Nagmamasid lang kami habang naghihintay natapos ang paghakot.
Maya maya pa ay nakita ko ng palapit si Boss at syempre nginitian ko ng pagkatamis tamis dahil kailangan ko makadiscount ng halaman.
Hi Boss, remember me? Emy po sa bidding.
Ah ok, napadaan ka? Matipid nyang tugon.
Bakit ganon parang ramdam ko ang lungkot sa kanyang nga mata. Ngayon ko lng din natitigan na makisig pala sya. Gabi na kasi nung bidding at di ko masyado napag-aralan ang body figure nya. In fairness ha pasado sa tipo ko.
Hoy Ems ano ba yang pumapasok sa kukote mo. Biglang singit ng other self ko. Bakit ba kasi ang aga aga pa ano ano na naiisip ko.
Bigla tuloy akong natauhan sa titig nya, sabi nya siguro lukaret tong babaeng to habang naniningkit ang mata nyang matamam akong binabasa.
Ah boss kasi Black Cardinal sana hanap ko. Magkano po ba?
Ah pede ko ibigay sayo ng Php 900.
Magkano nyo po nireretail?
Nasa Php1,200 bentahan nyan dito pede pang Php 1,300 pag medyo malaki.
Pede po pa mamili?
Sige tingnan mo na.
Pag mga 5 po ba may discount pa?
Last price na yung Php 900.
Ah sige boss.
Madam sayo lang binigay ni Boss ng 900 sa mga reseller pangkaraniwan 1k yan o kya Php950.
Ah ganon ba?
Oo naku madam, mukhang naunahan pako ni Sir.
Saan ka naunahan?
Ah wala wala sabay ngiti.
Rommel, halika dito pakiayos yung mga paso.
Yes boss.. Sabi ko sayo naunahan nako. Sabay bulong sa akin.
San nga?
Basta basta. Habang nakangiti ng nakakaloko.
Ewan ko syo busit ka, Sabay hampas ko sa balikat nya habang tumatawa.
Rommel, matigas na tawag ni boss.
Andyan na boss. Sige dun na ko ha. Paalam nya.
Itong kuhanin mo, may suwi na.
Ay kabayo. Nagulat kong sabi ng bumunggo ako sa maskulado kasi di ko alam na nasa likod ko na pla si boss.
Nasan ang kabayo, ganting tugon ni Boss.
Naku, kinabayo na. Ganting biro ni Ate Gina.
Sabi ko ito kunin mo ksi my dalawa ng suwi at tsaka maganda may bago ng papabukang dahon.
Ah sige boss thank you. Sabay ngiti ulit ng matamis.
Nakatitig lang din naman sya sakin, nakakatunaw naman sa loob loob ko. Pero alam ko naman sa edad nya posibleng my asawa na sya.
Boss kundi mo mamasamain ilang taon na po kayo?
Ako? Parang nagulat nyang tanong.
Sa tingin mo ilang taon na ko?
Ah parang wala ka pa naman 50.
Ay sus malayo pa ako dun.
Ahaha ilan nga kasi.
36 plang ako. Sus kang bata ka.
Naku sir di napo ako bata.
Eh ilang taong ka ba?
25 po ako kahapon.
Ah so birthday mo kahapon?
Yes, yes so bigyan mo ko discount.
Di nga, totoo birthday mo kahapon?
Oo nga, sabay dukot sa wallet, para ipakita ang bday sa ID.
Emily Sarmiento, nice name.
Sir yung birthday ko po yung pinapakita ko, sabay agaw sa ID.
Oh sige belated happy birthday ha.
So bigyan mo ko discount?
Ah malulugi na ko sayo.
Oh sige na nga wag na, tutal sabi ni Rommel Php 950 daw bigay mo sa iba so nadscount mo na ko. Anyway thank you
Nagtampo naman kaagad. Sige less Php 100 pa sa total price. Ilan ba kuhanin mo?
Ah pede na yon, pamasahe na namin yon. 5 lang po.
May iba ka pa ba hanap?
Ah suksom sana boss, magkano?
Ah ito yung mga suksom namin. Sige bigay ko Php500 sayo.
Cge mga 3 lang po. pede ko siguro ibenta ng Php 700 each?
Oo pede kasi Php 600 bigay namin Php 800 benta ng resellers.
Eh meron po ba kayo Aglaonema?
Madaming klase ng Aglo, anong gusto mo?
Ano po ba rare?
Ah maganda yung Orbifilia kaso ang mahal nun Php 700 ko ibigay sayo. Pedeng ibenta yon ng Php 1,000.
Ah oo maganda nga yon. Sige isa lang baka di nakami makauwi.
Rommel pakiready yung 5 Black Cardinal, 3 Suksom at 1 Orbifilia.
Sige boss. Sabay kindat sakin. Laki ng nadiscount mo madam.
Ah ganun ba, sabay ng ngiti kay Boss pra naman makita nya yung mapuputi kong ngipin.