Padabog akong naglakad papuntang apartment matapos akong takbuhan ni Tennessee at iwanang nakanganga sa kalsada.
Agad akong nagkulong sa aking kuwarto saka nagsisigaw, nagtatadyak at nagwala dahil sa sobrang inis ko. At dahil hindi ako makahinga nang maayos ay inalis ko ang aking suot-suot na b*a dahil sa pagkairita. Nahiga ako sa pumikit.
“Bakit ako, Tennessee? Bakit mo ako napiling pahirapan? Bakit? Ano ba’ng ginawa ko? At saka ano’ng sinabi mo? Kasal? Tayo? Magpapakasal?” hiyaw ko sabay itinapon iyong sombrero niya sa kama.
“Galit ka tapos mamaya, mang-asar! Madalas masungit ka tapos bigla-bigla ka ring babanat ng mga kaepalan mo sa buhay! Letseng biro iyan. Mabuti sana kung—”
Agad akong napatahimik nang may biglang kumatok sa pintuan. Ni walang nagsasalita mula sa labas kaya agad kong tinungo iyon at binuksan.
Speaking of the devil.
“Tennessee?” nauutal ko pang banggit sa kaniyang pangalan nang makita ko siya sa labas ng pinto. “Bakit?”
“I forgot something,” aniya. “Give me back my...” Bigla naman siyang napahinto sa kaniyang pagsasalita na siyang ipinagtaka ko. Habang nakatitig ako sa kaniya ay kitang-kita ko ang pagbaba ng kaniyang tingin.
“Ano? Ano’ng kailangan mo?” halos may halong inis na tanong ko.
“Why so cranky?” aniya kaya agad na napataas ang aking kilay.
“Why so cranky?” naiinis na ulit ko saka namaywang pa.
Agad siyang tumalikod mula sa akin sabay sabing, “Iyong sombrero ko sana, kukunin ko. Dalhin mo na lang sa bahay, but make sure to wear your b*a first.”
Pagkasabi niya niyon ay agad siya tumakbo paalis pabalik sa kaniyang bahay. Ni hindi na niya ako nilingon pa. Sa gulat ko naman ay hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Namimilog ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.
Wear your b*a first.
Wear your b*a first.
Wear your b*a first.
Para iyong sirang plaka sa utak ko. Nakakapanlumo! Napalunok pa ako bago dahan-dahang tiningnan ang suot ko at viola! Agad akong napasigaw saka agad na sinaraduhan iyong pinto.
“Wala akong b*a! Wala nga akong suot na b*a habang kaharap ko si Tennessee kanina! Nakita niya? Nakita niya ba talaga ang bakat na u***g ko? Ahh!”
Halos mabutas iyong aking unan sa kakakalmot ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam; inis, hiya, gulat. Muling bumaba ang tingin ko sa parteng dibdib ko at talagang humarap nga ako sa lalaking iyon na bakat ang aking u***g.
“Letse! Hindi ko naman hiniling na makita siyang hubo’t h***d! Bakit kailangan namang makita niyang bakat ang u***g ko? Ano ‘to, give and take?”
Sa inis ko pa ay marahas kong kinuha iyong cap ni Tennessee na nasa ibabaw ng kama ko saka iyon tinitigan nang masama.
“King Tennessee La Vega!” naiinis pang sigaw ko sa buo niyang pangalan saka pabagsak na nahiga sa kama.
“Sige. Fine! Ibabalik ko lang ito sa iyo tapos iyon na! Tapos na ang usapan! Huling beses na akong pupunta sa bahay na iyon!”
Tumayo ako saka nag-ayos. Isinuot ko na rin ulit iyong kanina ay hinubad kong b*a saka humugot ng isang malalim na paghinga. Humarap pa ako sa salamin bago binigyan ng dalawang thumbs up ang aking sarili.
“Pupunta ka lang doon para ibalik ang sombrero niya tapos uuwi agad at hindi na babalik pa roon! Okay!”
Taas-noo akong naglakad palabas ng apartment patungo sa bahay na iyon. Ano ba’ng dapat kong ikahiya? Nakadamit naman ako kanina. Bakat na u***g lang naman iyon!
Ngumiti pa ako sa harap ng pinto ng bahay niya bago ko iniindayog ang aking kamay para sana kumatok. Handa na sana ako sa unang pagkatok nang bigla naman iyong bumukas.
“Dasura!”
Masayang pagbati agad ni Denmark ang bumungad sa akin. Kinakabahan man ay pinilit ko pa ring ngumiti.
“Kumusta? Ayos ka lang ba? Ilang araw ka ring hindi pumunta rito sa bahay. May problema ba?” sunod-sunod pa niyang tanong sa akin.
Iyong tapang ko kanina ay biglang nawala lalo pa nang masipat ko na si Tennessee sa likuran ni Denmark na papalapit na sa amin.
“Teka, pamilyar iyang sombrero na iyan.”
“Ha?”
Hinawakan ni Denmark iyong sombrerong nasa kamay ko habang kunot-noong inaalala kung kanino nga ba iyon. Binitiwan ko na rin iyon dahil mukhang kilala niya kung kanino talaga iyon.
“Dasura.”
Kapuwa kami napalingon ni Denmark kay Tennessee nang tawagin na niya ang pangalan ko. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Parang isang naglalakad na glue si Tennessee sa mga mata ko.
“Oy, Tennessee! Hindi ba’t ganito iyong cap mo? Iyong paborito mong suotin?” usisa ni Denmark na ipinakita pa iyong cap sa kaniya. Iwinagayway pa niya iyon sa ere.
“Akin iyan,” sagot ni Tennessee kaya napalunok ako.
“Sa iyo?” Nilingon ako saglit ni Denmark saka ibinalik ang tingin kay Tennessee. “Paano napapunta kay Dasura? Parang kanina lang, nakita ko itong suot mo bago ka lumabas—sandali.”
Muli akong nilingon ni Denmark suot ang isang mas nagtatakang ekspresyon.
“Ano?” nauutal kong tanong dito.
“Kasama mo si Tennessee kanina? Magkasama kayo kanina?” aniya.
Makailang beses akong napakurap. Ang bilis naman niyang manghula kung ano ang nangyari!
“Ano kasi...”
“Tama ba ako? Magkasama nga kayo kanina?”
“Sino’ng magkasama kanina?”
Agad kaming napalingon sa gawi kung nasaan sina Vien, Wolf, at Quinn.
“Ito kasing sombrero ni Tennessee, na kay Dasura. Hindi ba at suot-suot ito ni Tennessee kanina bago lumabas?” anunsyo ni Denmark doon sa tatlo.
“Oo. Nakita ko ngang suot iyan ni Tennessee kanina. Bakit, ano ba’ng nangyayari?” tanong ni Quinn na lumapit pa sa amin.
Ano ba? Ang big deal naman nito! Iyong bibig ko, hindi makabuka dahil hindi maproseso ng aking utak kung ano ang dapat sabihin.
“Ganito kasi—”
“Yes. I was with Dasura earlier,” sambit ni Tennessee. Nilingon pa niya kaming lahat bago pa niya sinabing, “Nag-date kami.”
Ha?