bc

Kissed In His Paradise

book_age18+
289
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
opposites attract
playboy
badboy
heir/heiress
bxg
lighthearted
lies
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nang pigilan ni Carl Mae ang isang kasal na inakala nitong boy friend umano ng kaniyang kaibigan ay para bang natunaw ang hiya sa loob ng katawan nito nang makitang ibang lalaki ang naroon.

Ang inaakala ni Carl Mae na madadaan lamang sa isang pagpapaliwanag ang isang kapalpakan na kaniyang ginawa ay hindi niya akalaing ipakikilala siya ni Aristotle Jacinto III na siya ang babaeng mahal nito at nagdadalang tao sa gitna ng kasal.

Kissed In His Paradise

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Carl! You can’t do that!” pigil sa akin ng kaibigan ko, habang kami ay naglalakad patungo sa isang kasal. “I can’t? Sige! Panoorin mo ako,” mariin kong sabi at agad na inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. “Carl, ano ba? Hindi mo pwede gawin ‘yan! Ikakasal na ‘yung tao!” sigaw pa ng kaibigan ngunit hindi ko na siya nilingon. Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko kaagad ang nakatalikod na lalaki at babae sa gitna ng altar. “Itigil ang kasal!” Malakas kong sigaw na agad ikinalingon ng mga abay sa akin. “Subukan mong ikasal sa babaeng iyan, Sandro-” Ngunit hindi ko natapos sabihin ang pangalan ng lalaking boy friend umano ng aking best friend na ikakasal dapat sa simbahan na ito ngunit sa ibang babae. “Carl! Postponed daw ang ka…sal,” tila habol sa akin ng kaibigan ko ngunit huli na ang lahat. Unti-unting niyang tinapos ang sasabihin nito sa akin nang makita niyang nagawa ko na isang pagkakamali. Rinig ko ang ilang bulung-bulungan sa paligid at agad naman akong napangiti ng hilaw. “A-ahh…it’s a p-prank…” nanginginig pa ang labi ko nang agad kong hilain ang kaibigan ko palabas, ngunit bago pa kami makatapak sa labas ng simbahan ay umalingasaw ng isang boses. “Love!” Napalingon kami ni Mareah nang makita namin ang groom na tumatakbo patungo sa amin at mabilisan akong yakapin. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang maisip kung ano ba ang ginagawa ng lalaki ito! Alam kong kasalanan ko na nasira ko ang kasal niya, pero bakit niya ako tatawagin love? Sira ba ‘to? Kahit si Mareah nang nilingon ko ay nagtataka rin siya sa akin. “E-excuse me…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumayo ng yakap sa akin at agad na lumuhod. Sabay no’n ay hinalikan ang aking tyan na ikinawindang ng buong katawan ko. What the heck?! “What’s going on, Aristotle?” tinig ng isang matandang babae na tumayo at papalapit sa amin ngayon. Sa ilang saglit ay tumayo ang lalaki sa harapan ko at dali-daling hinawakan ang palad ko. Kahit piglasin ko para lamang hindi niya masakop ang palad ko ay sa lakas nito’y wala akong nagawa. “Mum! She’s pregnant.” Kahit ako ay naguguluhan sa lalaki. Lumapit si Mareah sa akin at agad na may ibinulong sa tainga ko. “Ano nangyayari? Pregnant? Ikaw?” mahinang tanong niya sa akin at pinanlalakihan pa ako ng mata. “I have no idea, Mareah. Wala akong alam… hindi ko nga siya kilala,” mariin ko pang sagot nang magtanong muli ang matanda. “And?” “And I’m the father.” Animo’y parang tigre ang boses ng lalaking nasa harap ko ngayon na hawak-hawak ang aking kamay at sandaling hinila ako papalapit sa kaniya. Kumalabog lalo ang puso ko nang makita ko ang mga bisitang nakatingin sa amin ngayon. Lahat sila ay nakatutok ang atensiyon sa amin! Ano ba ang ginagawa ko rito? “Y-you what?!” “I said we’re pregnant, Mum.” “Aris! Bakit ngayon mo lang ito sinabi? May balak ka ba talagang pahiyain ang anak ko?” Ang isang matandang babae rin sa gilid nang nagulat na lamang ako sa pagtakbo ng babaeng naka-gown. Hindi ba’t… iyon ang bride? “I don’t have any intentions to hurt your daughter, ma'am. But you have to respect my choice. I love this woman beside me and the little baby in her womb.” Ako ba ang sinasabi niyang mahal niya at may bata pa talaga sa loob ng tiyan ko?! Bumuka ang bunganga ko’t umabante ng kaunti. “This is a big mistake po! Pero-” Nanlaki ang mga mata ko nang hilain ako nito muli at agad na hinalikan. Ang mga mata ko’y parang luluwa na sa gulat. Inilayo niya ang labi sa akin at agad na dumiretso sa aking tainga. “Save my ass here,” sambit nito sa akin na ikinakunot lalo ng noo ko. “That’s it! We’re leaving!” At agad akong hinila ng lalaking ito. “Carl! Carl!” sigaw ng kaibigan ko, ngunit bigla ako nitong binuhat ng pangkasal kaya’t hindi ko napuntahan ang kaibigan ko. “Put me down!” sigaw ko nang hindi siya nagsalita. Kitang-kita ko ang gilid ng kaniyang mukha na animo’y nangunguna ang ilong sa tangos at ang mahahaba nitong kilay. “I said, put me down, asshole!” Isang tunog lamang ng kotse ang narinig ko kaya’t nang buksan iyon ng lalaki ay ibinato ako nito sa loob. “Where are you taking me? Ano ba?! Hindi na ‘to nakakatuwa!” Nang siya’y makapasok din sa kabilang pinto ng sasakyan. “Stop shouting,” ani niya nang paandarin ang sasakyan. “Pwede ba? Ibaba mo ako at pupuntahan ko ang kaibigan ko! Naiwan ko siya roon!” “Iniwan ko rin ang bride ko,” sabat niya na ipinangtapat sa sinabi ko. “Kasalanan mo ‘yan! Aaminin ko na may kasalanan din ako… pagkakamali ang lahat at ipapaliwanag ko ‘yon sa pamilya mo!” “You don’t have too,” wika nito’t nilingon ako, habang siya’y nagmamaneho. “Also, you already destroyed my marriage, and I don’t think that you did it unintentionally...” sunod niya pang sabi. “Hindi ko talaga sinasadya! Akala ko kasi ay ikaw iyong… boy friend ng kaibigan ko na ikakasal ngayon sa ibang babae,” humina ang boses ko kung magpaliwanag. “See? Sinasadya mo. Mukhang wala na akong choice kung hindi totohanin ang sinabi ko.” “Ang alin?” “Na buntis ka at ako ang ama?” Isang malaking ngisi ang ipinakita niya sa akin na ikinapangilabot ng buong katawan ko. "Huh? Never! Hindi ako magpapabuntis sa 'yo at hinding-hindi ako magpapakasal sa tulad mo! Kaya kung ako sa 'yo ay ibaba mo na ako at kailangan ko pang asikasuhin ang bwesit na lalaking sinaktan ang best friend ko!" gigil kong asik na mas lalo niya pang ikinangiti. "I see... but I'm sorry; I kissed you, and you have no choice but to be with me in my paradise.."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook