Araw ng sabado ngayon at dahil sa hapon ay may live selling kami, kailangan ko na naman maghanap ng dagdag halaman na pede ko itinda.
Ate Gina, Ate Gina, sigaw ko sa labas ng bahay nila. Nagsitahulan ang mga aso. Ang ingay grabe, nasabi ko habang naiinis na naghihintay.
Ate naliligo po si mama, sabi ni Ash na anak ni Ate Gina pagbukas ng pinto.
Ah ganun ba, may lakad ba sya? Aalis ba?
Sa inyo po yata ang punta.
Ay good, sige hintayin ko sa bahay, pakisabi aalis kami samahan niya ko sa Circle ha.
Ay sige po sabihin ko.
Salamat Ash. Ay eto nga pla BTS coffee alam ko gusto mo yang BTS.
Salamat ate habang ang tamis ng ngiti.
Pakisabi na lang sa mama mo na bilisan ha.
Ok, sabay tango ni Ash. Mama bilisan mo, wag mo pag-intayin si Ate Ems.
Siya ba yung nagpunta?
Nadinig kong sagot ni Ate Gina bago ko tunalikod.
Ayaw ko kasi maghintay sa kanila kasi ang dami nilang aso, ang iingay at syempre may amoy sa loob ng bahay.
Maya maya pa...
San ba tayo pupunta? bungad ni Ate Gina .
Sa Circle maghahanap ng halaman para sa live selling.
Tara na para makapaghanda pa tayo mamaya.
Si Ate Gina kasi ang parang assistant ko sa bahay at sa halaman. Inaabutan ko nalang ng konti pag kumita. Maganda din naman kasi ang kita sa halaman basta nasipag ka magbenta.
Nagtricycle nalang kami pa Visayas palengke at sumakay ng jeep pa QCity Hall para magunderground pass pa Circle.
Ano pala yung mga halaman mong dumating kagabi?
Hay inaantok pa nga ako kasi 1am nako natapos magtanin, di mo naman ako tinulungan.
Paano kasi tinotopak yung si Ash eh nabibwisit ako. Nahambalos ko nga ng tabo.
Ano beh, kapayat na ng anak mo noh, pero sabagay sabihan mo kasi palasagot masyado.
Yun nga kaya nga nabubwisit ako sa sagot kaya tinulugan ko. Di mo naman ako sinabihan na may shipping ka ng halaman kagabi.
Ano beh matic yon pag Friday. Ikaw talaga. Pero di din kita inabala kasi baka kako busy ka.
Ay manong para na para po.
Sabi ni Ate Gina, muntik pa kami lumagpas sa kakakwento.
Tara na dalian natin kasi tanghali na eh maglalive pa tayo mamaya.
San ba tayo pupunta dyan?
Hahanapin natin yung Myla's Garden baka makadscount ako ng malaki. Sana andun si Boss Rene.
Naku buti kung natandaan ka pa nun.
Malay mo naman. Pero naisip ko may point naman sya.
Nag-iikot iikot na dn kami sa Circle habang naghahanap.
Kuya, alam mo po ba san dito yung Myla's Garden.
Ah dun yun malapit sa exit pag-ikot mo. Malayo pa.
Ah sige thank you.
Ano ba yan, sa dulo pa pala mapapagod tayo niyan sa layo. Angal ni Ate Gina.
Anu ka ba, ok lang yan.
Ang haba na ng nalakad namin.
Ate ate ayun yung Myla's. Dali dali. sabay takbo.
Sandali, masyado ka naman excited. Irap ni Ate Gina.
Hi, bati ko ky Rommel na nagkataong nakatayo sa pwesto.
Oh madam kamusta?
Ah naalala mo pa pla ako.
Naku madam, sa ganda mong yan, hinde ka madaling makalimutan.
Wahhhh, ahahaha thank you.
Ano bang hanap mo ngayon?
Ah Black Cardinal.
Ah sakto padating si Boss madaming dala, hintayin mo na. Panget na kasi mga stocks dito.
Sige sige.
Ah teka lang ha at kukuha ko upuan..
Thank you, tugon ko.
Oh upo muna kayo. Siyanga pala madam, pede ko ba makuha number mo? Para itxt kita pag may bago.
Ah sige ito oh, Sabay pakita ng nakasave kong number. Ikaw dn save mo na number mo dyan.
Ah eto. Sinave ko na number ko..
Wehhh di nga, Rommel gwapo talaga.
Ah bakit madam, ang panget ko ba?
Ah hinde naman, sakto lang. Sabay tawanan.
Mabiro ka pala madam.
Ah Rommel gwapo eh mga what time kaya darating si Boss.
Ah maya maya lang. Oh ayan na pala yung van. Wait lng magbaba muna kami ng halaman.