PROLOGUE

1250 Words
THE DOCTOR’S BETRAYAL: PROLOGUE As I stood in our bedroom, staring at the man I thought I knew, my heart shattered into a thousand pieces. Alam kong nagsimula lamang kami sa isang pilit na kasalan, dahil sa kagustuhan ng pamilya ko at ng pamilya niya. Alam kong sakim ako, ako ang nagpilit na ikasal ako sa kaniya. "Congratulations, you've got what you wanted." I saw him taking off his black coat. "You may have manipulated my parents into marrying you, but don't expect that I'll treat you like a wife. You're not worthy of it," ani niya, nang lingunin ako nito. Kakatapos lamang ng kasal namin. Hindi ko rin alam kung paano ko pa ba siya kakausapin—matapos niyang malaman na ako ang nagpumilit na pakasalan ako nito. I could save him... "You know that your parents need a sponsor for the hospital, right?" Kung hindi kami ikakasal, mawawala na lahat nang pinangarap niya sa ospital na pinaghirapan ng magulang niya itayo. I saw him sneer, "And marrying you was the answer? How convenient. A business arrangement disguised as a marriage." Kinagat ko ang labi ko, alam ko naman na hindi tama ang ginawa ko, pero um-oo naman siya. "And you will going to blame me? As far as I know, you chose to be my husband— and I loved you. Subukan mo akong mahalin!" "I was trapped into marrying you to secure funding for my parents' hospital. Hindi ako gumagamot ng tanga, Gabriella. Hindi ako susubok kung alam kong hindi ko naman kaya." Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagtulo ng luha ko. "But...but what about our vows? Our promises to each other? Can you, at least... try?" "Vows? Promises? Just empty words, meaningless to me. I'm a doctor, not a priest. I have needs, desires... and you were never enough to satisfy them." Hindi na nakayanan ng luha ko at agad namang tumulo iyon. Ang lahat ng ito ay para sa kaniya, hindi niya alam na ang mismong pamilya niya ang namilit sa akin. They see how happy Sebastian Vaughn was when he was with me... I was just his best friend—kasama niya noong nag-aaral pa lang kami ng medicine. Alam niyang may gusto ako sa kaniya, pero ang sinasabi niya sa akin ay baka dumating ang panahon na magustuhan niya ako hanggang matupad lang niya ang pangarap niya. Ngayon na naabot niya na ang pangarap niya at naging doctor na siya, may sarili na silang hospital pero bakit hindi pa rin dumating ang sinasabi niya. The real story is his parents didn't need a sponsor. They need someone who takes care of Sebastian, dahil sa katandaan nila. Matanda na sila, at ang si Sebastian ay ampon lamang ng mag-asawang Vaughn. Siguro sa kasakiman ko na rin ay wala na siyang nagawa. "If I can't satisfy you, then cheat. Have affairs... as long as you came home to me." Nanginginig ang katawan ko kung sabihin iyon. Cheating was a wound I could heal from, but losing him would be a fatal blow. "Your words, not mine. You've given me permission to sin, and I'll take full advantage of it." Saka siya umalis ng kwarto at naiwan lamang ako mag-isa. Lumipas ang ilang buwan naming pagsasama ay ginawa niya nga lahat nang sinabi ko. "Are you fine with it?" Tanong sa akin, habang inaalis ko ang white coat sa aking katawan. Nagkibit lamang ako ng balikat at sandaling narinig ang ingay ng isang babae. "Ang galing mo, Doc. Seb!" Ang nurse na lagi niyang kasama. Sa sobrang tagal kong mag-hanger ay si Doc. Cel na ang kumuha n'yon. "'Yung magaling mong asawa, may sabit nanaman," bulong pa nito sa akin kaya't ngayon ay parehas na kaming nakatingin sa gawi nila. Parehas pa silang nagtatawanan, habang ako naman 'tong mukhang tanga sa gilid. Alam ng lahat na mag-asawa kami, pero lagi niyang sinasabi na gusto lamang ng pamilya niya. Halos pinamumukha niya sa lahat ng taong nakakaalam na mag-asawa kami na hindi niya ako mahal. Sadyang pilit at negosyong kasal lamang. Halos noong hindi pa kami kinakasal at hindi pa ako nakakausap ng pamilya niya ay ako lagi ang kasama niya. Kasabay kumain, kasabay sa lahat pero nang maging asawa niya ako ay iba na ang kasabay niya. "It's fine. Ako naman ang nagsabi na mag-cheat siya kung gusto niya," sagot ko. Ang pag-iling iling ni Cel ang siyang nakita ko, sandali lamang nang huminga pa siya ng malalim. “Hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko na lang magmahal ng pangit, at least, hindi manloloko.” Tumaray na lamang ako sandali, dahil alam ko naman na hindi na ‘yan totoo sa ngayon. Iyong mga hindi pinalad ang itsura ang mga nanloloko ngayon, basta may motor o hindi naman kaya ay auto—grabe na sila manloko. “Cel, please? Ayos lang. Ako naman ang asawa.” Taas-taas pa ng aking kilay sa kaniya at agad naman na natawa. Nang makauwi ako sa penthouse ay tanging gutom lamang ang naramdaman ko at pagod. Ang dami ng pasyente kanina, kaya’t alam kong nahihirapan din ngayon si Seb ngayon. Gumawa ako agad ng paborito niyang salad, gusto niya kasi ang ginagawa kong dresssing. Kahit hindi na niya ako pinapansin, kahit paano naman ay may humanity pa rin siya pagdating sa akin. Hindi man ako makumusta, pero kahit paano naman ay tinatanggap naman niya ang mga pagkain na binibigay ko sa kaniya. Minsan ay sinusuot niya ang mga inihanda kong damit sa kaniya sa tuwing uuwi na siya. Kahit ang kape na lagi niyang iniinom. “Doc. Gab! Kakauwi niyo lang kanina, ah?” Natatawang tanong naman sa akin ni Nurse Joy. “Hahatiran ko lang ng pagkain si Doc. Seb.” Sabay angat ng dala kong box. Ngumiti lamang siya sa akin at nanlaki naman ang mata, hindi na rin siya nagsalita at umalis na lamang. May kung ano sa dibdib ko ang kinakabahan… Ginagawa na ba niya ang sinasabi ko? Kagat-kagat ko muli ang aking labi nang mahina akong kinatok ang pintuan nito. Wala naman akong narinig na sumagot kaya’t dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nito. Isang maluwag na paghinga ang tanging nagawa ko nang makita ko siyang mag-isa. Nakaupo lamang sa kaniyang swivel chair, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang dalawang white shoes na nasa ilalim ng kaniyang lamesa. Inimulat ni Sebastian ang kaniyang mga mata at sandaling nanlaki ang mga mata, pero napalitan naman iyon ng pagkunot nang sandaling mapagtanto niyang nasa loob na ako ng opisina niya. “M-Maraming pasyente… I made you a… a salad,” ani ko at inilapag naman iyon sa mesa niya. “Thank you,” sagot niya lamang nang may lumabas na nurse sa ilalim ng kaniyang mesa. Punas-punas niya ang kaniyang labi at tila namumula ang mukha. “D-Doc… Gab! Doc. Seb, alis na po ako.” Mabilis naman niyang inayos ang scrub suit nitong nakataas pa. Lalagpasan na niya sana ako nang hawakan ko ang braso niya. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa ginawa ko. “Where are you going? Hindi naman ako magagalit. Go on, eat my husband.” Saka ko hinarap si Sebastian na may paggalaw ng kaniyang panga at madaling binitawan ang braso ng babaeng nurse sa gilid ko at ako na lamang ang umalis kasama ang maliit na butil ng aking luha at panginginig ng kalamnan. Ginusto ko naman ‘to, hindi ba? Ako naman ang nagsabi sa kaniya? Kaya panindigan mo, Gabrielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD