Lumipas ang ilang araw at naging malubha ang batang si Totoy. Kinailangan nitong sumailalim sa blood transfusion dahil patuloy na bumababa ang platelets nito. Dahil doon ay dumoble ang bills nila sa ospital kung kaya pinahanap niya ang asawa ng mauutangan ngunit bumalik itong bigo. Apparently ang mga kaibigan na laging kasakasama sa inuman, ni isang kusing ay hindi man lang tumulong sa kanila. Kung kaya siya naman ang lumakad. Lumapit siya sa mga kaibigan at kamag-anak, nakakuha siya ng pera pero hindi rin sapat. Doon niya naisip na pumunta ulit kay Kagawad Eric.
“Sir, nasa loob po si Amanda, hinihintay kayo,” bungad ng security guard nito ng dumating ito alas singko na ng hapon.
Kumunot ang noo ng Kagawad. Hindi naman ngayon ang schedule ng pagpapalinis nito ng bahay at sa ganitong oras ay napaka-unusual na pumunta roon ang babae. Dagli nitong hinanap si Amanda sa sala at kusina ngunit hindi nito iyon natagpuan doon. Hanggang sa mapadpad ito sa kuwarto at mula roon ay rinig nito ang lawiswis ng tubig na nanggagaling sa bathroom nito. Pumasok ito roon at bumungad agad rito ang hubo’t hubad na babae, naliligo sa shower room ng banyo.
Napamaang ang Kagawad habang pinagmasmasdang mabuti si Amanda. The way na kumilos ito ay para bang inaakit nito ang lalaki upang sumamang maligo sa loob ng shower room nito. Hindi naman ito tumanggi sa paanyayang iyon. At sa mga sumunod na sandali, sa parteng iyon ng bahay ng Kagawad ay muli nilang pinagsaluhan ang init ng kanilang katawan.
“Amanda, gusto mo bang pag-usapan natin kung ano ang bumabagabag sa kalooban mo?” tanong na nito sa babae nang simula pa kanina ay wala na itong imik.
Kasalukuyan na sila noong nagbibihis ng kani-kaniya nilang damit.
Hindi lang naman siya sumagot.
“Amanda, I know this is not who you are. Naintindihan ko na nadala ka lang sa akin noong nakaraan, pero ngayon? Sabihin mo sa akin, may problema ka ba? May problema ba kayong mag-asawa?”
Sa itinanong nito ay doon na siya napahagulhol sa pag-iyak.
“Ang anak ko po Kagawad, na-dengue, kailangan ko po ng malaking halaga para pangbayad sa ospital,” kumpisal niya dito. “I'm sorry po, pero ito lang ang naisip kong paraan para magkaroon ng pera,” sa pagsasabing iyon ay naiyuko niya ang mukha sa naramdamang hiya.
“Amanda,” sambit nito sa pangalan ng babae dahil rin sa prustrasyon sa narinig mula rito. “I am grateful sa nangyari sa atin. Alam mo na may pagtingin ako sa iyo. Pero hindi mo kailangang gawin iyon. Tutulungan naman kita kahit walang mangyari sa pagitan natin,” malumanay na saad ng lalaki.
Napaitaas niya ang mukha at itinutok ang paningin dito.
“Mahal kita. Willing akong tumulong kahit walang kapalit,” sinserong wika ng lalaki.
Ang mga salitang iyon na binitawan ng Kagawad ay baon baon niya kalakip ang malaking halagang nasa kamay niya ngayon. Ewan ba kung bakit paulit ulit na tumatakbo iyon sa kanyang isipan, hindi lang iyon, tumatagos rin ang mga salitang iyon sa kaibuturan ng kanyang puso. Na-realize niya may tao pa lang ganoon. Willing magbigay ng walang hinihinging kahit anong kapalit. Willing magmahal kahit pa alam nitong may asawa na siya at willing magpagamit kahit pa sa huli ay wala rin itong mapapala. Teka, wala nga ba talaga itong mapapala sa kanya eh kanina lang may naramdaman siyang saya sa puso niya habang ibinibigay ang sarili sa lalaki.
***
“Ang daming pera nito ah. Kanino ito galing?” tanong ni Ricardo sa kanya nang makapasok siya sa unit na pinaglalagakan kay Totoy sa ospital.
“Kamusta na si Totoy?” tanong niya lang na binalewala ang katanungang iyon ng asawa.
“Bumubuti na ang pakiramdam niya. Sabi ng doctor kapag bukas ay bumalik na sa normal ang platelets count niya at wala nang makitang problema sa dugo niya ay pwede na siyang umuwi.” saad pa nito.
Gumaan ang loob niya sa narinig mula sa asawa. Muli ay pinakatitigan niya ang bata na kasalukuyang may oxygen pa ring nakapasak sa ilong at bibig.
“Diyan ka muna. Bantayan mo muna ang bata at magbabayad lang ako ng bill natin. Pwede bang umuwi na muna ako para makapagpahinga? Bukas na ako babalik,” paalam nito.
Hindi na siya umiimik pa. Kumuha na lang siya ng katiting na pera mula sa hawak nito para may magastos habang nasa ospital.
***
“Five thousand na lang ang natira sa fifty thousand na ibinigay ko sa iyo kagabi?” bulalas niya pagbalik ng asawa kinabukasan. Tanghaling tapat na ito nakarating.
“Siyempre! Malaki kaya ang bills ni Totoy. Binawasan mo pa ng limang libo kagabi, tapos kumain pa ako sa labas bago umuwi sa bahay para diretso na akong makapagpahinga,” sagot naman ng lalaki.
“Magkano ba ang bills?” tanong niya ulit dito.
“Eh, naiwan ko sa bahay ang resibo, pero okay na, binayaran ko na pati yung iba pang gagawing test sa kanya ngayong araw,” saad lang nito kasabay ng pagkamot sa ulo.
Nakaramdam siya ng relief sa sinabi nitong bayad na ang follow up test na gagawin sa anak ngayong araw na ito ngunit bigla ring nag-init ang ulo nang maamoy niya ang hininga ng lalaki. Bagong ligo itong pumunta roon pero amoy alak ang bibig nito.
“Uminom ka kagabi?” bakas ang galit sa mukha niyang tanong.
“Hindi ah! Nasa ospital si Totoy mag-iinom pa ba ako?” agad itong tumalikod nang pabulaanan ang parang niya.
Tiningnan lang niya ito ng masama. It was obvious na nagsisinungaling ang lalaki. Ayaw niya lang gumawa ng eksena dito dahil nasa public area sila. Pero once na malaman niya na nagawa pa nitong uminom sa kabila ng kalagayan ng anak at ng financial status nila, hindi niya alam kung anong magagawa sa lalaki. Everyday na lang ay malaki ang nababawas na pagmamahal niya dito.