Sabi nga nila when it rains it pours. Ito ang eksaktong situasyon ng Cebu expansion project nila Spencer. Almost 2 months ago ay naharap sila sa plagiarism issue, at nitong nakaraan linggo naman ay nagkaroon ng aksidente sa site. May isang parte ng tinatayong building ang di inaasahan nagcollapse. Kinailangan lumipad ng buong team dun para magimbestiga sa totoong nangyari. "Babe you cannot go" Madiin na sagot ni Spencer kay Chloe habang nagaayos ng mga gamit niya. "At kahit payagan kita hindi ka rin papayagan ng airline na sumakay kaya please wag na makulit?" Haplos pa nito sa buhok niya habang nakaupo ito sa kama. "Andyan naman si Captain Villaflor" Nakangusong sagot ni Chloe "Chloe you know that you could be due anytime diba? Remember your doctor's word?" Paalala ni Spencer sa kanya.

