The Saddest Truth!

698 Words
Hmmnn smells yummy. Pagtayo ko ay tinakpan nya ang mga mata ko at inalalayan ako papunta sa dining table. Wow babe this is my favorite, kare-kare. Ang tagal ko ng huling nakatikhim nito. Kanina di ba nasa Cavite tayo at bumili kami ng lunch, so namili ako ng OX tail, balat at mga ingredients. Namiss ko na din kasi ito. Pagka pray namin ay agad akong bumanat ng subo. Hmmmnn sobrang sarap, kinikilig kong sabi. Madami ba ito? magbabaon ako sa office. Oo madami pa. Yehey para ulam ko dito ng ilang araw. Naku baka magsawa ka dyan. Hindeng hinde babe. Buti na lang madami kang sinaing. Napadami ako ng kain ngayon. Sobrang hinde ko napigilan ang kumain. After kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng plato at tulad ng nakagawian ay nasa sala sya at umiinum ng SanMig at mani binusa nya habang nagluluto ng dinner. Umabot din ng 30 minutes bago ako natapos maghugas. Babe what time ka uuwi? After this bottle uuwi na ako. Kasi kanina pa nagtetext si Myla. Ok babe. Maya maya ay nagpaalam na syang uuwi. Babe uwi na ako. Ok ingat ka, I love you babe. Love mo ba ako? Tinitigan nya lang ako at hinalikan sa noo. Sabay sabi ng, Maglock ka ng pinto. Wag ka magbukas sa kakatok. Babe, I said I love you. Yes, I know sabay buntunghininga at nagmamadaling tumalikod. Pag-alis nya ay hinde ko napigilang umiyak. Talagang mahirap ang may kasosyo sa pag-ibig. Napapisip na naman ako kung dapat ko ba itong ituloy pa. It hurts badly. Para maiwasan ang pag-iisip ay itinuloy ko na lang ang pagreview sa inventory at nagsimulang gumawa ng record book. Mag-aala una ng matapos ako pero naging matagumpay naman ang lahat. Sa weekday ay video calls, chat, calls or text lang ang communication namin. Paminsan minsan at nagkikita din pero tuwing Friday night until Sunday morning lang kami nagkakasama minsan ay hinde pa sya nakakatulog dito, pero dahil may work ako sa plant shop nila every weekends ay obligado naman nya ko sunduin at mag-ikot. Dahil sa nangyari kahit paano ay hinde ring maiiwasang mahalata nya ang pananamlay ko pero alam kong sadyang hinde nya lang pinapansin. Alam kong nahihirapan din sya pero pag duamting ang panahon na kailangan nyang mamili alam kong hinde ako mananalo. Hinde ako ang pipiliin. Malapit na ang aming anniversary. Babe, malapit na anniversary natin, nakaleave ako the whole week, ikaw ba pede ka din magleave para makalabas tayo? Kahit overnight lang. Mamasyal tayo. Babe hinde pede ang ganon. Magdinner na lang tayo. Dito ka matutulog? Try ko. Akala ko ba babe ay magse celebrate tayo? Pede naman tayo magdinner. Oh tapos? Eh di ihahatid kita dito. Hmmmn, malalim na buntinghininga na lang ang naisagot ko. Masamang masama ang loob ko. Dumating ang December at malapit na naman ng Christmas Party pero hinde na ako aattend kahit anong pilit ni Rommel. Ayaw kong masaktan.dahil alam kong kasama ang asawa nya. Kaysa masaktan ako at baka hinde ko makayanan, mas pipiliin ko ng hinde pumunta. Dahil sa maayos na takbo ng negosyo dulot ng weekly inventories ay lalong lumaki ang kinikita nya dahil naiiwasan na ang panlalamang sa kanya ng mga tauhan nya. Madami syang pinrepare na give aways sa mga tauhan nya. Iba talaga na may katulong sya sa negosyo. Kumabaga ay perfect match kami. Wednesday ngayon at naisipan nyang pumunta sa bahay. Ah eh babe, sa Christmas party ay sasama si Myla, so wag ka na sana pumunta... sabi ni Rene hinde pa man nakakapasok ng bahay. Ok.. simpleng tugon ko pero prang sinibat ang puso ko sa sakit. So walang inventory di ba? Wala muna ng 2 weekends kasi gusto nya magstay sa Silang Cavite habang ginagawa ang expansion ng garden duon. Isa pa baka bumuti buti ang pakiramdam nya duon. Hinde dn kita mapupuntahan ng mga panahon na yon. Kahit sa anni...... pero hinde ko na lamang tinuloy ang nais ko sabihin kasi useless din. Yung dating plano namin ay lalo ng naging malabo. Sige nakaleave naman ako, so magbabakasyan muna ako. Saan, tanong nya habang nakakunot ang noo. Tanging kibit balikat lang ang naisagot ko. Ganon talaga kabit lang ako eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD