Chapter 14

1251 Words
Hindi aking bibig kung hindi aking mga mata na ang kusang sumagot sa tanong na iyon ni Tennessee. “Sorry. I should’ve not asked you,” aniya sabay tinapik nang mahina ang aking likod. Hindi ko magawang magsalita dahil baka mas bumuhos pa ang luha kong matagal nang naipon. Kung kailan patila na ang ulan ay saka pa ako nagdrama nang ganito. Unang beses na umiyak ako dahil kay Kyo. Tumungo ako at bahagyang lumayo kay Tennessee para magawa kong ayusin ang sarili bago umuwi. “Dasura—” “Sorry. Okay lang ako! Pasensya ka na.” Tinalikuran ko siya bago ko tuluyang pinunasan ang aking magkabilang pisngi. “Medyo tila na ang ulan. Ano... mauuna na ako—” “No.” Agad akong napigilan ni Tennessee mula sa aking pagtakbo paalis nang hawakan niya ang aking braso. “Uuwi na tayo,” aniya bago siya nanguna sa paglalakad habang hawak-hawak niya ako sa aking palapulsuhan. Gusto ko nang umuwi at wala na rin akong lakas para makipagtalo pa kaya hinayaan ko na lang si Tennessee. Sa buong byahe pauwi ay kapuwa kami tahimik lang. Nahihiya ako sa nangyari kanina dahil nakita niya kung paano tumulo ang aking luha. Hindi ko matantiya kung paanong sa isang tanong lang ni Tennessee kanina ay nagawa niyang basagin ang matagal ko ng binubuong pader para lang huwag akong umiyak. Dahil doon ay naalala ko kung paano pa mag-alala sa akin noon si Kyo, noong mga panahong alagang-alaga pa niya ako. “Alam mo Dasura, pinayagan lang kitang makipag-date pero hindi ang bastusin ka ng mga makaka-date mo. Gusto kong makakilala ka ng lalaking mag-aalaga sa iyo kaya hindi kita pinipigilan kung gusto mong makipag-date. Una palang, hinahawakan na lagi ng lalaking ‘yon iyang kamay mo. Tama ba ‘yon? Kaya para bitawan ka niya, tinatawagan kita o tine-text. Alam ko namang titingnan mo ang telepono lalo’t ako ang nambubulabog sa iyo.” “Ano’ng—” “Shut up! I’m not done yet. One more thing, wala naman sana akong balak magpakita sa inyo kung hindi niya pinatay ‘yang phone mo at pinilit ka niyang halikan e. Sinundan kita just to make sure na safe ka. Kaso walang kuwenta ‘yang ka-date mo.” Napaawang na lang bibig ko dahil sa mga narinig ko. “Kung ikaw na lang sana, e ‘di sana hindi na ako nakikipag-date kung kani-kanino,” bulong ko sa sarili ko na hinihiling kong marinig niya pero bingi siya. “Ano’ng sinasabi mo riyan?” tanong niya’t pinanlisikan pa ako ng mga mata. Tinaasan ko naman siya ng kilay bilang ganti. “Wala. Sabi ko, kunwari ka pa na walang pakialam pero concern ka naman pala. Susundan mo rin pala ako e,” pang-aasar ko sa kanya saka ngumiti nang malapad na labas ang gilagid. “Gusto mo bang pabayaan na lang kita?” Sumilay ang isang mapaklang ngiti sa aking mga labi pagkatapos niyon kasabay ang isang mabigat na paghinga. “Are you okay?” Nilingon ko si Tennessee na nakatingin lang sa akin. Tumango lang ako bilang sagot saka sinulyapan ang daan sa labas ng sasakyan. “Huminga ka lang nang malalim, kumapit ka lang sa akin. Huwag mo nang isipin ang sinasabi nila...” Unti-unti ay napalingong muli ako kay Tennessee na ngayon ay kumakanta sa aking tabi habang nakapikit ang kaniyang mga mata. “Mga luhang pinipigil, ibuhos mo lang sa akin. Ako ay mananatili sa iyong tabi. Tumingin lang sa aking mga mata...” Sa puntong iyon ay nagmulat na si Tennessee at nakita niya kung paano ko siya titigan ngayon. “Tahan na, Mahal ko. Hindi na magbabago ang pag-ibig ko sa iyo. Tahan na, Mahal ko. Hindi na maglalaho, ang pagmamahal sa iyo. Nandito lang ako...” I couldn’t believe that Epilogue’s Tennessee would be singing a song for me as he gently wipes away my tears. “Sabi sa kanta, tahan na. Pero bakit mas lalo kang umiyak?” mahinahon na tanong niya sa akin. “Is it because of my voice? Ugly, isn’t it?” Bahagya akong napangiti dahil sa tanong niyang iyon. Umiling ako pagkatapos sabay punas ng aking basang pisngi. “Kung pangit ang boses mo, e ‘di sana hindi ka miyembro ng sikat ng boy group ngayon?” “Well, the truth is, having a handsome face plays a great role to get a the spot quickly.” Agad naman akong napasinghap sa kaniyang sinabi. Sabi ko, “So sinasabi mong dahil guwapo ka kaya ka napabilang sa grupo?” “Of course,” sagot niya, “I’m just kidding.” Napuno ng mahihinang tawanan ang loob ng sinasakyan naming iyon dahil kay Tennessee. He definitely could make me cry and laugh. “Thank you,” sambit ko. “It’s not enough, Dasura.” “Ha?” “Answer me. Why would you marry me?” “Ano?” Ilang beses na akong ginawang bingi ni Tennessee dahil sa mga out of the blue na mga tanong niya. “Ano’ng sinabi mo, Tennessee?” “Mga apo, narito na tayo.” Marry him? Dahil sa nangyaring iyon ay napako ako sa kinauupuan ko. Nauna na ring lumabas ng sasakyan si Tennessee habang suot ang isang malaking ngisi saka agad na nagbayad. “Saka Hija, bakit nga ba gusto mong pakasalan itong lalaking ito? Pag-isipan mong mabuti dahil walang pag-asa ang divorce sa Pilipinas kapag nagkamali ka ng desisyon.” Kung ako napanganga na lang sinabi ni Manong driver, si Tennessee naman ay hindi mapigilan ang kaniyang sarili sa kaniyang pagngiti. “Manong, ako na ang nagbayad para sa magiging asawa ko kaya sana ay suportahan ninyo ang pagpapakasal namin,” natatawang sambit ni Tennessee habang iniaabot ang bayad doon sa driver. Dahil doon ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan. “Hoy, Tenne—” Hindi na ako nakaimik pa dahil agad siyang tumakbo papasok sa bahay niya at iniwanan ako roon sa kalsada habang gulat at kinakain ng hiya dahil sa mga pinagsasabi niya. “Naku, Hija. Mukhang pilyo yata iyong mapapangasawa mo. Pero huwag kang mag-alala! Lalaki rin ako at pinagdaanan ko na iyan. Ramdam ko na hindi ka magagawang saktan ng lalaking iyon. Salamat!” Tuluyan na akong napipi dahil sa pagiging uto-uto ni Manong driver. Mapapangasawa? Si Tennessee? Kasal? “Sabi mo kanina, gusto mo akong pakasalan. Bakit ako?” tanong niya kaya napalunok ako. Bahagya pa akong nagulat nang muli niya iyong inungkat. “Laro lang naman—” “Pwede namang si Denmark o kahit na sino sa amin pero bakit ako?” muli niyang tanong. “Laro lang kasi iyon, Tennessee. Sinabi—” “Paano kung hindi na iyon laro, Dasura? Ako pa rin ba?” Ramdam ko ang pangisi niya dahil sa tono ng kaniyang boses. Dagdag pa niya, “Sa aming lima, ako pa rin ba ang gusto mong pakasalan?” “Lumabas ka na kasi baka kapag hindi ka pa umalis dito ay baka magkaroon ka na ng sarili mong pamilya sa akin nang wala sa oras,” aniya sabay ngisi. Agad kong nagulo ang aking buhok matapos kong maalala ang ginawa niya sa akin doon sa loob ng kaniyang kuwarto. As if namang may nangyari—ahh! Nakaalis na at lahat si Manong ay hindi ko pa rin makain ang lahat ng imbentong kuwento ni Tennessee. Letse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD