Alas nueve ng gabi ng makabalik kami ni Regine ng bahay. Si Rene pa rin ang laman ng isip ko.
Rommel, busy ka? text ko
Kring-kring kring kring
Napakaingay ng paligid ng sagutin ni Rommel ang tawag ko.
Hello madam, sandali lang lalayo ako. Ang ingay kasi inuman na at videoke.
Ay naku sorry nawala sa isip ko na ngayon ang party.
Ok lang yon madam. Miss na kita. Si boss kanina pa malungkot. Tinatanong nga ako kung nakausap kita. Sabi ko oo tapos kinuwento at sinabi ko yung bilin mo.
Kamusta naman ang party?
Masaya madam si boss lang ang hinde.
Rommel, sino kausap mo si Ems ba?
Sabihin mo hinde, nagmamadali kong sabi.
Ah eh ah boss si.... naputol ang sasabihin ni Rommel dahil inagaw na ni Rene ang phone.
Hello, bungad nya. Ems?
Rene... malungkot kong sagot.
Rene? Rene ang tawag mo sakin?
Eh bakit tinawag mo din akong Ems ah.
Nasaan ka ba?
Andito sa amin.
San yan?
Bakit mo tinatanung?
Para alam ko.
Hinde ka naman pupunta magtatanong ka pa. Mataray kong sagot.
Babe, kelan ka uuwi? Sabay senyas kay Rommel na bumalik sa kasiyahan.
After New Year.
Bakit di ka nagsabi sakin na aalis ka?
Nagpaalam ako. Di ba sabi ko sayo magbabakasyon ako.
Oo nga pero hinde mo sinabi kung kailan. Akala ko aabutan kita sa bahay kagabi.
Bakit nagpunta ka dun eh di ba busy ka at nagsabi ka ng hinde ka pupunta ng 2 weeks.
Oo nga pero alam mong Friday kagabi at siguradong uuwi ako.
Hhmmn acctually hinde ko nga inasahan darating ka. Di bale sanay naman akong naghihintay lang.
Babe, magsisimula na naman ba tayo?
Ah hinde hinde, sige na Rene at gabi na puyat ako kagabi at maghapon naman ay naggala kami.
Sinong kasama mo?
Pinsan ko.
Ganda, kain na tayo. Tawag sakin ni Kuya Robert.
Sige pogi sunod ako. sagot ko.
O sya sige na kakain muna ako..
Sino yon? tanong ni Rene.
Wala yon.. Sige na...
Ganda, anong gusto mo inumin?
Ano bang meron? Kahit anong available dyan.
Ano yon, iinum ka? Singit ni Rene
Oo, bakit? Magcelebrate kami.
Di ka naman umiinom di ba? Anong i-celebrate nyo?
Anniversary ko, mag-isa.
Babe ano ba? Nakapikon ka na.
Eh bakit ba kasi nang-aagaw ka ng telepono.
Bakti ba kasi hinde kita makontak. Binlock mo ba ko? Pag si Rommel tumatawag sayo nakakusap ka.
Unfair ka naman, pag ako hinde ka pedeng tawagan. So pag andito ko bawal ka din tumawag kasi gusto ko mapag-isa.
Babe ano bang gusto mo gawin ko? Iwan ang asawa ko dito at puntahan kita dyan? Pasigaw na sagot ni Rene
Pag sinabi ko bang oo gagawin mo? Di ba hinde? Di ka ba masaya na binibigyan nga kita ng panahon na makasama sya ng wala ako, yung malayo ako para wala kang intindihin.
Paano akong mapapalagay eh hinde ko alam nasaang lupalop ka? Tapos kung sino sinong lalaki ang kasama mo.
Excuse me, anong akala mo sakin kaladkarin?
Bakit hinde ba?
Ah eh gago ka pala eh. Sabay patay ng telepono.
Nanggigigil ako sa inis sa gagong to.
Kring-kring kring-kring
Tooot. Pinindot ko ang end call button.
Kring-kring kring-kring.
Toooot.....
Punyeta wala akong balak sagutin ka.... Sintemyento ko.
Ganda... Halika na kain na.
Kuya pwede bang iidlip muna ko. Masakit kasi ulo ko. Mauna na kayo kumain.
Kumain na kami, ikaw lang ang pinaghain namin.
Sorry kuya, pero matulog muna ako ha. Sabay talikod dahil ayaw kong makita nya ang luha sa mata ko.
Bullshit. Bullshit. Your giving me a headache Ems. Nasaan ka ba kasi? Sagutin mo habang ilang ulit na nagdial. Gigil ni Rene.
Boss? agaw atensyon ni Rommel.
Binabaan ako. Inaya sya ng isang lalaki na uminom. Sumama kasi daw magcelebrate ng anniversary namin.
Eh boss bawi ka na lang pag-uwi nya.
Kinakabahan nga ako sa tipo ng pagtatalo namin baka hinde na umuwi ng bahay yon.
Cool ka lang boss. Mahal na mahal ka non. Nagappalipas lang yon ng sama ng loob. Kasi syempre bilang babae boss may insecurities din yan. Nabanggit nya nga sakin kanina habang umiiyak na sobrang lungkot daw nya pero naiintindihan ka naman daw nya. Lilipas din yan bos.
Cellphone mo. Salamat. Sabay talikod.