Chapter 17

1257 Words
11 years ago... It’s twenty-one minutes after 8 in the morning. As what our English teacher told us, I went to the library with my classmates to finish our seatworks. Required na sa isang table, apat lang na tao ang pwedeng mag-occupy niyon. As usual, iyong tatlong itlog ang kasama ko sa table. I mean, sina Macalintal, Sy, at Fuentes. Wala namang big deal, purong kaibigan lang dahil lahat sila ay may mga kasintahan na. Kani-kaniyang usap, kani-kaniyang business. Kaming apat, puro cellphone lang ang hawak. Iyong iba naman, nagku-kuwentuhan kaya madalas masita dahil napapalakas ang ingay. Lumingon ako sa gawing kanan ko nang mapansin ko si Kyo, kaklase ko rin. Although mga pogi naman itong tatlo kong kaibigan, si Kyo iyong isa sa una kong napansin noong first day of school ngayong high school na ako. He’s cute. At kitang-kita ko iyon kahit dalawang table ang layo niya sa akin. Akala ko ay hindi niya na ako mapapansin pa kaso sa pambihirang pagkakataon ay nakipagtitigan siya sa akin. Bahagya akong tumungo bago ko alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Dahilan iyon upang bahagya akong mapangiti. Wala naman kasing makakapansin niyon dahil naka-face mask ako dahil sa pagkakaroon ng sipon. Habang nagsusulat ay hindi ko mapigilan ang aking sariling hindi muling tingnan si Kyo. Sa huling pagkakataon ay muli akong sumulyap sa kaniya at nakita ko kung gaano siya kaguwapo sa tuwing ngumingiti siya. Mula sa aking puwesto ay kitang-kita ko ang paglabas ng kaniyang biloy sa pisngi. “Dasura, hindi pa ba sapat sa iyo sina Macalintal, Sy, at Fuentes? Pati si Kyo ay sinisipat mo na rin ngayon—” “Hoy, ano ka ba! Baka may makarinig sa iyo!” Agad kong hinila ang presidente ng aming klase sabay takip sa kaniyang bibig nang mapansin niyang nakatingin ako kay Kyo. Naglalakad kasi siya at nagmo-monitor sa amin. Dahilan iyon para tawanan ako ng katabi kong si Sy. “Crush mo?” nangingiting tanong ni Sy sa akin dahilan para muling sumulyap ang mga ngiti sa aking labi. “Madaming laman ang wallet niyan,” sabi ni Macalintal kaya agad siyang nakatanggap ng sapak mula kay Fuentes. Pagbaling ng tingin sa akin ni Fuentes ay kaniyang sinabi, “Kung crush mo, go lang. Wala naman iyang girlfriend. Support kami!” Muli naman akong napatingin kay presidente nang sundutin niya ang pisngi ko. “So ano, crush mo nga si Kyo?” “Puwede na,” agad na sambit ko kaya nakatanggap ako ng kurot at hampas mula sa kaniya. “Malandi!” Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan ang mukha ng unang lalaking naging crush ko. Isang buwan. Isang buwan na rin ang nakalilipas nang magsimula ang pasukan. Ginagawa kong tambayan ang library kapag vacant hours. Katulad ngayon. Bukod sa librarian ay ako lang mag-isa ang nasa loob. Sumubsob ako sa lamesa dala ng antok at sama ng pakiramdam. Ngayong mga nagdaang mga araw kasi ay hindi ko maintindihan kung bakit malimit akong dapuan ng sakit. Maya-maya pa’y nakaramdam ako ng pagbahin. “Hachoo! Hay letseng sipon naman—ay sipon!” Pagmulat ng mga mata ko ay nasa harapan ko na pala si Kyo. Nakaupo siya sa aking harapan at nakatingin siya sa akin. Dahilan iyon upang mapaayos ako ng aking sarili. “Kyo? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. “Binabantayan ka,” agad na sagot niya. Ni ngiti ay hindi niya ginawa. Nang mapa-ubo ako sa kaniyang sinabi ay bahagya siyang natawa. “Okay ka lang?” “Teka, ano? Bakit mo naman ako binabantayan?” “Ah. Binabantayan kita kasi baka masita ka. Bawal kaya matulog dito sa library,” aniya sabay tingin sa librarian. Napasimangot ako nang maalalang bawal nga ang matulog sa loob ng library. “Nagpasa lang ako ng project nang makita kita ritong nakasubsob.” “Ah.” Napakamot ako sa aking batok nang hindi makatingin sa kaniya. “Ayaw mo bang pumunta sa clinic?” “Ha? Ah, hindi na—hachoo!” “May sakit ka na naman. Get well soon, Dasura” sambit ni Kyo habang nakangiti sa akin na agad ko namang nginitian pabalik. “Thanks. I will get you soon,” halos pabulong na sabi ko na nakapagpakunot sa kaniyang noo. “Ano?” “Wala. Sige na. Bibili na lang ako ng tubig sa canteen. Tubig lang, okay na. Salamat sa pagbabantay. See you around!” pansamantalang pamamaalam ko sa kaniya. Dahil sa pagiging pilya at masiyahin ko ay naging kaibigan ko rin si Kyo. Wala siyang ideya na hinahangaan ko siya at iyon ang minsang kinaiinisan ko tungkol sa kaniya. Manhid. Pagtuntong namin ng Senior high school, si Kyo na lamang ang kaibigang lalaki na aking naging kaklase. Sabay-sabay na kasing lumipat sa ibang paaralan sina Macalintal, Sy, at Fuentes. “Dasura!” Agad akong napalunok nang marinig ang galit na boses ni Kyo. Mula sa pagbro-browse sa aking i********: account ay dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran kung saan ko siya narinig na sumigaw. “Dasura, I’ll count 3. Kapag hindi ka pa lumapit sa akin—” “Ito na nga! Lalapit na ako! Huwag ka nang magalit! I love you!” Halos madulas ako sa loob ng classroom makatakbo lang papalapit sa kaniya. Mukhang pikon na talaga siya dahil agad niyang pinitik ang aking noo makaraang makalapit na ako sa kaniyang harapan. “I love you? I love you?” nakataas na kilay na sambit niya sa akin. “Kadiri kayong dalawa! Tigil-tigilan ninyo nga iyan!” sigaw ni Jayana, ang babaeng naging kaibigan ko magmula nang nagsimula ang Senior days. “Si Dasura lang. I didn’t even say it back to her.” Agad kong inambahan ng sapak si Kyo makaraang sabihin niya iyon. Naging dahilan kasi iyon upang lalo akong tawanan ng mga kaklase namin. “Napakasama mo talagang kaibigan!” singhal ko sa kaniya sabay irap. “Stop whining. Tapusin mo na iyang report mo kung ayaw mong i-report kita sa pagiging tamad mo,” aniya saka niya ako iniwanan. Dala ang mga papel na ipinasa ng aking mga kaklase sa kaniya ay bumalik na siya sa kaniyang upuan. “Sungit!” asik ko sabay hablot niyong aking papel na wala pang kalahati ang nakasulat. Marami nang nagbago kay Kyo maliban sa magkaibigan pa rin kami. Naging masungit siya at bugnutin. “Palagi mo na lang ginagalit iyang kaibigan mo. Napakapasaway mo naman kasi! Tandaan mo, si president iyan. Yari ka,” natatawang sabi ni Jayana sa akin nang lapitan niya ako. Napanguso na lamang ako bago ko sinamaan ng tingin si Kyo na busy sa pagbabasa ng libro. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa puberty o sadyang masungit lang talaga si Kyo. Mas active siya ngayon academically kumpara noon. Palagi siyang officer at halos palaging tawag ng mga teachers kasi matalino. “Ewan. Bahala siya. Diyan ka na! Tatapusin ko pa ang report ko.” “Patawarin mo na. Crush mo naman e.” Tama. Hanggang ngayon ay crush ko pa rin si Kyo na lumalaking may sungay. Halos apat na taon ko na rin siyang gusto at ni minsan ay hindi ko inamin iyon sa kaniya. “Pag-iisapan ko na kung dapat na ba akong mag-change crush!” “Gaga!” At doon ay bumalik ako sa aking upuan upang tapusin ang report na ipinagagawa ng kamahalang Kyo. Letse! Pero pagtuntong namin ng college ay napagtanto kong hindi naman pala mahirap paaminin si Kyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD