Chapter 12

1207 Words
Makalipas ang dalawang araw na hindi ako nabisita sa bahay ni Tennessee ay naging mapayapa ang mga araw ko. Hindi ko naman maitatangging naiisip ko pa rin ang mga pinagsasabi niya sa akin kahit nasa grocery store ako at nasa trabaho pero malaking tulong na hindi ko siya nakikita o nakakasalubong. Universe perhaps helped me. Pagkatapos ng aking shift ngayong tanghali ay naisipan ko munang huwag umuwi. Tutal ay tanghalian na rin naman ay naghanap muna ako ng street foods. Bigla rin kasi akong natakam sa sa siomai. Habang naglalakad patungong food court ay bigla namang tumawag si Jayana na agad ko namang sinagot. “Jayana!” “Kumusta? Kumusta rin ang pagre-review?” tanong niya habang ngumunguya. “Kumain ka na ba?” Oo nga pala. Review? Marami akong oras pero nawawalan ako ng panahon para mag-review sa nalalapit na board exam. Nitong mga nakaraang araw kasi ay nawawalan ako ng pokus. Don’t get me wrong. My mind had been messed up even before I met the Epilogue, especially Tennessee. “Ayos lang naman ako,” I lied. “Katatapos lang ng shift ko ngayon at naghahanap ako ng food court na makakainan ng siomai. Tungkol sa review, may group review kami two weeks from now,” sagot ko sa kaniya. “Oh, great. Wait. Siomai? For lunch?” Tumango naman ako sabay sabing, “I’m craving for it.” Nang makarating ako sa siomai stall kung saan ako madalas bumili ay nag-order na ako. “Miss, siomai po!” “Miss, siomai please!” Kung tutuusin ay wala naman akong pakialam kung may ibang costumer akong makasabay sa pag-order pero dahil mukhang kilala namin ang isa’t isa ay nagkatinginan kaming dalawa. Lalaki siya at kahit in disguise siya ngayon, hindi ako puwedeng magkamali kung sino siya. He was wearing a cap, sunglasses, and a mask yet nakilala ko pa rin siya. “Steamed or fried?” tanong niyong tindera. Habang hindi inaalis ang tingin namin sa isa’t isa ay sabay pa naming sinabing, “Fried.” “Magkakanin ba kayong dalawa?” “Yes.” Iyon ang naging huling tanong ng tindera bago kami bumalik sa huwisyo ni Tennessee. Tama, si Tennessee nga. Agad kaming umiwas ng tingin sa isa’t isa. “Dasura? Dasura! Hoy! Nariyan ka pa ba?” Nang marinig ko ang sigaw ni Jayana mula sa aking telepono ay agad ko siyang binalikan. “Hello, Jayana,” tugon ko sa pinakamahinang boses na maririnig pa rin ni Jayana. Bahagya pa akong tumalikod kay Tennessee bago tinitigan si Jayana sa screen. “Pasensya ka na. May nakita lang ako.” “Kakain ka na ba?” tanong niya na walang ideya kung sino ang kasama ko ngayon. “Ah, ano. Hindi pa naman. Niluluto pa iyong order ko.” “Okay,” tugon niya. “Maiba ako. Kumusta naman kayo ni Papa Tennessee?” “Ano?” Sa taranta ko ay halos naubos ang volume ng cellphone ko dahil sa pagbanggit niya nang malakas sa pangalang iyon. “Hoy, ang ingay mo!” suway ko sa kaniya sabay mulaga. “Sus! As if namang maririnig niya?” Agad na humagikgik si Jayana pagkatapos niyang sabihin iyon. Alam niya kasi ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw kaya madalas din akong makatanggap ng mga pang-aasar mula sa kaniya. “Ano? Iniiwasan mo pa rin ba siya?” tanong pa niya. “Oo pero kasama ko... kasama ko siya ngayon.” “What?” “Kasama ko siya ngayon,” ulit ko sabay palihim na inangat niyong aking telepono para ipakita sa camera si Tennessee. Gayon na lang ang gulat ko nang makita kong nakatingin pala siya sa camera. Halos mahulog iyon sa aking kamay. Nakakahiya! “Omg! Si Tennessee nga!” “Ito na po ang order ninyo, Ma’am, Sir!” sambit niyong tindera kaya agad ko na ring naibaba ang tawag. Dahil sabay kaming umorder ay sabay din naming kinuha ni Tennessee ang tray ng aming pagkain. Tumikhim ako habang palihim na sumisipat ng mauupuan. “Hanap na lang po kayo ng mauupuan.” Paglingon ko sa tables ay puno ng costumers. Mayroon namang vacant sa pinakadulo na good for two persons kaso magkatabing upuan iyon. Hahakbang na sana ako para tumungo roon kaso naunahan ako ni Tennessee. Natuod ako sa gitna. Hindi ko kasi alam kung susunod ba ako roon o... wala akong choice. Muling nagtama ang mga mata namin at hindi ko maintindihan kung paano ko naunawaan ang mga tingin niyang iyon. Gusto niyang sa tabi niya ako maupo. Wala akong choice kung hindi ang sumunod sa kaniya dahil sa tabi niya nga ako mauupo. Wala na namang ibang mauupuan maliban doon dahil tanghalian talaga ngayon at oras ng kainan. Dahan-dahan pa akong naupo sa tabi niya habang abala na siya sa paghahalo ng kaniyang sawsawan. At kahit naalis na niya ang suot niyang mask ay hindi na siya makikilala dahil abala rin ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng araw na puwede naman siyang kumain dito ay ngayon pa na naisipan ko ring dito magtanghalian. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko na namalayan ang dami ng chilli oil na nailagay ko sa toyo-mansi na ginawa kong sawsawan. Pagkagat ko kasi sa siomai ay talaga namang agad na uminit nang husto ang aking labi at aking dila dahil sa anghang. Agad akong sumubo ng kanin. Kahit biglang umalis sa aking tabi si Tennessee ay hindi ko na iyon pinansin pa. “Letse! Ang anghang!” reklamo ko. “Oh.” Paglingon ko ay biglang may Chuckie akong nakita sa ibabaw ng aking tray. “You shouldn’t put a lot of chilli oil. Drink that. It’ll soothe your burning tongue,” sambit niya sabay upong muli sa aking tabi. Napatingin naman ako sa kaniya habang pinapaypayan ang aking bibig. Siya naman ay bumalik na sa kaniyang pagkain. “Salamat,” halos hindi na marinig na sambit ko saka tinusukan ng straw iyong Chuckie at ininom. Pagkatapos niyon ay natahimik kaming dalawa. Dapat iniiwasan ko siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang na magkatabi pa kami ngayon sa pagkain. “Is this your lunch?” aniya na nakapagbasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wow. Nagsisimula na siya ngayon ng conversation? Tiningnan ko siya at dahan-dahang tumango. “Ikaw?” tanong ko pabalik. “Yeah.” “Ah, oo nga pala. Mahilig ka nga pala sa fried siomai.” Hindi ko alam kung nagha-hallucinate na ba ako dahil nakita ko siyang bahagyang ngumiti. “Ah. I wouldn’t be surprised if you know that. Kahit nga naka-disguised ako, kilala mo ako e,” aniya na muntik pang makapagpasamid sa akin. So ano’ng gusto niyang palabasin? Na kilala at interesado ako sa kaniya? Timikhim pa ako bago ko sinabing, “Syempre, fan ninyo ako. Malamang, kilala ko na kayo... at least. Mga basics, gano’n.” Nakita ko naman ang kaniyang pagngisi. Aniya, “Basics ba iyong nakita mo na akong walang suot na kahit ano? For the record, ikaw lang ang fan na nakakaalam at nakakita na ng buong katawan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD