Tit-tit tit-tit Tunog ng cellphone ko pagpasok ko sa kwarto.
Madam... text ni Rommel.
Pasensya ka na ha. Medyo masakit ulo ko.
Dahil umiiyak ka na naman?
Kring-kring kring-kring
Hello, sabay singhot ko.
Baka makita ka na naman.
Nagtago na ako madam.
Bakit ba kasi ibinigay mo?
Inagaw eh. Tsaka isa pa talagang alalang alala sayo.
Pero gusto ko kasi talaga muna mapag-isa. Gusto ko kasi tingnan ang sitwasyon kung kaya ko pa ba. Isang taon naman na akong nagtitis. Kailangan ko dn ng break at panahon para sa sarili ko.
Kasi nga sabi ko sayo, hinde nga sya mapalagay. Miss na miss ka. Isipin mong 2 weeks kayong hinde magkikita. Isa pa mahal ka din non, kasi hinde yon magkakaganun kung hinde. Naiipit lang dn sya sa sitwasyon.
Believe me I perfectly undestand that ang hinihingi ko lang naman kasi first anniversary namin, gusto ko din syang makasama. Pero ang sabi sakin, anong gusto mo gawin ko, lokohin ko asawa ko? Parang sa kanya na dn nanggaling na kabit lang ako. Oh well, yun naman ang totoo di ba?
Madam wag ka mag-isip ng ganyan ok, magiging ok din ang lahat,. Sigurado ko babawi yon pagbalik mo.
O sige na sleep na ako at ikaw mag-enjoy ka sa party.
Sige bye madam.
Bye.
Tooot tooot tooot tooot
Hmmmnn malalim na buntunghininga ni Rene dahil hinde nya talaga makontak si Ems.
Oh babe, ano ba, pagkausap nga sa cellphone. Alam ko naman na madami akong pagkukulang sayo pero konting tiis pa.
Nasan ka ba kasi? Sa puso ni Rene ay gustong gusto nya na sundan si Ems kung nasaan man ito.
Kung ayaw mo makipag-usap bahala ka na nga.... Sa isip isp ni Rene.
Magdamag halos hinde ako nakatulog. Pero hinde naman ako masyado iyakin at natutunan ko ng hinde maging iyakin. Siguro sa dami ng napagdaanan ko sa buhay ko kaya naging matatag ako.
Matuling lumipas ang Holiday at araw na ng uwi ko sa Manila. Ang saya ng celebration pero sa puso ko ay laging may kulang.
Natitis ko din na hinde kausapin si Rene ng 2 linggo. Alam kong matindi na ang galit nya sa akin.
Alas kwartro pa lang ng Linggo ay bumiyahe na ako sakay ng motor pa Maynila. Ilang bayan din ang daraanan ko. Sa San Miguel Bulacan ay namili ako ng chicharon, sweets na pampasalubong sa mga kaibigan at kila Ate Gina.
Sa daan na din ako nagalmusal.
Wala pang alas Dyes ay nasa bahay na ako sa Manila. Sa pagod ay mabilis akong nakatulog at hapon na ng magising ako.
Nagulat ako na parang may taong nakapasok. Nagmamadali akong tumayo at sumilip kung sino ang nagbubukas ng pinto.
Rene? sabi ko ng makilala ko ang likuran nya.
Rene? Talagang Rene ang tawag mo sakin? Buti naisipan mo pang umuwi?
Malamang may pasok ako eh.
San ka nanggaling?
Sa amin nga. Bakit mo nalamang andito na ko? Pinaamin mo si Rommel?
Sino pa ba? Sya lang naman ang lagi mo kinakausap. Buti pa sya natatawagan ka at tinatawagan mo.
Bakit kita tatawagan? Di ba nasa batas mo yon, don't call me. i'll call you.
Nang-aasar ka ba?
Eh di maasar ka.
Punyeta....
Punyeta ka din, ganting sagot ko.
Ano ba? bulyaw ni Rene. Kanina ka pa napipikon na ko. Sabay amba ng kamay.
O ano, sasaktan mo ko? Sige lang.
Hmmn malalim na buntung hininga ni Rene sabay baba ng kamay.
Ano ba babe nangyayari sayo?
Sakin? tanong ko habang tinututro ko ang sarili ko. Wala, gusto ko lang magbakasyon.
Nakikiapag-uap ako ng maayos sayo kaya ayusin mo ang salita mo. Sigaw nya.
Ano ba, hinde ka pa ba sawa sa ganito? tanong ko. Kasi ako sawa na ako. Ayaw ko na. Di ko na yata kaya eh. Sabay upo sa sofa habang umiiyak. Tama na, sige na tama na. Tigilan na natin.
Mataman lang nya kong tinititigan habang naluluha na din ang kanyang mga mata. Babe, konting tiis nalang oh please. Nakikiusap naman ako sayo. Nagagalit ako kasi ni hinde ka nagpaalam ng maayos sakin, hinde kita makontak. Ginawa mo kong gago eh. Ano bang akala mo sa akin ha, walang damdamin? Alam mo naman ang estado ko.