THE DOCTOR’S BETRAYAL
CHAPTER 1: THE PERFECT MARRIAGE
“Doc. Gab?” Lumingon ako at tinignan ang nurse mula sa pintuan ng office ko. Binitawan ko ang hawak kong papel at umayos ng upo. “Ito na po ‘yung appointment schedules for today, Doc.” Tinanggap ko naman iyon nang makatayo ako—tinignan ang papel at umabot naman iyon ng fifteen patients.
“Thank you, Nurse Dhiane.” Another long day at the clinic. Napahinga ako ng malalim at pinagmasdan pa ang mga pangalan ng mga bata. Alam ko naman na naghihintay na sila sa labas at ramdam ko rin ang pagod ng mga nanay.
As a pediatrician, people often think it's all fun and games, playing with kids and giving them lollipops. But the truth is, hindi madali at kahit kailan ay hindi magiging madali.
I've spent years studying, training, and sacrificing time. Marami akong sakripisyo para sa trabaho na ‘to—And it's not just about diagnosing illnesses and prescribing medication. It's about caring for fragile lives, calming anxious parents, and making tough decisions that can impact a child's future.
“Doc. Gab? Magkano po ang aabutin sa gamot?” tanong ng nanay sa akin ng panglima kong pasyente. Gawa ng Pneumonia ang siyang nagpakaba sa ina ng bata—lalo na sa pambili ng gamot.
“Ganito po, may pharmacy naman po rito sa loob ng ospital. Dito na po kayo bumili, ako na po ang bahala para sa maintenance ng bata.” Tinignan ko ang batang babae na naka-mask. “Papagaling ka, ha? Para hindi na magka-cry si Mommy mo.” Sa malambing kong tono.
May ibinigay akong reseta sa kaniya at nilagyan din iyon ng note. Matagal ko na itong ginagawa simula noong maging doctor ako.
“Napakabuti niyo pong, Doc! Maraming salamat po… sobrang hirap po talaga kapag nagkakasakit ang bata. Sakto lang din po ang pera ko, Doc. Maraming salamat po talaga, Doc!” Tila naiiyak nitong sambit nang tapikin ko ang balikat nito.
Nang matapos ko ang lahat ng pasyente ko ay sinilip ko ang orasan, alas-syete ng gabi kaya’t ganoon na lamang ang kalabog ng t’yan ko.
Pagkalabas ko ng pinto ay nasimot na rin ang linya ko.
“Another day, another patient!” Ang bunganga ni Doc. Cel, nang makalapit ito sa vending machine na kung saan ay naroon ako. Pagkuha ko sa ilalim ng binili kong energy drink. “Hindi ka pa kumakain, right? Tama ‘yan, Gab.” Taas-taas pa niya ng kilay sa akin.
“Dagdag din ‘yan sa sahod ko, kapag nagpa-check up ka.” Saka pa siya tumawa. Doc Cell. My colleague, my friend, and one of the most skilled gastroenterologists. Kasabayan din namin ni Seb noong college.
Seb used to be a pediatrician specialist, pero kalaunan ay naging cardiologist.
“Ilan naging pasyente mo ngayon?” Sunod pa niyang tanong sa akin. “Fifteen,” I whispered when I felt my neck throbbing.
“Twenty, kanina pa akong umaga nakaupo at hawak nang hawak ng t’yan.” Natatawa niya pang tugon sa akin. Sumandal ako sandali sa pader at hinayaan lamang magkwento ang kaibigan ko. Palagay ko ay nakakatulong din siya sa akin para hindi na ako ma-stress pa sa asawa ko. “Mauuna na ako, Cel.” At pumindot pa muli sa vending machine, para naman kay Seb.
“Gab, don't be a fool. If Seb thinks he can get away with cheating, then maybe you should give him a taste of his medicine.” Hindi niya maiintindihan, hindi naman siya nagmamahal. “Cheat! Show him how it feels. Seb's not respecting you, so why not take back control? Do what makes you happy, even if that means playing the same game he is.”
“I asked him to cheat, Cel, because I knew he wasn't happy in our marriage. We were arranged, you know that. And he's never been satisfied with me.” Nakita ko kung paano siya mag-make face, habang nakapasok ang dalawang kamay sa lab coat nito.
“I told him to cheat, just so he wouldn't leave me. I didn't want to lose him. And I thought if he just had someone else, he'd stay with me. Isa pa ay hindi naman niya mahal ang mga nakaka-flirt niya.” Parang iinit na ata ang ulo ni Cel sa akin, pero dahil sa pagmamahal niya sa akin bilang best friend ay narito pa rin siya sa tabi ko.
“He's still going to leave you, Gab. And you deserve so much better—speaking of the devil,” wika niya nang ngumuso pa siya sa gilid. Kakalabas lang ni Seb sa Echo Room.
Kasunod din no’n ang paglabas ng matandang pasyente. Nakangiti pa si Seb habang may sinasabi ito sa matanda. Matangkad siya at maputi, broad din ang katawan niya.
I watch Seb as he works, his skilled hands moving with precision, his eyes locked onto the patient's chart. He's in his element, confident and self-assured. Minsan napapaisip ako kung paano ko siya naging best friend bago kami ikasal.
His tall, broad frame commands attention, and his chiseled features make him look like a model, not a cardiologist. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya ay nag-iba ang ngiti nito. I see the way he looks at me, his eyes flashing with anger and resentment. His eyes, which sparkle with kindness for his patients, turn cold and hard when they look at me.
Alam ko na iyon—sobrang kinamumuhian niya ako.
Sometimes I wonder how we got here, how the man I fell in love with turned into this stranger. And yet, despite everything, a part of me still loves him. Still holds onto the hope that one day, we'll find our way back to each other.
“Dadalhin ko lang ‘to sa kaniya,” ani ko kay Cel na tumaray lamang. “For God's grace, Gab. Kahit sinong doctor sa mundo ay hindi ka mapapagaling sa katangahan mo,” wika niya pa at umiling-iling pa muli.
“Seb!” Tawag ko sa kaniya, ngunit tumalikod naman ito kahit alam kong naririnig niya ako. Hindi niya pinansin kahit alam niyang nandito ako.
Naglakad ang paa ko para puntahan siya nang may isang babaeng tumayo mula sa pagkakaupo. Nakasuot ito ng red dress at labas na labas ang dibdib nito. Mataas ang heels niya’t mahaba naman ang full volume nitong buhok.
“See? Kung marunong ka lang makinig, Gab. Now he’s with another girl.” Ngayon ay katabi ko na sa gilid ko si Cel. But life had other plans. The arranged marriage that was supposed to secure our families' futures became a prison, trapping us in a cycle of resentment and anger—his anger to me.
“Patient… probably.” Inisip lamang na patient iyon, dahil ano ba gagawin ng babaeng iyon sa ospital? Ngunit nasa loob-loob ko ang kirot—And yet, here I am, still tied to him. Still wearing his ring, still bearing his name. Still love him, despite everything.
Kind of love that's been warped by pain and betrayal. But it's mine, and I don't know how to let it go—hindi ko alam kung paano ko siya papakawalan kung ganoon ko siya sobrang kamahal.