bc

Ang EXTRA SERVICE ni AMANDA

book_age16+
84
FOLLOW
1K
READ
family
like
intro-logo
Blurb

Mahirap lang si Amanda at ang sarili nitong pamilya. Mapagmahal itong ina sa anak at mabuti sa asawa. May prinsipyo ito na kailanman, kahit na puro sakit sa ulo lang ang hatid ng asawang si Ricardo ay hinding hindi niya ito pagtataksilan kailanman. Hanggang sa magkasakit ang anak na si Totoy at maibigay niya ang extra service na kailangan ng amo niyang si Eric, isang Kagawad sa kanilang lugar.…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Tyang!” humahangos siya habang habol ang tiyahin na noon ay kasalukuyang naglalakad sa gilid ng kalsada. Pansin niya na may bitbit itong isang bayong sa kaliwang kamay, mukhang patungo ito sa palengke noong umagang iyon. Mabuti na lamang at nakita niya ito bago pa siya dumiretso sa bahay nito kun’di ay hindi niya sana ito naabutan. “Oh, Amanda! Kamusta?” tanong nito na huminto nang makita ang babae. “Eto po, balisa na naman. May sakit na naman po kasi si Totoy. Nagkataong tatlong araw nang walang pasok si Ricardo kaya gipit po kami ngayon. Pwede nyo po ba akong pautangin? Kahit pangbili lang po ng gamot,” walang paligoy ligoy niyang saad. Bagamat may hiyang nararamdaman ay kinapalan na lamang niya ang mukha. “Nako, pa’no ba yan eh nakabudget na ang pera ko para sa ulam namin ngayong buong maghapon. Wala akong maipapahiram sa iyo,” saad naman nito na tila biglang namroblema rin. Nailaglag niya ang mga balikat sa narinig. Paano ba ito at kailangang-kailangan niyang makadelihensya ng pambili ng gamot dahil ayaw na niyang tumaas pa ang lagnat ng anak sa kadahilanang sa tuwing nangyayari iyon ay kinukumbulsyon ito. “Nasaan ba ang asawa mo? Papuntahin mo sa palengke. Nabanggit kasi ng kumare ko noong isang araw na nangangailangan siya ng kargador, baka pwede niyang pasukan iyon habang wala pa siyang trabaho,” suhistyon nito. “Ay naku, Tiya. Ayun hanggang ngayon tulog pa rin. Lasing ho kasing umuwi kagabi,” sagot niya naman. “Ano ba ‘yan si Ricardo! Wala na nga kayong pera may gana pa siyang mag-iinom!” Hindi na lang din siya sumagot. Paano’y parehas lang sila ng reaksyon ng tiyahin tungkol sa pagiging iresponsable ng asawa, at hindi niya ito kailanman kinunsinti. Ang totoo ay iyon ang palagi nilang pinag-aawayan. Katiting na nga lang ang perang iniaakyat nito sa bahay nila, nagtatabi pa talaga ito para makapag-ambag sa pangbili ng alak sa tuwing nakikipagkita sa mga kaibigan. Minsan nga ay gusto niya na itong layasan. May mas malasakit pa kasi ito sa mga kabarkada kesa sa kanila na sarili naman nitong pamilya. Kung sana’y pwede na siyang bumalik sa pagiging isang sales lady na naging trabaho niya dati para lang matustusan ang mga pangangailangan nila, ay ginawa na niya. Kaya lang ay masyadong maliit pa ang anak. Pero sa kabila noon ay pilit pa rin siyang dumidiskarte. Paminsan minsan ay sumasideline siya sa pagiging on call labandera. Nagkataon lang na walang nagpapalaba noong araw na iyon. Napapa-iling lang ang Tiyahin sa kaawa-awang itsura niya. Gusto man nitong tumulong ay wala rin itong maipahiram na pera. Nang maya-maya pa ay biglang tumunog ang telepono nito. Kinuha nito iyon at binasa ang text messages na katatanggap lamang. “Ito, tamang tama. Si Kagawad, naghahanap ng maglilinis ng bahay niya. Baka gusto mo.” alok nito sa pamankin. “Hindi ako pupwede ngayon araw dahil walang magbabantay sa tiyuhin mo. Nirarayuma kasi at hindi makalakad,” dugtong pa nitong saad sa pamankin. “Ay sige po. Ako na lang po muna Tiya. Kailangang-kailangan ko lang po talaga ng pera,” biglang nabuhayan naman ang loob niya sa narinig. “O sige. Ipapaalam ko lang sa kanya na ikaw ang pupunta. Mabait naman iyon si Kagawad. Maganda rin magpasahod basta ayusin mo lang ang trabaho mo,” abiso nito. “O sige po,” tango niya. “Ngayon na po ba?” sunod niya pang tanong. “Oo, ngayon na. I-text ko na lang sa iyo ang address. Madali lang naman hanapin ang bahay niya. Walking distance lang din galing sa palengke,” paliwanag pa nito. “Sige po, maraming maraming salamat po Tiya ha. Malaking tulong po ito sa amin,” sinsero niyang saad. Sandali pa silang nagkausap ng Tiyahin at nang matapos ay pumara na ito ng tricycle. Samantalang siya naman ay dali-daling bumalik sa bahay para makapagpalit ng damit. “Ricardo, aalis muna ako. Mangdidilihensya lang at wala na tayong pang ulam mamayang gabi!” saad niya habang tinatali ang buhok. “Hoy!” tapik niya sa balikat ng lalaki na alas nuebe na ay nakahilata pa rin sa higaan. “Bantayan mo si Totoy ha! Pakainin mo at painumin ng gamot. May lagnat na naman ang bata! Nasa ibabaw ng lamesa ang gamot niya, huwag mong kakalimutan!” saad niya na ang tinutukoy ay ang katiting na likidong natitira sa maliit na botelya na nasa ibabaw ng lamesa. Last dosage na iyon. Ang totoo ay pinaghati niya ang isang dose para lang may mainom ang bata maya-maya. Umungol lang ang lalaki na wari ba ay nainis pa sa pagtapik ng asawa kung kaya umiba ng pwesto ng pagkakahiga. Pinuntahan niya naman ang dalawang taong gulang na bata na himbing rin sa pagkakatulog sa loob ng crib. Sinalat niya ang noo nito, nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang bumaba na ng kaonti ang init ng katawan ni Totoy, marahil ay tumalab na ang gamot na ipinainom niya dito kani-kanina lang. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpasya na siyang gumayak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook