Dahil din sa pagod ko sa byahe ay agad akong nakatulog.
Kring-kring kring-kring
Hello, inaantok kong sagot.
Madam, morning kamusta ang byahe mo? Nagmotor ka talaga?
Oo dinala ko. Kasi ang hirap dito pag magcommute at medyo malayo din sa kabayanan baka wala na akong masakyan.
Anong oras ka dumating?
Mga 11PM na kagabi,
Nagkausap na ba kayo ni Boss? Nagpaalam ka ba?
Hinde, busy yon di ba at bawal ako magchat sa kanya.
Ah kasi kagabi hinahanap ka, nagkita kami sa bahay nung nagdilig ako.
Andun sya? Kagabi?
Oo madam inabutan ko sya duon, alalang alala nga sya syo. Mainit ang ulo nya. Ininterview pa nga ako. Tapos tinatawagan ka daw di ka makontak di ka din daw online.
Eh kasi, binlock ko sya sa cp ko tapos nakahide naman ako sa kanya sa messenger at nka off notification kaya hinde ko makikita ang mga messages nya.
Ah kaya pala, so nagtatampo ka?
Hinde naman ako galit sa knya naiintindihan ko naman sitwasyon namin. Kaya lang nalulungkot ako ng sobra kasi feeling ko hinde naman ako mahalaga sa kanya.
Naku kagabi kung nakita mo. Prang pusang hinde maihi ang daming tanong sakin.
Anong sabi mo sa kanya.
Eh di umuwi ka ng probinsya at ung mga binilin mo sakin. San nga pla probinsya mo?
Andito ko sa Laur, lagpas ito ng Cabanatuan. Dito ako pinanganak. May bahay kami dito pero dito ako sa mga tyuhin ko umuwi kasi wala ako kasama sa amin.
Sige sige. Baka mamaya subukan ka na naman tawagan nun.
Pakisabi na lang na okey lang ako at after New Year na lang ako uuwi.
Bakit di pa ikaw magsabi sa kanya madam?
Ikaw na ksi sigurado ko tatanungin ka ulit nun.
Magtataka yon bakit di ka nya makontak tapos ako nakakausap mo.
Eh sabihin mo na lang na natyempo lang. Mainam na din yung ganito ng minsan mamiss nya rin ako.
Naku madam sa itsura kagabi, paniguradong miss na miss ka kasi talagang gumawa lang yon ng paraan para makaalis.
Oh ineng gising ka na pla, halina't mag-almusal.
Sige po Tiyang.
O sige na Rommel, bye na. Ingat ha at balitaan mo ko. Enjoy ka sa party later ha.
Sige madam ingat ka din. Bye
Ang agahan ay nilagang sari-saring gulay na may buro at pritong isa. Hmmmn namiss ko ito Tiyang.
Pagkakain ng agahan ay kanya kanyang gayak na kami para mamasyal. Una muna kmi pupunta ni Regine sa aming bahay.
Mga 10 minutong lakaran ng natanaw ko ang aming munting bahay. Prang kelan lang nung kasama ko pa sina Mama at Papa. Masayang alaala.
Salamat Regine at naaalagaan ninyo itong bahay.
Oo naman ate. Kahit sina Itay minsan ay dito natutulog lalo kapag naginuman sila nila Kuya at Tyo Kaloy.
Naiiyak na naman ako habang pinagmamasdan ang paligid. Sa likod nito ay may 1 ektaryang sakahan na pinapangalagaan din ni Tyo Rey.
Lahat silang magkakapatid ay may tig-isang ektaryang sakahan kaya kahit paano ay hinde na dn sila hirap sa buhay. Ang Tya Vera naman na Nanay ni Regine ay may tindahan at malago naman ito. Meron din kaming naipundar na halimaw, yung makinang pang-ani ng palay. Ang Tyo Kaloy at Tya Beth ay may konohan at namimili ng palay.
May isa pa silang kapatid ang Tya Sol na malapit na sa Cabanatuan proper ang bahay. Malago din ang kanilang bigasan at grocery store.
Sunod naman naming pinasyalan ang bahay ng Tyo Kaloy at ng humapon ay nagmotor kami para mapasyalan ang Tya Sol at ang aming mga pinsan. Dun na din kami kumain ng hapunan.
Napagkasunduan namin na sa aming bahay ganapin ang Pasko at Bagong Taon dahil lahat sila ay namimiss ang kanilang kapatid, ang aking Papa.
Nawala sila dahil sa isang aksidente, binangga ang jeep na sinasakyan nila ng isang truck dahilan na agad silang nawalan ng buhay bago pa man umabot sa ospital.
Si Tya Belle naman ang kumuha sakin na kapatid ng aking ina. Nuon kasing panahong iyon ay puro maliliit pa ang aking mga pinsan dito at mahirap pa ang buhay kaya napagkasunduan na sa Manila na lang ako mag-aral. Si Tya Belle kasi ay single at maganda ang trabaho ng mga panahong iyon.