Halos magdadalawang linggo na mula ng malaman nila ang tungkol sa magandang balita dala ni Chloe para sa pamilya nila. Kung dati ay hindi pa masyado halata ang mga sintomas ni Chloe ngayon ay mas nahahalata na ito. "Spencer parang tumataba ka na" Komento ni Chloe habang kumakain sila ng meryenda nila sa isang restaurant Nasamid naman dun si Spencer kaya agad siyang inabutan ng tubig ni Chloe. "Seryoso ka?" Parang di makapaniwalang tanong ni Spencer She nodded. Sabay na natawa at nailing nalang si Spencer. "Mag gym ka nga!" Utos ni Chloe sakanya "Regular pa rin naman ako naggygym ah, well minsan nagiging twice a week lang nga pag busy "Depensa naman ni Spencer "Wait tamang tama ayan na pwede natin maging judge." Salubong ni Spencer sa bagong dating. "Bro! Janelle! May itatanong ako sai

