Chapter 10

1050 Words
Nagtama ang mga mata namin at habang ganoon ang sitwasyon ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Napalunok ako pagkatapos. Ni wala ring nagtangkang magsalita sa amin. Mayamaya ay nakita ko ang paggalaw ng mga balikat ni Tennessee sabay inom niyong juice. Tila nakabawi na siya mula sa aking sinabi. “Hindi puwede,” sambit ni Tennessee na nakapagpagulat sa aming lahat. “Hindi mo ako puwedeng pakasalan kung may boyfriend ka na.” Hindi maitatago ang gulat sa aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung paano niya nalamang may boyfriend na ako gayong wala naman akong nababanggit sa kanila. “Ano?” usal ko. “May boyfriend ka?” sabay-sabay na tanong niyong apat kaya parang sinasakal ako ngayon sa kinauupuan ko. “Kung gano’n, bakit siya pa rin ang pinili mong pakasalan kahit narito naman ako na walang iba maliban sa’yo, Tennessee?” reklamo bigla ni Wolf. “Ang corny mo, Wolf,” natatawang sabi ni Vien. Halos sabay-sabay ulit kaming napalingon pabalik kay Tennessee dahil sa malakas na pagbuga nito ng hangin. “Sinabi ko lang ‘yon dahil siya lang ang babae rito,” sagot niya agad kay Wolf saka ibinalik ang kaniyang pokus sa telepono niya. Gumuhit ang isang mapaklang ngiti mula sa aking mga labi dahil sa aking narinig. “May boyfriend ka na pala talaga, Dasura?” tanong pa ni Denmark sa akin ma tila hindi makapaniwala. “Ah, oo. Hindi ba kapani-paniwala?” tugon ko sabay ngiti. Ewan ko ba kung ngiti pa bang matatawag ito gayong palaisipan sa akin kung paano iyon nalaman ni Tennessee. “Hindi naman sa gano’n. Hindi mo lang kasi nabanggit sa amin. Suwerte siguro ng boyfriend mo sa iyo.” Suwerte kamo? Hindi ko na alam. “Pasensya na kung hindi ko nabanggit iyon.” “Ayos lang iyon, Dasura. Saka ano ka ba naman, Tennessee? Laro lang naman ‘to,” sabi naman ni Quinn na nakanguso pa. “Kahit na. Isa pa, palaging narito si Dasura. Baka mamaya sugurin tayo ng boyfriend niyan, magkagulo pa,” sagot ni Tennessee saka tumayo. “Liligo lang ako,” sabi pa niya saka dire-diretsong umalis. “Hoy, Tennessee sandali! Paano mo nalamang may boyfriend na si Dasura?” sigaw ni Denmark bago pa man mawala ito sa aming paningin. Tumigil si Tennessee saka lumingon sa amin. Sinegundahan ko ang tanong na iyon ni Denmark. Sabi ko, “Hindi ko pa iyon nababanggit. Paano mo nalaman?” Tiningnan niya si Denmark bago lumapag ang tingin niya sa akin. Iyong mga mata niya ang pinakamahirap basahin sa lahat. Ibinuka niya ang bibig hindi para sagutin ang tanong na siyang lalong ipingtaka ko. “Quinn, ginamit mo ba iyong heater kanina sa banyo?” tanong ni Tennessee kay Quinn na tinanguan naman ni Quinn. Doon lang siya tumalikod saka tuluyang pumasok sa banyo. “May sapi talaga ngayon si Tennessee,” reklamo pa ni Vien saka napailing. “Hoy, Denmark!” “Po?” tugon naman ni Denmark. “Anong problema no’n?” tanong pa ni Vien saka inginuso si Tennessee na nasa loob na ng banyo. Nagkamot sa ulo si Denmark sabay sabing, “Hindi ko kasi tinabihan kagabi. Si Wolf ang kayakap ko kagabi, baka nagtatampo.” Napabungisngis lang si Wolf sa sinabi ni Denmark, ganoon rin kami. “Hayaan mo na lang iyon, Dasura,” sabi ni Quinn sa akin saka ngumiti. Tumango naman ako bilang sagot saka palihim na napabuntong-hininga. “May sapi lang talaga si Tennessee,” sambit ni Denmark sabay iling. “Masungit ba siya bago tayo pumunta rito?” Nagkibit-balikat lang iyong tatlo saka pare-parehas na napatingin sa dako kung saan nagpunta si Tennessee bago sabay-sabay na umiling. Kahit sa reaction, sabay-sabay sila. “Dasura, nagkuwentuhan na ba kayo ni Tennessee?” Agad kong nilingon si Denmark dahil sa kaniyang tanong. Umiling lamang ako bilang sagot. “Hindi naman. Wala rin naman akong nababanggit sa kaniya.” “Ah,” tatango-tangong niyang tugon. “So nasaan pala ang boyfriend mo? Long-distance?” Agad akong napabuntong-hininga bago tumango. Sagot ko, “Parang ganoon na nga.” Long-distance na rin pati ang mga puso namin. Napabuntong-hininga ako. Agad na rin namang namatay ang usapan na iyon na ipinagpasalamat ko dahil ang bigat sa pakiramdam para pag-usapan. “Wolf, samahan mo muna ako sa kusina. Segregate natin iyong mga natitirang basura,” maya-maya’y sabi ni Denmark saka kinalabit si Wolf na naglalaro sa kaniyang telepono. “Teka, sasama ako Denmark. Huhugasan ko itong mga baso at pitsel—” sabi ko pero pinutol na ni Denmark ang aking sasabihin. “Hindi na, Dasura. Ako na rin ang gagawa niyan. Pahinga ka lang dito sa sala, okay?” Napatango na lang ako dahil sa kasipagan at kabaitan ni Denmark. Pag-alis ni Denmark at Wolf ay nagpaalam rin maya-maya sina Quinn at Vien. Si Vien kasi ay may kausap sa telepono, samantalang si Quinn ay tumungo sa labas. Naiwanan akong mag-isa sa sala at sa halip na umuwi sa apartment ay napagdiskitahan kong silipin ang bukas na kuwarto ni Tennessee. Pagpasok ko roon ay bumungad sa akin ang isang malaking poster ng kaniyang mukha. Dahil doon ay agad na nabuhay ang fan heart ko para kay Tennessee na isang magaling na rapper ng grupo nila. Pero agad din akong napasimangot pagkatapos. “Pogi ka nga, masungit ka naman,” bulong ko saka sinimangutan nang husto ang kaniyang litrato. Pinitik-pitik ko pa iyon dahil naiinis ako sa kaniya. Inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto niya. Maganda, syempre. Gusto ko ang interior design at ang kulay nitong black and white. Napaka-masculine ng dating at mas cool iyon para sa isang masungit na katulad niya. “Si Tennessee na animal sa kasungitan,” bulong ko pa na may diin bawat salita. Nang makita ko ang kabuuan ng kuwarto ay napansin kong malawak ito para sa iisang tao. Kung tutuusin ay para itong isang bahay para sa isang pamilya. Iyong tipong may nanay at tatay tapos may tatlong anak. “Spacious. Pwede silang lahat na miyembro ng Epilogue. Ang laki-laki ng kuwarto niya—” “Nagrereklamo ka ba?” Si Tennessee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD