Chapter 13

1088 Words
“For the record, ikaw lang ang fan na nakakaalam at nakakita na ng buong katawan ko.” At dahil sa narinig ng dalawang tainga ko ay tuluyan na nga akong nasamid. Mas mainit pa ito sa pakiramdam kaysa sa sili sa aking pagkain. Habang tinatapik ang aking dibdib ay napatingin na lamang ako sa kaniya habang papaalis sa aking tabi dala ang kaniyang tray. Wala na rin akong nasabi pa dahil umalis na rin siya agad pagkabayad niya ng kaniyang kinain. Bakit ba gustong-gusto niya akong binibigla sa kaniyang mga litanya? Tapos bigla na lang siyang aalis? Napapikit na lamang ako sa inis at kaba habang sinisipsip ang natitirang laman niyong Chuckie. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na rin ang aking pinagkainan. Nang magbabayad na sana ako sa tindera ay agad niya akong inilingan. “Kanina pang bayad ang kinain mo, Miss.” “Po? E hindi pa naman po ako nagbabayad, ‘di ba?” sambit ko. “Binayaran na niyong kasama mong lalaki kanina bago siya umalis.” “Po? Lalaki? Mag-isa lang naman po ako e.” “Ah. Hindi mo ba kasama iyong lalaki kanina? Iyong halos nakatago na ang mukha pero kutis artista.” Artista? Nang maalala ko kung sino ang tinutukoy niya ay napatango na lamang ako at nagpasalamat. Agad rin akong naglakad papalabas ng food court para hanapin si Tennessee. “Bakit niya ba kasi binayaran iyong kinain ko?” bulong ko sa aking sarili habang lumilingon sa paligid. “May pera naman ako!” “Behind you, Dasura.” Nang marinig ko ang kaniyang boses ay agad akong pumihit sa aking likuran kung saan ay nakita ko siyang may dalang isang baso ng atay ng manok. “Hinahanap mo ba ako? Bakit?” tanong niya habang ngumunguya ng street food niya. “Ano... Bakit mo binayaran iyong kinain ko kanina?” tanong ko nang nakakunot ang noo. “Ah. Wala kasing barya kanina iyong tindera kaya sabi ko na ililibre na lang kita.” “May pera naman ako!” Lumunok siya sabay tingin nang seryoso sa akin. “Can’t you just say thank you?” Bahagya na lang akong napanganga nang bigla niya akong iniwanang nakatayo roon. “Tenne—” Isisigaw ko na sana ang kaniyang pangalan pero naalala kong hindi nga pala siya basta isang tao lang. Hinayaan ko na lang siyang mawala sa aking paningin. Nailing na lamang ako sa kaniyang inasta. Ano pa ba’ng magagawa ko? Ganoon yata talaga siya. Nang biglang umambon ay napatakbo ako sa pinakamalapit na masisilungan. Ang ambon na iyon ay mabilis na naging malakas na ulan. Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinupunasan ang aking mga braso habang nakasilong sa harapan ng isang malaking tindahan. “Move. Baka maulanan ka riyan.” Saktong palingon ko sa aking likuran ay saktong pagsusuot niya ng kaniyang cap sa aking ulo. Si Tennessee na naman. Ngayon ko lang napagtanto na para siyang kabute. “Akala ko umuwi ka na,” naibulong ko saka ko hinawakan iyong cap sa ulo ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay bahagya niya akong hinila palapit sa kaniya kaya naman agad na nanlaki ang aking mga mata. “Tennessee...” “My name is unique yet quite popular. Baka may makarinig sa iyo rito.” “Tss.” Agad akong lumingon sa aming magkabilang tabi. Panay mga taong nakikisilong rin dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan ang aming mga kasama. Nang bitiwan ako ni Tennessee ay nanahimik na lamang ako sa kaniyang tabi habang nagpapatila rin ng ulan. Nang mapagpasyahan ko sanang ibalik iyong cap niya ay agad niya iyong tinanggihan. “Itong cap mo—” “Just wear it. I’m fine.” Heto na naman siya. Ang pagiging bossy at cold niya na nakikisabay pa sa malamig na panahon. Palihim na lamang akong napasimangot. Makaraan ang ilan pang minuto ay narinig ko ulit siyang magsalita. “Are you avoiding me?” diretsang tanong niya sa akin na hindi maganda sa puso kong mabilis kabahan. “Ha?” “Hindi ka na pumupunta sa bahay. Denmark is wondering if you’re sick. But he was hesitant to approach you.” Si Denmark ba talaga o siya? “Hindi. Wala akong sakit. Busy lang. Saka bakit naman kita iiwasan?” nauutal na pagtanggi ko naman na sana ay kagatin niya. Napapikit pa ako dahil kinakabahan na naman ako sa pagiging prangka niya. “Really?” “Of course!” Sinungaling ka, Dasura! “Okay. Oh!” Halos masubsob ako sa dibdib ni Tennessee nang biglang may mga tumakbong kabataan sa harapan namin na nakisilong na rin. Sa dami nila ay naging siksikan na kami roon kaya naman ay halos mapisa na ako. “Better. It’s warmer now,” aniya. Nang tangkain kong umalis ay bagkus niyang hinigpitan ang yakap sa akin. “Just stay.” Tahimik kong tiningala si Tennessee nang maramdaman kong iniyakap na nga niya sa aking balikat ang kaniyang braso habang napako na ako sa kinatatayuan ko habang nakaharap sa kaniya. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso niya ngayong sobrang lapit ko sa kaniya. Iyong sa akin, halos nakikisabay din sa ritmo ng t***k ng puso niya. Sa mga sandaling iyon ay parang nasa kandungan ako ng aking ina. The feeling of being safe and secured. And I couldn’t get to know why did Tennessee suddenly acted like this. “Dasura...” “Ha?” “I’m just wondering,” aniya na sa malayo pa rin nakatingin. Kumunot lang ang noo ko at hinintay ang kasunod niyang sasabihin. “Does your boyfriend treats you well?” A bunch of memories suddenly hit me. Isang tanong, pero libong alaala ang nanumbalik sa akin. I swallowed. Pagkasabi niya niyon ay unti-unti niyang ibinaba ang tingin niya sa akin. Kahit hindi ko kita ang kaniyang mga mata dahil sa suot niyang sunglasses ay alam kong nakatingin siya sa mga mata ko ngayon. Ano ba’ng sasabihin ko? Sa halip na sagutin siya ay hindi ko na namalayan na unti-unti na ring umiinit ang gilid ng aking mga mata hanggang sa maramdaman ko ang mainit na tubig na pumapatak mula rito. “Yes,” sagot ko. “But your tears right now tells me that he’s not,” sambit niya na nagbigay ng dahilan para magpatuloy ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD