As soon as my hand touched his arm, parang ako iyong nakuryente. Pero dahil ito na ang pagkakataon para makausap ko siya ay ipinagwalang-bahala ko na lamang iyon. Dahan-dahan ay bumalik si Tennessee sa pagkakaupo niya sa tabi ko habang nakahiga ako at nakahawak pa rin sa kaniyang braso. “Ano?” malamig niyang tugon. Dahan-dahan naman akong bumangon nang hindi siya binibitawan. “Ang sweet mo sa parteng kinukumutan mo ako pero bakit ang sungit mo na naman ngayon?” agad kong tanong. Napabuga siya ng hangin dahil sa aking tanong. Was I too straightforward? Aalis na sana siya nang muli ko siyang pigilan. “Bitiwan mo na ako,” utos niya pero hindi ko siya pinakinggan. Napanguso ako. “Ano kasi...” “Umuwi ka na. Huwag ka nang matulog dito sa sala.” “Tennessee... kasi...” “Ano? Bitawan mo na

