“Dasura...” Dahilan iyon para kumabog na naman nang malakas ang aking dibdib. Letse talaga! Bakit ba ako kinakabahan sa kaniya? Dahan-dahan ay nilingon ko siya. “Happy birthday ulit,” sabi niya, “kahit late na.” Mariin akong tinakluban ng unan ang aking mukha dahil kilig na hindi ko maitago sa aking sarili. Siya pa rin si Tennessee ng sikat ng Pinoy Pop group kahit ang sungit niya sa akin. “Bakit ba pareho sila?” naibulong ko na lamang sa aking sarili nang maalala ko kung gaano sila nagkakapareho ni Kyo. “Sino?” “Ha?” Pagtunghay ng aking ulo ay hindi ko na namalayang nakaharap na pala sa akin si Tennessee at nakatingin. “Sino’ng kapareho ko?” ulit niya. Agad akong napatakip sa aking bibig nang mapagtanto kong narinig pala niya ang aking sinabi. Umiling ako pagkatapos. “I couldn’

