CHAPTER 2: THE FACADE

1136 Words
THE DOCTOR’S BETRAYAL CHAPTER 1: THE FACADE I took a deep breath, my hand still hovering over the doorknob. My mind was a jumble of emotions—shock, anger and hurt. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. “Open it, Gab. Gusto mo makita ginagawa nila?” Si Cel na ngayon ay parang isang demonyo na nabulong sa akin. Nasa harapan na kami ngayon ng consultation room ni Seb. Should I open the door? Confront them? “Go on,” wika pa ni Cel. Pero hindi ko magawa, hindi ko mawari kung para saan pa itong ginagawa ko. Ano ba ang kasal naming dalawa? Sa akin lang naman may malisya ang kasal namin. What if I opened the door and found something I couldn't unsee? Something that would shatter my heart, my soul? But what if I didn't open the door? What if I just walked away, pretended I hadn't seen anything? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, wala akong mapili, dahil iisa lang naman ang katumbas nang lahat ng ito. Lahat ito ay ako ang nagbigay ng permiso. “Ibibigay mo lang naman ‘yan,” ani pa ni Cel at itinuro ang hawak-hawak kong energy drink na gusto ni Seb. My hand hovering over the doorknob. My heart racing, my mind screaming. I'd seen Seb's name on the door, assumed it was just another patient consultation. But the sound of laughter, the tone of his voice... it was different—alam kong friendly siya sa kahit sinong patient niya, but, iba ito… maganda ang patient niya at mukhang papalag sa kahit anong gusto niya. With a sense of trepidation, I turned the handle and pushed the door open. Seb's eyes met mine, a flash of irritation crossing his face. The girl turned, a look of surprise and embarrassment on her features. Inayos niya ang kaniyang lace ng dress nito, habang siya’y nakaupo sa patient’s chair. Napahinga ako nang maluwag, wala silang ginagawa. “Ibibigay ko lang.” Lumapit ako kay Seb at inilapag naman iyon sa desk niya. “Dami niyo pa lang ka close, Doc.” Ang babae na siyang nagtanong. Hindi ko na pinasagot si Seb, kusang bibig ko na ang nagsalita. “I’m his wife. Nasa mabuting kamay ka, magaling ‘yan si Doc. Sebastian. Go, baby…” sabay halik sa kaniyang pisngi na ikinaliit lamang ng ngiti ni Seb sa harapan ng babaeng patient niya. Alam kong hindi maganda, hindi professional ang ginawa ko. Hindi ko lang alam kung paano ko ba ipaparating sa babaeng ito na may asawa na ang doctor niya? “Married ka na pala, Doc.” Maliit ang ngiti niya at tinignan naman ako. “Mabuti na lang at nasabi mo, Doc, kung hindi baka hinarot ko na itong pogi mong asawa,” wika niya pa sa akin kaya’t napangiti ako. “Maganda ang ugali mo, may class. Hindi tulad ng ibang babae. Alam ng may asawa, dumidikit pa,” nakangiti kong bigkas. “Nakaka-turn off din ang lalaking may asawa na pero mas’yadong malapit sa babae, Doktora.” Tumungo naman ako bilang sangayon. “Totoo ‘yan. Anyways, Doc. Seb, alis na ako.” Hinawakan ko ang kaniyang balikat at saka na lumabas ng pinto. Nang makalabas ako ay dali-dali kong hinawakan ang dibdib ko. “Gabriella?” Tumaas ang tingin ko at nanlaki ang mga mata. “Tita,” wika ko nang lumapit naman ito sa akin. “Are you okay? Where’s Sebastian?” Tingin ni Tita sa likod kung saan may nakaukit na pangalan ni Sebastian. “May patient po,” sagot ko. “Dumaan ako sa office mo, but you’re not there. Anyways, mija—here.” Saka may inabot sa akin na invitation. “Kasal iyan ng pinsan ni Sebastian. Please, mija, pumunta kayo ni Sebastian.” Dahan-dahan lang akong ngumiti at tumungo. “Malapit na at ilang buwan na lang ay first wedding anniversary niyo na ni Sebastian. I need to prepare for that, kailangan magarbo!” “No need na po, Tita—” “Drop the Tita, please. Mommy na lang.” Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pintuan sa likod ko’t naamoy agad ang pabango ni Sebastian. Ang paborito niyang pabango na LV Imagination, kasunod naman niya ang magandang babae na patient kanina. “Thank you, Doc. Babalik na lang ako para sa 2D echo.” Tumungo naman si Seb at bumaling ang tingin sa amin ng kaniyang ina. “Mijo! My son…” Lumapit si Tita at hinalikan naman si Sebastian sa pisngi nito. Tinignan niya ako na para bang nagtatanong sa akin kung bakit narito ang nanay niya. Itinaas ko na lamang ang invitation. Tumaray na lamang siya at lumayo naman sa kaniyang ina na nakangiti. Lumapit naman sa akin si Sebastian at tila inakbayan ako, ganito kami sa tuwing narito ang Mommy niya. Bumulong siya sa akin. “Why the hell is she here?” Umangat ang ulo ko’t tinignan siya nakangiti naman ako na animo’y para kaming mga artistang magagaling sa pag-arte. “Seb? Pahinga ka muna. Dadalhan na lang kita ng pagkain,” wika ko at kumunot naman ang noo niya. Ang nanay naman niya ay malawak ang ngiti, “Yes, Mijo! Magpahinga ka, alam mo, Gab? Sa iyo lang talaga nakikinig iyan. Mabuti na lang at ikinasal kayo!” Pilit lamang ang ngiti ko. “Hindi na rin naman na ako magtatagal dito. Ito lang naman ang ibibigay ko.” Pinagmasdan ko muli ang pangalan sa invitation. Byrce Vaughn & Helena Rivera Ito pala ang pinsan ni Sebastian. “Byrce is an Engineer. Sabi ko nga ay mag-Doctor siya, pero gusto raw niya maging katulad ng Daddy niya.” Nang makaalis na si Tita ay pumasok na ako sa loob. “Here’s the invitation.” Saka ko inilagay sa mesa niya. Kinuha naman niya iyon at tinignan, ngumiwi lamang siya. “Poor Byrce… arranged marriage again.” Iling-iling niya at tinignan naman ako. I stared at the invitation, my mind racing. Seb's cousin's wedding. We'd been invited, and Seb had made it clear we'd attend. Together. As a couple. “Pupunta tayo?” Tanong ko. “Do we have a choice?” I felt a shiver run down my spine. The thought of pretending to be happy, to be in love, made my stomach turn. Seb didn't love me. He'd made that clear. But he wanted to keep up appearances, for his family's sake. "Let's get one thing straight," he said, with cold voice. “We'll put on a show, for my family's sake. But don't think for a second that this means anything,” sunod niya pa. I nodded, my heart heavy. I knew what this meant. We'd put on a show, pretend to be the perfect couple. But it was all a lie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD