Sa Probinsya!

699 Words
Niyakap ko ang mga Tiyo at Tiyang at pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi. Napahikbi ako. Bakit ka ba umiiyak bat ka? Kasi po ang tagal ko hinde nauwi at namiss ko po kayo. Naalala ko po ang masaya kong kabataan dito. Naku, areng batang ere naman ay nagsintimyento pa. Halika nga dito iha. Niyakap ako ng Tya Vera ng mahigpit. Namiss ka din naman namin at salamat nga pla ineng sa mga padala mo dine. Oo nga lalo nung nangailangan kami sa bukid ng pataba. Nga pla, Regine maghain ka ng pagkain para sa ate mo. Naku, kumain na po ako. Kape na lang Regine. Isa pa po gabi na bumalik na po kayo ng tulog nyo Tiyang, Tiyong. Naku hinde at sasamahan ka namin dine magkapeng bata ka. Nasorpresa kami ng pag-uwi mo, baka madami kang istroya sa amin hane. Sagot ni Tiyang. Regine anak magtimpla ka ng kape pra sa atin. Tingnan mo kung gising ang kuya mo. Andito ako Itay. Ems.... Masayang bati ni Kuya Robert na sinalubong ko din ng yakap. Kamusta pogi? Naging maganda lalo ang gabi ko ganda. Ahihi hahahahah bungisngisan namin. Mahal, sabi ng babaeng nakatayo sa pinto ang mga mata ko naman ay nagtatanong. Ah ganda, si Tere, asawa ko. Huh, sabay tutop sa bibig ko. Nag-asawa ka na hinde mo man lang ako hinintay at sinabihan? Eh bakit ka naman hihintayin, mataray na sagot ni Tere. Hi Ate, ako pala si Ems. Mahal, ano ka ba si Emily yan, si Ems, yung pinsan ko na nasa Manila. Yung walang sawang nagpapadala dine ng pera pag nangailangan tayo lalo nung nagkapeste at nalugi tayo. Ahhhh, biglang ngliwanag ang mata nya sabay sabing. Naku Ems, ikaw ba yan, pasensya ka na at di kita nakilala. Napakaganda mo naman kasi. Wehhh di nga, kanina galit na galit ngayon nang-uuto na. Sabay tawanan ng lahat. Muntik na kasi ako magselos eh, singit pa nya. Muntik lang pala yon ate eh halos saksakin mo na ng tingin ang ate. Hinde kasi kami nagkakausap man lang sa video call dahil wala naman silang internet. Ang may internet ay sila Tya Sol na malapit sa kabayanan ang bahay, pero mas close kasi ako kila Regine kaya dito ako tumutuloy pag nauuwi. Regine bukas ay samahan mo ko kila Tiya Sol at magpapaalam ako na dun mag work from home habang andito ako. Ibig sabihin ganda magtatagal ka dine? Ayaw mo yata pogi ah. Hoy hinde ah, ikaw pa ba naman. Sabay tawanan ulit. Ineng kamusta ba ang buhay mo dun sa Maynila? sagot ng Tiyo. Inabot kami ng alas tres sa kwentuhan sa sobrang kasabikan namin sa isa't isa. It feels like home. Ang dami namin napag-usapan at naiyak ako ng inamin ko sa kanila ang sitwasyon ko sa pakikipagrelasyon. Naku, alam mo naman anak na ang turing ko sayo kaya sasabihin ko sayo ang saloobin ko na mali ang pinasok mo pero andyan na yan at baka kaya mo pang itama pa. Naku Rey, may sakit naman ang asawa ng lalaki, baka madali ng mamatay yon. Ay ang Inay, sagot ni Regine. Ibig ko lamang naman sabihin at malaki naman ang tyansa na pakasalan sya, nagkataon lamang na mas maaga ka nadating sa buhay nya. Eh limiin mo din ang sarili mo Ineng kung hanggang saan mo ba naman kakayanin ang pinasukan mo. Kami ay susuporta lamang sa iyo hane. Naiiyak ako habang pinapayuhan nila ako. Ganda, bakit naman kasi ke dameng lalake at ke ganda mo naman. Mahal hinde naman natuturuan ang puso, eh tingin ko naman mabait sa knya yon at maaring yun ang minahal nya talaga. Kaysa humanap ng gwapo tapos manloloko eh iyon alam nya na yung sitwasyon una pa lang. Hay naku, guys it's 3AM already napuyat na ang lahat dahil sakin. Magsitulog na tayo. Ay sya sige, tena. Regine naayos mo na ba ang tutulugan ng iyong ate. Opo Inay. Ate yung kama mo sa loob ng kwarto ko ay maayos na tara ng mahiga. Masayang masaya ako na nauwi ka. Dine ka ba mag Pasko at Bagong Taon? Oo, sama sama tayo dito magcelebrate ng holidays. Lahat ay natuwa at kanya kanya na kami ng pasok sa kwarto,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD