Meet a new?

1178 Words
SWEETZHELLE POV Argh! Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Ano ba nangyari? Ahh! Naalala ko na, nanaginip pala ako na nakita ko ulit si Mhea. Dahan-Dahan akong tumayo sa kama ko at minulat ang mata ko. "Mabutit gising ka na." Tuluyan naman akong nagising nang marinig ko ang boses lalaki sa likod ko. Bumaling ako sa kanya. "W-Who are you?" tanong ko dito. Inayos naman niya ang salamin niya sa mata at tiningnana ako. "I'm Dr. Troy, natamaan ka kanina habang may ginagawa ang mga studyante sa gubat." Gubat? Ibig sabihin, hindi ako nanaginip? Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. No! Hindi ako pwedi dito. Gusto kong umalis, kung sino man ang dahilan kung bakit ako nandito. Kailangan ko siyang makausap. Malamang isa si Mhea sa dahilan kung bakit ako nandito. At tuluyan na akong nilamon nang panaginip na ito kaya nagiging totoo. Tumakbo ako hanggang sa—may mabangga ako. BLAG! "Arayy!/ouch!" sabay naming sabi. Napaupo ako. Gosh ang sakit! Tiningnan ko iyong nakabangga ko. Napatayo ako bigla sa gulat. I-Isa siyang—omo! "Oh my god! Okay ka lang?" Agad siyang lumapit sa akin. Napalayo ako nang sumunod din sa kanya iyong—ano ba tawag doon, iyong laging sinasakyan nang isang witch. "Oh sorry! Meme, tinakot mo siya bumalik ka na sa dating anyo mo," sabi niya doon. Tumango naman ito at naging—Pusa? "A-Anyari?" naguguluhang sabi ko. "Bago ka lang ba dito?" tanong niya. NApatango lang ako. "Oh I see, Ahm I'm Candy," sabi niya sabay angat ng kamay. Inabot ko naman iyon. "I-Im Zhelle," pakilala ko. Ngumiti siya. "Halika, pakilala kita sa friends ko," sabi niya. Agad niya akong hinila. "S-Sandali," naguguluhan kong sabi. 'Pumunta ka sa master Office.' Bigla na lang may nagsalita sa isip ko. Teka, Hindi kaya siya iyong—kumakausap sa isip ko? 'Oo ako.' 'Sino ka?' tanong ko sa isip ko. 'I can't tell you now, just follow what ive said..' No choice. Alam kong siya ang dahilan kong bakit ako nandito. Siya ang nagpapasok sa akin sa malaking gate. Juice ko! Ano ba itong napasukan ko. Bumaling ako kay Candy. "S-Saan pala ang Masters office?" tanong ko kay candy. "Ah, samahan na lang kita dito tayo," sabi niya. Sumunod naman ako sa kanya. Bigla siyang nagsalita. "Sa t'wing sasapit talaga ang Buwan na ito, may new student talaga," sabi niya. "A-Ah nag aaral ka dito?" tanong ko. Tumango naman siya. "Walang katapusang aral hahaha!" tumatawa niyang sabi. Natigilan ako. "Ibig sabihin walang graduation dito?" naguguluhan kong tanong. Umiling siya. "Mayroon naman kung talagang ma- perfect mo na ang majika mo. sa ka na sa mga matataas dito sa Legendary Academy. Pwedi mo nang gawin lahat dito. Pwera lang sa isang bagay," sabi niya Na-curious naman ako sa sinabi niya. "A-Ano naman?" Ngumiti sya. "Soon malalaman mo, nandito na tayo," sabi niya. Kumatok siya bago pumasok. Pagpasok naman medyo napaatras ako nang makita ang taong naroon. Tumingin siya sa amin. "Master, she's a new Student," sabi ni Candy. Tumango siya at tiningnan akong mabuti. Mayamaya may lumitaw na papel sa harap nito na ikinagulat ko. Tiningnan niya rin papel. Mayamaya lumapit ito sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Tumango siya na parang sinasabing kunin ko. Kaya kinuha ko iyon at tiningnan. Nagulat na naman ako. Gamit nang mata niya nagawa niya ito? Nandito lahat nang Scheduled ko. Room ko mga activity na dapat gawin at higit sa lahat—ano ito? "You can go," narinig kong sabi nang master. "Lets go," sabi ni Candy. Susunod na sana ako nang mapahinto ako sa nakita ko. Dalawang Statue and I figure out na, babae at lalaki ito. Nakaramdam ako nabg kakaiba. "Zhelle lets go," tawag ni Candy Sumunod na ako sa kanya. Bago ako makalabas sumulyap ako sa master At nakita kong nakatingin siya sa akin, mAyamaya ngumiti siya. Bigla na lang may humila sa akin. "Phew! Ano ka ba naman Zhelle, bakit gusto mo pang magtagal doon nakakatakot kaya," sabi ni Candy. "Anong nakakatakot doon?" nagtataka kong sabi. "Ehhh basta halika ka na, nagugutom na ako," sabi niya at hinila ako. Grabe ngayon pa lang kami nagkakilala tapos ganito na siya ka close sa akin?Maging ako naging close na sa kanya. "Meme, let's go to cafeteria," sabi niya doon sa pusa. Nag form naman iyong pusa niya nang tulad kanina. Isang mahabang—aish! Tungkod ba iyan? Sumakay si Candy doon saka bumaling sa akin. "Halika, sakay ka dito." "Seriously?" gulat kong sabi. "Yeah! Come on!" Iniabot niya ang kamay sa akin. Nag aalangan akong inabot ang kamay ko. Bigla niyang hinila ang kamay ko at pasampa akong sumakay sa tungkod niya. "Kumapit ka," sabi niya. Kumapit naman ako sa kanya. "Lets go Meme!" Halos maiwan ang kaluluwa ko nang lumipad na ito. "Kyaah!" sigaw ko. Oh M G! O M G! Napapikit ako. Natatakot ako okay gosh! "Hahahaha! Ano ka ba! Idilat mo mga mata mo, ang ganda oh!" sigaw ni Candy. Kahit kinakabahan ako, idinilat ko ang mga mata ko at tama nga siya. Namamangha ako habang nakatingin sa ibaba. Ang lawak ng academy. NakiKITA ko ang dalawang malalaking Building. Hindi tulad ng mga building sa maynila. Iyong makalumang building. May malaking Field; May Lake, may mga nagliparang mga tulad nang nangyayari sa amin ni Candy. May Mga malilit na building na parang hotel. NAtuon ang pansin ko sa di kalayuan. Kakaiba ito sa lahat. May kagubatan pa bago ito. Di tulad nang ibang kulay ng puno. Because its dark. "Candy, anong tawag doon. " Itinuro ko sa kanya ang nakikita ko. "Its a f*******n Dark forest," ani ni Candy. MAGtatanong pa sana ako nang mapansin kong pababa na kami. Sa tingin ko ito na iyong cafeteria. Bumaba na ako pati si Candy. Napansin kong napatingin ang ilan sa amin. "Tara," anyaya niya. Tumango lang ako saka sumunod sa kanya. Nakatingin pa rin ang ilan sa amin o sa madaling salita sa akin mismo at doon ko napansin ang kaibahan. Ako. Naiiba ako sa kanila. Lalo na sa mga bagay na mayroon sila pero isa lang ang natuon ng pansin ko. Ang bagay na nasa kamay nila. "Candy! Dito!" Napatingin kami sa tumawag kay candy. I saw 4 person in that table. Dalawang babae at lalaki. "Halika, ipapakilala kita sa kaibigan ko." Hinila naman niya ako papunta sa kaibigan niya at nang makalapit kami. Nagtataka silang tumingin sa amin. "Who is she?" tanong noong babaeng—okay maganda siya At mukhang mabait. "She is Zhelle (pronounce Zel') new friend ko," pakilala niya sa akin sa kaibigan. Tumango-tango naman sila. "Im yannie," sabi noong unang nagtanong. Ngumiti siya. Kaya nginitian ko rin siya. "Faye," sabi noong isa na hindi man lang ako nginitian. Mukhang mataray. "Sandre here!" sabi noong katabi ni Faye. "Neon," sabi rin noong isa. Nginitian ko sila. Bakit parang nawala iyong pagiging madaldal ko? Nakipagkwentuhan na ako sa kanila habang kumakain. Masyadong madaldal si Sandre. Tahimik lang si Neon. Kaming apat lang ata ang nag uusap wala ring kibo si Faye. Hays, Tiningnan ko ang paligid. What now? Panaginip pa ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD