Chapter 11

1331 Words
“Nagrereklamo ka ba?” Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Tennessee. Paglingon ko sa pinto ay nakita ko siyang nakatapis lamang ng tuwalya sa baywang habang basa pa ang kaniyang buhok at walang tapis na katawan. “Ha? Ano... hindi naman sa ganoon...” “Gusto mo bang dagdagan natin para hindi na magmukhang malaki itong kuwarto ko para sa iisang tao?” “Ano? Dagdagan natin?” nauutal kong sambit. “Ano’ng... ano’ng sinasabi mo?” “Wanna make a family with me?” Sana nabingi na lang ako. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang tabas ng dila ni Tennessee kaya nahihirapan akong magsalita sa tuwing magbabangga kami rito sa bahay niya. Napalunok pa ako nang mapansin ko ang animo’y inukit niyang katawan na may butil-butil pa ng tubig. Mas guwapo siya ngayong basa ang kaniyang itim na buhok. Nang bumuntong-hininga siya ay agad pa siyang nagbato ng tanong sa akin. “Ano ba’ng ginagawa mo rito?” “Ah. Ano kasi...” Letse! Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa mga sinasabi niya! “Sige. Ano na namang palusot mo?” aniya sabay dahan-dahang isinara ang pinto. Dahil doo’y kinabahan ako lalo. “Hoy! Hoy! Bakit mo ini-locked ang pinto?” nauutal kong tanong habang dinuduro siya ngunit hindi niya ako pinansin. Nagtungo siya sa tabi ko kung nasaan ang closet niya saka iyon binuksan. “Magbibihis ako. Syempre isasara ko iyan dahil baka may pumasok bigla. Mabuti na iyong naka-locked,” kalmadong sagot niya. “Ano? Sandali! Hindi mo man lang ba muna ako palalabasin?” Hindi na naman niya ako pinansin. Kumuha siya roon ng isang gray cozy pants at isang puting sando. Pagkasarado niya ng kaniyang closet ay saka niya ako muling nilingon. Sagot niya, “Hindi. Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?” “Ano?” “Isa pa,” aniya sabay hagis ng kaniyang mga damit sa kama, “nakita mo na naman ang lahat sa akin kaya wala na rin akong dapat ikahiya sa’yo. Ikaw, depende sa iyo kung lalabas ka o panonoorin mo akong magbihis dito sa loob ng kuwarto ko.” Napanganga ako sa kaniyang sinabi lalo pa nang hawakan na niya ang tuwalya sa kaniyang baywang at akma na niya iyong aalisin. Ang mga mata niya’y nakapako sa akin habang ginagawa niya iyon kaya sa taranta ko ay sumigaw ako para pigilan siya. “Teka, hoy! Ano’ng gagawin mo?” sigaw ko sa kaniya saka pumikit. “Tumigil ka!” “Bakit Dasura?” natatawang tanong niya at doon ay naramdaman ko ang kaniyang paglapit sa akin kaya habang nakapikit ay napaurong ako. “Ano ba, Tennessee...” “Ano na, Dasura?” “Lalabas na ako...” “Ayoko,” mabilis niyang sagot kaya napamulat ako. Pagbukas ng aking mga mata ay ang mukha niya agad ang bumungad sa akin. Sa sobrang lapit na niya ay hindi na ako makahinga dahil sa kabang nararamdaman ko. “Ano ba’ng ginagawa mo?” Sa huling pag-urong ko para iwasan siya ay napatigil na ako dahil nakasandal na ako sa pader. Muli akong napapikit dahil hindi ko na maisip kung ano ang dapat kong gawin. Bahagya ko siyang sinilip at nakita kong marahan niyang itinuon ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo. Ganoon na lang din ang ipinagtaka ko sa sumunod niyang tanong. “Sabi mo kanina, gusto mo akong pakasalan. Bakit ako?” tanong niya kaya napalunok ako. “So si Tennessee ang marry mo?” tanong ni Denmark na nakapagpatigil kay Tennessee mula sa pag-inom nito ng juice. Tuluyan na ngang napatingin sa akin si Tennessee nang sabihin kong, “Oo. Si Tennessee ang pakakasalan ko.” Dahan-dahan akong nagmulat saka siya buong lakas na tiningnan. Ang lapit niya sa akin. Ang katotohanang h***d siya at halos nakadikit ang ang mukha sa mukha ko ay sadyang nakakapanindig balahibo para sa akin. What I realized that moment was Tennessee made my eyes fell for him. Lumunok ako saka ko sinabing, “Laro lang naman iyon. Wala namang—” “Pwede namang si Denmark o kahit na sino sa amin pero bakit ako?” muli niyang tanong na parang may iba pa siyang sagot na gustong makuha mula sa akin. “Laro lang kasi iyon, Tennessee. Sinabi—” “Paano kung hindi na iyon laro, Dasura? Ako pa rin ba?” My heart just really went wild. Para na iyong sasabog. Dagdag pa niya, “Sa aming lima, ako pa rin ba ang gusto mong pakasalan?” Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niyang iyon. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil napakaseryoso ng tono ng boses niya. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit parang napakalaking issue niyon para sa kaniya para ungkatin pa gayong laro lamang naman iyon. Pigil pa rin ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay malapit na akong atakihin sa puso. Mariin na lamang akong napapikit saka hinintay na tumigil siya sa p**********p sa akin. Mas mabuti na sigurong huwag na lang magsalita para hindi na ito humaba pa. “Labas na,” aniya at doon ay lumayo na siya sa akin. “Baka magalit pa sa akin ang boyfriend mo kapag nalaman niyang pinag-uusapan natin ang kasal.” Nagmulat ako ng aking mga mata at doon ay nakita kong nakaupo na siya sa kama habang nagpupunas ng kaniyang basang buhok. “Ano’ng sabi mo?” “Lumabas ka na kasi baka kapag hindi ka pa umalis dito ay baka magkaroon ka na ng sarili mong pamilya sa akin nang wala sa oras,” aniya sabay ngisi. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong napatakbo palabas ng kaniyang kwarto kahit nangangatog pa ang aking mga tuhod. Letse! Papatayin ako ni Tennessee sa kaba! Nanlalaki ang aking mga mata habang parang isang presong nakatakas sa kulungan na takot nang mahuli. “Dasura? Dasura! Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ka sumisigaw kanina?” nag-aalalang sambit ni Denmark na halatang tumakbo pa para lang mapuntahan ako. Habang sapo-sapo ang aking dibdib sa labas ng kuwarto ni Tennessee ay aking sinabi, “May... may ano...” “Ano’ng nangyari?” tanong ni Vien nang makalapit rin siya sa akin kasama sina Wolf at Quinn. Mayamaya’y sinulyapan ni Denmark si Tennessee doon sa kuwarto. “Tennessee? May alam ka ba kung ano’ng nangyari kay Dasura?” “Oo nga. Dasura, galing ka ba sa kuwarto ni Tennessee?” Napatingin ako roon sa apat saka ko nilingon si Tennessee na kalmadong nakatingin lang sa akin. Ni hindi man lang siya nagsalita kahit panay ang tanong niyong apat sa kaniya. “Wala,” usal ko saka tumayo nang maayos. “May ipis lang akong nakita kaya nagulat ako.” Iyon na siguro ang pinakawalang kuwentang palusot na naisip ko. “Ano? Ipis?” ulit ni Quinn sabay kamot sa ulo. “Paano nagka-ipis dito?” nagtatakang tanong naman ni Wolf. Naiintindihan ko naman sila kasi sino ba naman ang maniniwala na may ipis sa ganitong kagandang bahay? “Ano, sige na. Aalis na ako. May trabaho pa kasi ako,” sabi ko saka dahan-dahang naglakad palayo sa kanila. “Baka ma-late ako!” “Dasura? Ayos ka lang ba talaga?” pahabol na tanong pa ni Denmark sa akin. Tumango na lang ako saka nagdiretso palabas ng pinto. “Uy, Dasura!” Sa labis na hiyang nararamdaman ko ay tumakbo na ako nang tuluyan paalis sa bahay na iyon. “Ahh Dasura! Ano ba namang nangyayari sa’yo? Bakit ba trip na trip kang asarin ni Tennessee?” reklamo ko sa aking sarili saka pumasok sa loob ng aking bahay. Agad akong pumasok sa loob ng aking kwarto saka doon nagwala. “King Tennessee! Isa kang animal! Isa kang haliparot na nilalang! Nakakainis ka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD