start talking straight. How old are you now?" Imwenestra ng bata sa daliri ang tatlong taon. "Yes, you are turning three this month. You are growing up na. Soon, you will be a big boy and you will be like this." Iniligay ang apat na daliri sa kamay ng bata. "When grow up can I call you Mommy or shill a secret?" Pabulol-bulol na tanong nito. Inbot niya ito at pinaupo sa kandungan. Mag-iisang taon ito nang iuwi ng tiyahin mula sa Amerika kung saan siya nanganak. Pinalabas na anak ng malayong pinsan at nanunuluyan sa kanila. Simula nun ay nakulong na siya sa pag-aalaga dito dahil parang parusang ibinigay ng ama ang solong pagpapalaki kay Pipoy. Na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng working experience. And she will turn twenty five very soon. "Do you want to call me Mommy?" Halos hindi lumabas an tinig sa lalamunan. Tumango ito. "One day, you will. But for now, call me Tita." "Like Ta Shy and Ta Shine? I miss Ta Shy..." Isang ngiti ang sumilay sa labi. Sobrang close ng anak sa bunsong kapatid na si Skye na naninirahan na ngayon sa bahay ng asawa nito. "I miss her too, Pipoy. But she's busy. I'll ask her to visit us one of these days. Just make sure to keep our secret- especially fron Lolo, okay?" Nakakaintinding tumango si Pipoy. Ngumiti si Sophia at ginulo ang kulot nitong buhok na umabot na sa balikat dahil hindi pinapagupitan. Curly hair just like his father. Bumigat ang puso sa pagkakaisip sa ama ng anak. Hindi miminsang gustong alamin kung kumusta na nga ba ito. Nang mag-graduate siya sa college ay nagpunta ng Australia ang malapit na kaklaseng si Carrine para mag-finishing school doon. They kept in touch for a few months after she left but decided to cut it eventually. Nang magbuntis kasi siya ay pinutol ang anumang komunikasyon sa lahat ng kaklase upang itago ang naging kalagayan. Kaya tuluyan silang nawalan ng komunikasyon nito. Ang tanging pwedeng maging daan para magkaroon ng balita sa ama ng anak. Sa ilang socialite magazine na lang nakikita ang ama ni Pipoy na isa paring eligible bachelor hanggang ngayon. Dali-daling tumayo at naghanda ng almusal para sa baon ng nakatatandang kapatid na isang elementary teacher. Mag-iisang taon ng kasal ang bunsong kapatid na si Skye kaya lalong dumami ang gawain dahil wala siyang makatulong. "Nagpaalam kana ba kila Daddy, Sophie?" Napahinto siya sa pagsubo kay Pipoy habang nasa mesa silang mag-anak at nag-aagahan. Nilingon si Sunshine bago ang magulang. Nagtatakang mukha ang ibinaling ng ina sa kanya. "May reunion ang klase nila nung college, Dad." "Ate Shine," awat rito. "H-Hindi nalang ako pupunta." "Why not! Come on Sophie, you need to have a life. Hindi ka habang-buhay na nandito lang sa bahay." Nag-alis ng bara sa lalamunan si Pastor Ramon dela Vega pero nagpatuloy si Sunshine. "Payagan niyo na siya Mommy, Dad. Matagal ng nakapirmi si Sophie sa bahay. I'm sure nag-reflect na siya sa pagiging mapusok niya noon. I even suggest she look for a job. Lumalaki na si Pipoy, at sa susunod na taon ay pwede ng pumasok. Alangan namang bantayan niya ang anak niya hanggang sa lumaki ito." "Be careful of your words Sunshine. Let's not talk about it." Magsasalita pa sana ang ate niya pero umiling siya. Hindi niya gusto ang nakikitang reaksyon ng ama. "At least allow her to attend the reunion." Giit pa rin ni Sunshine. Tinanong ni Ramon kung saan ang venue at sa bandang huli ay napahinuhod ng panganay ang ama. Minsan ay kinaiinggitan ang boses ng kapatid pagdating sa bahay. Kayang-kaya nitong kumbinsihin ang magulang. "Are you going to bring Pipoy?" "Lolo, Pipoy sama?" Bulol na tanong ng bata. "I-I am not planning to, Dad." "Kung ganun ay mag-set ka ng magbabantay sa kanya-" "I volunteer myself." Singit muli ni Sunshine. "It's going to be on the weekend, right, Sophie? Wala akong pasok. Pwede kong isama si Pipoy kapag natuloy ako sa labas." "Y-Yeah. I won't take that long. I just want to catch up with my old classmates." "Siya nga naman Ramon." Sa wakas ay singit ni Rose. Ang ilaw ng tahanan. "When you sent your daughter to America ay napilitan si Sophia na putulin ang lahat ng koneksyon sa mga naging kaklase niya. I think ito na ang tamang oras para unti-unti niyang maibalik sa tamang daan ang buhay niya. Hindi na kailangan kumuha ng magbabantay at nandito naman tayo. We can look after our grandson." Kinabahan siya sa term na binanggit ng ina pero sa pagtataka ay hindi nagkomento ang ama. "Ta, play?" Biglang sabi ni Pipoy na napayuko ng tignan ni Ramon. "Katatapos mo lang kumain. Later we will play, okay." "You can't leave the table while everyone is still eating, Pipoy. Big boy ka na, start learning grown-up things." Lalong nagyuko ang bata dahil sa komento ng lolo nito. Ipinagpapasalamat na lang talaga ni Sophia na likas na matalino ang anak. Nakakaintindi ito ng mga sitwasyon. Madalas ay makulit lalo na kapag nakikipaglaro pero kapag kaharap ang lolo ay behaved ito. Kinailangan kasi niyang itanim sa isip nito ang sitwasyon nila sa bahay. "Lolo, am big boy?" Bulol na patuloy ng bata. "You are. So always behave." Tumango si Pipoy kaya bahagyang nabawasan ang pagiging pormal ng matanda. Nang dumating ang mismong reunion na ginanap sa isang mamahaling restaurant ay nahihiyang pumasok si Sophia. It's almost five years since they graduated from college. Malamang ay may mga changes na sa buhay ng mga naging kaklase. And she's still here. Stuck on her situation because of one incident that literally changed her life. Marami nang tao ng pumasok siya, around twenty or something. Noong una ay dinadaanan lang siya ng tingin ng iba. "Sophia dela Vega?" Alanganing tanong ng isa habang tahimik siyang nakupo sa isang tabi. Napalingon naman ang iba. "Ikaw nga, OMG!" Agad siyang tumayo at lalo itong nagulat. "Look at you!" Sabay pasada sa kabuuan. "Cristina." Agad niyang recognized at tinanggap ang beso nito. "And here I am na nahihirapan kilalanin ka pero agad mo akong nakilala kahit super effort akong bihisan ang sarili ko." "You looked great." Tipid niyang saad. "No, you do! Ang laki ng pinayat mo. Anong naging sikreto mo?" "Stress." Biro niya. "And you have a great sense of humor now." Nagkatawanan sila. Ilan pang kaklase ang lumapit sa kanya at kinumusta siya hanggang sa maka-blend in. "What is the meaning of this?" Napalingon silang lahat sa dumating. Tuwang-tuwang nilapitan si Carrine ng lahat dahil isa ito sa nag-plano ng reunion. Kauuwi lang kasi nito galing ng Australia. Her old friend changed a lot at naroon ang pagkailang na lapitan ito kaya nakuntento nalang na manatili sa isang grupo. Kumustahan at kainan ang naging sunod na nangyari. "Sophie dela Vega? Oh my gosh it's you!" Nagtititili si Carrine na lumapit sa dating kaklase. "Kanina pa kita napapansin pero nagdadalawang-isip ako. You lost so much weight, but became prettier." Sabay pasada sa kabuuan ni Sophia. "Ikaw nga dyan ang lalong gumanda Carrine. Kamusta kana?" Humaba ang nguso nito. "Nagtatampo ako sayo. Bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam. Kahit sa social media ay hindi kita mahanap." "Alam mo naman sa bahay. Hindi sa ipinagbabawal ang paggamit ng social media pero mas gusto ni Daddy na nagiging productive ang araw. Wala kasing magagawa kung nakaharap kalang sa cellphone maghapon." At iba na kapag nagka-anak kang walang ama. Kailangan mong maging magulang sa bata. "I want to catch up with you. Mabuti naman at nakarating sayo ito." Excited na bulalas nito. "Student ni Ate Shine ang pamangkin ni Realyn kaya ko nalaman. She invited me to come." "Oh yeah, I remember her. Now tell me, how did you lose so much weight? Ikaw huh, don't tell me you have a boyfriend now? A boyfriend? I have a son! Kailan kaya niya pwedeng sabihin iyun. "I don't have one. Nawala lang ang mga baby fats ko pero hindi naman ako ganung pumayat. Ikaw nga diyan ang ganda-ganda mo. Pipirmi kana ba dito sa Pinas?" "Oh yeah, I got a good job offer. Do you remember that resort that we used to go to back in college?" Nabura ang ngiti sa labi at sumikdo ang puso sa pagkakabanggit ng naturang lugar. "W-What about that?" "Nagkaroon na kasi ng branches yun and the Jereza's expanded their business into cosmetics and saloons. It's now a corporation, and they've offered me a position as one of the Area Managing Directors." "W-Wow." Pinakaswal ang tinig trying not to be nostalgic. Tigilan mo yan Sophia, suway sa sarili. Wala kang koneksyon sa lugar na yun lalo na sa mga may-ari. Sandaling pumasok sa isip ang eksena kinaumagahan na siyang dahilan kung bakit dali-daling nilisan ang lugar. "I'm pressured pero nire-assure naman ako ni Michael na hindi nila ako pupwersahin." Patuloy ni Carrine. "I'll undergo a tough training for sure. Okay, enough with me. Let's talk about you. Oh, I really did miss you friend. Ikaw lang hindi nag-keep in touch." Hindi magkumayaw sa pagyakap ang dalaga sa kaibigan. "I'm sorry, something happened. Kinailangan kong magpunta ng America and then came back after a year." "Oh, wow. Nag-aral ka ba doon?" "N-No." Nag-alis ng bara sa lalamunan. Napilitan tuloy magsabi rito na hindi pa siya kailanman nakapag-trabaho at nakita ang disappointment sa mukha ng kaibigan. "I remembered that you were the first to say you wanted to start job hunting immediately after commencement." Ginagap nito ang palad niya. "I hope nothing serious is going on, since you still haven’t found a job." "Y-Yeah, everything's fine." "But I'm really happy to see you. Let's keep in touch, okay." "Sure." At doon muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawang magkaibigan. They constantly message each other hanggang sa mag-umpisa si Carrine sa trabaho nito. Isang araw nagulat na lang siya na mag-message ito at gusto siyang kitain. Agad nagpaalam sa ama at idinahilan na gusto siyang makita ng kapatid na si Skye. "Strict pa rin ang daddy mo kahit mag-twenty five kana? Anyway, kaya ako nakipagkita sayo ay dahil may gusto akong i-offer na trabaho." "Trabaho?" "You haven’t managed to find one yet, have you?" Ang totoo niyan ay nag-umpisa na siyang magpadala ng mga resume sa ilang kompanya ayun na rin sa suhestyon ni Sunshine kahit hindi pa lubusang nakukuha ang permiso ng ama. She has to find a job for her son. Hindi siya pwedeng umasa nalang sa laging iaabot ng panganay na si Sunshine. Napag-usapan na nilang tatlo yun nila Skye na tutulungan siyang magpaliwanag sa ama. Ipinaliwanag ni Carrine ang tungkol sa offer nito. "In Zambales?" "Oo, that same place where we use to go to back in college. Nag-open kasi ng bagong branch sa Palawan kaya ipapadala doon ang ilang staff kasama na ang manager na nagha-handle doon. At may isa pa ulit na bubuksan soon kaya kailangan namin mag-hire ng ilan pa para maagang ma-train." "I-I don't think I can do that..." "Come on Sophia, kakayanin mo yun. Hindi ka naman basta na lang ilalagay dun. At least hindi ka na masyadong mag-uumpisa sa baba. Besides, stable na ang branch na yun kaya hindi ka na mahihirapan." "It is a big resort!" "At pinalawak pa ngayon." Dagdag nito. "This is a limited offer my friend hindi sa pini-pressure kita. Kaya kung ako sayo ay iga-grab ko na siya." "Can I think about it?" "Think fast. I'm going to back you up with this so you need no worry." Ginagap ang kamay nito. "Thank you Carrine. Kahit matagal tayong hindi nagkita ay kaibigan parin ang turing mo sa akin." "Of course! Ganun naman talaga ang magkaibigan hindi ba. We promised to be successful when we were in college. Hindi pa naman huli ang lahat para sayo. Knowing how smart you are, siguradong magiging mabilis ang adjustment mo." Pagdating sa bahay ay agad ikinunsulta kay Sunshine ang tungkol doon. Pinasok ito sa kwarto nito habang gumagawa ng lesson plan. "Assistant manager? Hindi ba scam yan? Wala kang experience." Inalis nito ang suot na reading glass at humarap kay Sophia na nakaupo sa kama. Binaggit rito ang tungkol kay Carrine. "Ah yung classmate mo nung college. Eh paano si Pipoy kung sa Zambales ka magtatrabaho?" "Yun na nga Ate Shine. But this is a good offer." "It's a once in a lifetime. Hmm... pero okay lang ba sayo na malayo sa anak mo?" Isa pa yun sa ipinag-aalala bukod sa pino-problema ang tungkol sa pamilya Jereza. Pero ang sabi naman ni Carrine ay posibleng dun lang siya mag-training at ipadala sa ibang branch. Hindi naman niya siguro makakaharap ang sinuman sa pamilya hanggang makalipat. "Uuwi naman ako every weekend. Besides, para sa kanya naman ito." "You seemed to have decided." "Ayoko lang palampasin ito dahil maganda ang starting offer. Saka hindi pa naman daw sigurado na hired na ako agad dahil may six months probation kahit may bayad pa. Pwede ko siyang maging training ground para may mailagay ako sa resume ko kung sakali." "Hmm, good point. So now the problem is getting Daddy’s approval." "Hindi ako sure kung papayag siya." "He has to!" Tila nag-iisip ito. "Let's talk to him. Rumihistro ang kaba sa mukha ni Sophia. Nagpatuloy si Sunshine. "You need to face this phase sister. Walang mangyayari kung matatakot ka palagi. Isipin mo nalang si Pipoy." Kinagabihan ay kinausap ng dalawa ang magulang pagkatapos kumain. "And how about Pipoy?" "Dad, we can always look after him. Or we can hire a helper during the day kung ayaw ninyong magambala ni Mommy." Si Sunshine. "We have to help Sophia get back on track. Tumatanda siyang nandito lang sa bahay." "And who's to blame?" Nagyuko siya. Kanina pa niya pigil ang paghinga mula ng makaharap ang ama. Hindi pa rin siya napapagod umasa na maghihilom ang sugat na ibinigay niya rito. "Ramon," hinawakan ni Rose ang asawa sa kamay. "I think may point si Sunshine. Let's help your daughter." "Trusting her last time led to an unacceptable outcome!" "But we have Pipoy." Rose reasoned out. "I-I am not going to make the same mistake Dad." She found the courage to speak up. Ang ginawa niya ay hindi maituturing na lubusang pagkakamali dahil nagkaroon siya ng isang Pipoy. Pero yun ang tingin ng ama. "Pinagsisihan na ni Sophia ang naging aksyon niya noon. Hindi ba at ang matuto sa isang pangyayari naman ang mahalaga. Hindi mo ba mapapagbibigyan ang anak mo?" Sandaling katahimikan na pinutol ng pag-iingay ni Pipoy na pumasok sa sala mula sa paglalaro sa kwarto. Tahimik itong tumabi kay Sophia. "D-Dad..." "You need to be responsible this time. And the moment you get on track, kunin mo si Pipoy. You need to be reminded of the responsibility that you choose to take." Tumayo ang ama at umakyat na sa hagdan. "Was that a yes?" Alanganing tanong sa mga naiwan. Sabay na ngumiti ang ina at ang nakatatandang kapatid. Parehong nag-congratulate sa kanya. Naging mabilis ang lahat. Sinabihan agad si Carrine ng tungkol sa desisyon at pagkatapos ay inayos ang papel. The hardest part is saying goodbye to her son. "Big boy kana. Y-You shouldn't cry okay." Pero kahit sinasabi iyun ay labis ang pagpipigil na huwag maiyak. "I'll be here on weekends. Makikinig ka lagi kay Lolo at Lola. And also to Tita Sunshine." "Pipoy, behave." Hindi umiiyak pero magkasalubong ang kilay habang yakap ang laruan nito. Hindi napigilan ang sarili at dinala sa dibdib ang anak. Kapag na-permanent siya sa trabaho ay kukunin niya ito agad. "I love you Pipoy. Always remember that." Sinundo siya ni Carrine sa bus stop malapit sa kanila at dinala sa lugar kung saan akala ni Sophia ay hinding-hindi na siya babalik pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook