CHAPTER 1

1307 Words
“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Umayos ka nga!” Nagpapakalasing ang kaibigan ko ngayon sa kwarto niya. I know, hindi kami mayaman at ang trabaho lang namin ay marangal naman. “Ano ba ang kulang sa akin, Carl? Yayaman naman ako, e!” Turo niya sa kaniyang sarili na ikinasinghap ko. “Walang kulang sa ‘yo, Mareah. Tumigil ka na at hindi ka yayaman sa kakainom mo.” Umiling-iling lamang siya sa akin at kinagat pa nito ang kaniyang labi. “Hindi mo kasi ako naiintindihan. Hindi man lang niya ako pinaglaban sa pamilya niya.” Wala akong maisip na maari kong maibigay na payo. Kaibigan niya ako, pero parang masaya ako na hindi niya na makakatuluyan ang Sandro na iyon. “Makakahanap ka ng para sa ‘yo, Mareah. Iyong lalaking hindi ka ikakahiya sa pamilya niya.” Pinunasan niya ang kaniyang luha at animo’y parang ginanahan sa aking sinabi. “Mag-bar kaya tayo? Alam mo ‘yung sa mga nababasa natin sa mga story? Mga napapanood natin sa mga drama?” Umirap ako saglit sa aking narinig. “Magba-bar ka? Ipang-skincare na lang natin, be! Akin na ‘yang pera mo!” Nilahad ko ang aking palad sa kaniya para ibigay niya sa akin ang pera. Sandali lamang nang ngumawa siya. “May utang pa ako sa sanglaan!” Ngawa niyang sambit. “’Di ba? Ayan ang sinasabi ko sa ‘yo! Kung ‘yang pinang inom mo ay tinabi mo na lang ay edi sana may naipon ka pa pang buwis ng singsing mo sa sanglaan.” Hindi ko alam kung tama ba akong maging kaibigan niya pero hindi ko siya kukunsintihin sa mga bagay na alam ko naman na makakasira sa kaniya. Natauhan ang kaibigan ko nang tamaan siya ng alak na kaniyang iniinom. Kasi kung hindi pa rin siya matauhan sa tama ng alak sa kaniya, baka sa akin na siya tatamaan. “May hindi pa ako nasasabi sa ‘yo.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo at may kinuha sa bag nito. Inilapag niya iyon sa harap ko at ako naman itong nagtataka. “Ano ‘to?” Tanong ko. “Buksan mo na lang at basahin,” ani niya habang nakatulalang nakaupo sa kama nito. Naiwan akong nakaupo sa lapag katapat ng kaniyang pinaginumang bote at hawak-hawak ang isang sobre na mabango. Binuksan ko ang sobre at nang mahila ko ang matigas na papel sa loob ay nanlaki ang mga mata ko. “Pastilan!” Hindi ko mapigilan ang sarili kong bigkasin iyon. Sandro & Nieves... Inviting you to their wedding celebration.. “Ang kapal ng lalaking ‘yan sa mismong birthday ko pa!” Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. “Pwede naman sa anniversary niyo na lang, hindi ba?” Singhal ko pero napahilamos na lamang ang kaibigan ko. Rinig ko ang kaniyang hikbi na ikinatahimik ko. Ilang taon na sila ni Sandro magkarelasyon. Sa sobrang tagal na nila ay ako na lamang ang nilulumot sa aming dalawa. Tumayo ako at umupo rin sa kaniyang tabi. “Mareah…” Tawag ko sa pangalan niya at haplusin ang kaniyang likod. Tila hinimas-himas ko iyon para maramdaman niya na may kasama pa rin siya sa kalungkutan niya. “Hindi ka niya deserve, Mareah. Maganda ka at may mararating ka sa buhay. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo sa taong hindi ka naman kayang bigyan ng proteksyon sa pamilya niya.” Ngunit naiyak pa rin siya. “Saka sabi mo naman maliit ang ari niya, e. Hindi mo deserve ang regular hotdog kung may jumbo hotdog naman sa mundo,” payo ko pa sa kaniya na ikinabalikwas niya at saka naman ako tinignan ng masama. “Taena talaga ‘to magbigay ng advice, e!” Naiiyak niya pang sabi sa akin at agad naman akong himpas sa braso. Masaya akong kahit paano ay napatawa ko siya. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ano ka ba?” Bangga ko sa kaniyang braso na ikinatawa niya. “Pasalamat talaga ako na may kaibigan akong katulad mo, Carl.” Saka ako nag-hairflip at tinaasan lamang siya ng kilay. “Ang katulad ko ay rare na kaibigan, Mareah. Kaya dapat mong itawag sa akin ay master.” Tinarayan na lamang niya ako at saka ako niyakap. Nang matapos ang gabing iyon na magkasama kami ni Mareah at sa bilis ng araw ay hindi ko akalain na nasa loob na ako ng kotse ng bwesit na ‘to. “Pwede ba? Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko para pababain mo ako rito. Hindi ko pwedeng iwan ang kaibigan ko!” Sigaw ko sa lalaking hanggang ngayon ay nagda-drive pa rin. “Baka makunan ka, ayaw ko.” Umawang ang labi ko sa kaniyang sagot. “Hindi nga sabi ako buntis, e!” Kung maari ko lamang siyang bigwasan sa loob ng kotse niya ay gagawin ko. Ang kaso nga lang ay baka mamatay pa ako, huwag na lang. “Ano pangalan ng kaibigan mo?” Biglaan niyang tanong sa akin. “Bakit? Kursunada mo?” Taas ng aking kilay na ikinangisi niya. “Kung gusto mong dumugin siya ng pamilya ko sa simbahan ay ayos lang naman. Hindi ko naman siya kilala-” “Mareah! Mareah ang pangalan niya!” Sandali lamang nang may kung ano siyang pinindot sa telepono nito at nang mailagay niya sa kaniyang tainga ang telepono ay nagsalita na siya. “Izan,” bigkas niya ng pangalang hindi ko kilala. Dahil chismosa ako ay kinapalan ko na ang mukha kong lumapit sa telepono at tila pinakinggan ang sasabihin sa kabilang linya. “Where the heck are you? Ako ang sinasabon dito ni Tita Iris.” Lumingon sa aking gawi ang lalaking ito kaya medyo napalayo ako ng kaunti. Mukhang alam naman niya na gusto mo marinig kaya may pinindot siya sa telepono niya. “Have you seen a woman you’re not familiar with at church?” Saglit lamang nang makarinig ako ng boses mula sa kaniyang telepono at rinig na rinig ko. “That brunette girl with the girl you're with now?” “Yes,” sagot nito sa kaniyang kausap. “Oh… she’s with Cristobal.” Umusok ang ilong ko, dahil sino naman ang Cristobal na iyon? Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang ilapat ng lalaking ito ang kaniyang hintuturong daliri sa aking labi. “Umalis ka na sa simbahan.” Ayon lamang ang sinabi niya nang ibaba niya na ang tawag. “Your friend is fine,” aniya. “Ayon lang? Hindi ko kilala ang Cristobal na ‘yon! Ikaw nga hindi kita kilala, e!” Uusok na ata ang ilong ko sa lalaking ito. “Uh-huh... Ako lang iyong lalaking hindi mo kilala pero nabuntis ka.” Pinagpipilitan niya talaga! “Sorry na… please? Nasabi ko naman na sa ‘yo ang dahilan, hindi ba? Kasi nga ang kaibigan ko ay niloko ng boy friend niya na ikakasal talaga ngayon kaso na postponed daw at akala ko ikaw.” Ngumiti lamang siya sa kawalan, habang pinakikinggan ang mga paliwanag ko. Ilang beses ko bang uulitin sa kaniya? “Mukha ka namang magaling kang umarte. Ipagpatuloy na natin ‘to, dahil wala kang choice.” Bahagya akong umiling. Hindi pwede, ano?! Ano siya? Swerte? “Ha? Hotdog! Ano akala mo sa akin? Cheap na babae? Hindi ako easy to get, ano?!” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Feeling nito! “Maaring makatakas ka sa akin, pero hindi sa media.” Lumabas ang nakakaloko niyang ngiti sa akin. “M-media?” Utal kong tanong. “Artista ang babaeng papakasalan ko dapat. Kaso dumating ka… maraming nakatutok na camera sa ‘yo kanina. Mukhang sikat ka na ngayon.” Tila nawalan ng lakas ang aking dalawang braso sa narinig. Ang ganda ng pa-birthday sa akin ni Papa God. Nakaka-depress…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD